Chapter Ten

239 10 3
                                    

Chapter Ten

"Alam mo yung mahirap? Ayun yung di mo magawang maging masaya kasi di mo man literal na nararamdaman yung bigat pero mas higit pa dun yung nangyayari na kahit sa salita di mo alam kung pano ma-explain." Tweet ni @itsvengelynpio.

Mabilis siyang nag Log-out.

--

8 days .. And 1 Month. Ganyan katagal na akong buhay pero patay.

Ganyan katagal na rin siyang wala . Noong una malakas pa yung pag-asa ko na babalik siya. Na baka may nangyari lang. I wait for him. Lagi ko siyang minemessage sa Twitter. 

Lagi kong tinetext kahit alam kong iniwan niya  yung phone niya at until now eh unattended pa rin.

If you were in my case what would you feel?? Yung lalaki na nagpadama sayo ng sinseridad.. yung lalaki na hindi mo akalaing mamahalin ka eh minahal at tinanggap ka? 

Gusto ko siyang hanapin, kasi nag-aalala ako na baka may masamang nangyari sa kanya.

Ang problema hindi ko alam kung saan at paano??

Hindi ko alam yung bahay nila. Wala akong kilala kahit isang tao na associated sa kanya. Wala kahit isa.

Saan ako magsisimula?

Hindi ko alam kung pano pa ko nakakahinga. 

Gabi-gabi umiiyak ako.

Litong-lito na ako. Mahal na Mahal ko siya. Nararamdaman ko pa rin yung kiss niya. 

Naamoy ko pa rin yung amoy niya. Naiwan sakin lahat ng magagandang ala-ala. 

Walang pangit eh lahat maganda.

Walang sablay.

8 days and 1 month. Ano na kayang nangyari sa three days niya?

Lord, I never ask you to give someone as loveable as him.  Alam ko po hindi ako perpektong tao but I just want to know kung deserve ko ba to? Ang masaktan ng paulit-ulit ? Nagmahal lang naman ako. Yung una..Pangalawa .. Lahat yun kinaya ko. Mahirap po pero nakita niyo kung gano ako nagpilit para lang makabangon.. Please po Lord! Tulungan niyo naman ako. Sana pag gising ko bukas andito na ulit siya .. Sana mahawakan ko na ulit ng mahigpit ang kamay niya..

--

Hinayaan lang ni Vench na maglandas ang luha sa pisngi niya.

HINAYAAN niyang kumawala lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Hhhhkkkk! hhkkkk!"singhot ni Vench.

Nakaupo siya sa bench sa Luneta park. Same bench kung saan umupo sila nila Lester dati bago ito magpaalam sa kanya.

Nanariwa sa isipan niya yung lahat ng ala-alang yun..

Nagsunod-sunod ulit ang patak ng luha niya. Habang mapait na nakatingin siya sa malayo.

Napatigil siya sa pagmuni-muni ng biglang may tumabi sa kanya.

Nagmamadali siyang humarap sa katabi sabay bigkas sa pangalan ni Lester."Lester!" 

Nagulat siya dahil si Rr ang nakita niya.

May kinuha ito sa bulsa sabay abot sa kanya ng panyong grey.

"May mabigat na pinagdadaanan ka na pala hindi mo man lang sinasabi sakin, samin."seryosong sabi nito.

Napipilitang kinuha niya ang panyo at pinunasan ang luha niya.

"Problema ko to. " stubborn na tugon ni Vench at nagbawi ng tingin.

"Hindi ko naman inaangkin eh. Pero kung ganyang nag-iiiyak ka na palang mag-isa dito.. Sana sinabi mo. Mas gagaan kapag sinasabi at nailalabas mo yan." sabi pa ni Rr.

My Tweet-ty Pie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon