Chapter Twenty-One.
"Arayyy!" sigaw ni Vench sabay hawak sa noo na napatama sa dash board.
Agad niyang hinarap si lester na nakayuko pa rin at nakasubsob ang ulo sa manibela ng kotse.
Inalis ni vench ang seatbelt at lumapit kay Lester.
"lester.Oy." inalogalog niya ang balikat nito.
Nagpapanic na si vench.
Sa pader sila bumangga kaya alam niya na hindi ganon kaseryoso ang nangyari. Wala namang dugo sa mukha si Lester o kahit galos.
Kinuha niya ang phone ni lester at naghanap ng pwedeng matawagan.
Si Ian na bestfriend nito agad ang naisip niya.
"Hello Ian. si Vench To.Oo Ako nga."pagkausap niya sa kaibigan ni Lester.
"Naaksidente kami. Hindi.Oo okay naman ako.Kaso si lester nawalan ng malay.Sige.Sige. Alam mo ba tong sa may intramuros malapit. Oo dito nga. Sige salamat. "kausap ni vench.
" Lester??" Sambit ni Vench.
Dinala agad nila ni Ian si Lester sa ospital ng dumating ito.
Ilang oras ng walang malay si Lester.
Nagmulat ng mata ang nakahigang si Lester.
" A-asan ako?"tanong nito. " Nasa langit na ba ako? Anghel kasi yung nakikita ko e ." nakuha pang magbiro na saad nito.
Marahang hinampas ni Vench ang pisngi ng kasintahan. " Adikk. Langit-langit ka dyan. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Ilang oras ka ring walang malay .." nag-aalalang tanong ni Vench.
" Okay lang naman ako ahh..' Pumikit ng mariin si Lester.
" may problema ba?" tanong ulit ni Vench.
Matagal na nakapikit si Lester.
Kinakabahan naman si Vench.
Unti-unting iminulat ni Lester ang kanyang mga mata...
Kasabay ang isnag malapad na ngiti...
"Ano??" mataas ang tinig at di mapakali na tanong ni Vench."Anyare sayo? Nasapian ka ba??"
"Labdub.." tawag ng nakangiting si Lester..
"ANo nga??? Magsalita ka kung may masakit, hindi yang pangiti-ngiti ka dyan. Tatawag a----"
Akmang tatayo na si Vench upang tumawag ng doctor ng biglang hilahin ni Lester ang kamay niya dahilan para mapaupo siyang muli sa upuan sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan niya.
Hinawakan ni Lester ang mukha ni Vench..
Unti-unting inilapit ang mukha sa mukha ng kasintahan.
--
Goosh!
Isang dangkal na lang ata ang pagitan ng mukha namin.
Ano ba naman tong si Lester? Bakit ngayon pa to nagkaganito kung kelang nagkanda aksidente aksidente na kami?
Baleew na nga talaga tong taong to.
Waa. Naaamoy ko na naman yung pabango niya. Boset.
Pag di ako nakapagpigil i-kikiss ko na talaga yang labi na yan. Grrr!!
--
"Labdub, I like you. I want you. I want everything in you. I just want you and your beautiful soul."Sabay lapat ng kanyang mga labi sa labi ni Vench.
Pagkatapos niyakap niya ito ng ubod higpit.
Sabay sabing..
"Namiss Kita Labdub. Hmmn. Namiss ko yung memories. I love You so much. Akala ko hindi na to babalik sakin. Feeling ko pa naman hindi ako normal nung wala yung memories na pinagmulan natin. NGayon bumalik na sila Labdub." masiglang balita nito.
Bumilis ang tibok ng puso ni Vecnh. Pakiramdam niya nabibingi siya sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso niya.
Masyado siyang nagulat sa ibinalita ni Lester.
Sa kiss.
Sa Yakap.
Sa Amoy.
Sa LAHAT-LAHAT.
Halo-halo na.
Kumawala si Lester at tiningnan ang mukha ng kasintahan,
"Oy. Bakit di ka nagsasalita dyan? Don't you miss me? The real and normal me?" tampong tanong nito.
Kumurap-kurap muna si Vench bago nagbawi at nagpaliwanag.
" Namiss Ko. Na-shock lang ako, kasi akala ko kung napano ka na. AYun pala mas nakabuti pa yung nangyari. Nagpractice pa nga ako ng speech ko para lang makapag-sorry sayo kasi kundi dahil sa kakulitan ko kanina di sana tayo mabubunggo."
Tumawa si Lester at niyakap ulit si Vench.
"Asus. Mag-uusap pa tayo tungkol sa Rio na yan."
Biglang napahinto sa pagsasalita si Vench.
--
Nubeyen! kala ko lusot na ako.
Tsshhh .
But anyway, His Back!
HHHmmmmmnnn. Normal na ulit yung yakap niya.
Hahaha., As if naman may abnormal na yakap tong mokong na to.
Waaaa!!
--
=================================================================
BINABASA MO ANG
My Tweet-ty Pie (COMPLETED)
Ficción General"I want you and your beautiful soul.. " -- Lester Sabilla "Handa akong kalabanin ang sarili ko, para sayo." --Vench Pio