Chapter Seventeen

202 7 3
                                    

 Chapter Seventeen

"SINO KA BA MISS?"nababanas na tanong ni Jbelle.

"I'm Jessica. Lester's gf. "maikling tugon nito.

"gf? Haha. Adeek ka ba? ito si vench. ayan Gf nun. Magpapakamatay nga yang si Lester para dito sa kaibigan namin e." pagmamalaki ni Jbelle.

Nakikinig lang si vench.Nagpipigil siyang makapagsalita ng matabil.

"Who cares. I'm going to take my man from a cheap girl like you." maarteng sabi nito.

"Asus. take back. Take back. Bahala ka dyan.Tara na nga. Psycho ata to e." sabat ni Alyssa.

Nilagpasan nila ang nakatayong si Jessica.

"Heyy!!"asar talong sigaw ni Jessica.

Dire-diretso sa paglalakad sila Vench.

"Anak ng congressman. Ang ganda-ganda pa naman tapos may sapak. Hays.Tsk.Tsk."litanya ni Vielka.

"Kung wala lang BG yun nakow." gigil na sabi ni Jbelle.

"Ang lakas makalait. Pssh.Mabuti di ka na nagsalita kanina."kausap ni jbelle kay Vench.

"hay nako.madami ako iniisip."kasunod ang buntong-hininga. 

 "Hoohwow ha. Ginagamit mo pa pala sa pag-iisip ng ibang bagay yang utak mo. akala ko kasi puro Lester lang yung laman nyan e."Pang-aasar ni Jbelle.

"Heh! Tantanan niyo nga ako. Baka hindi ko kaya matantya dyan . Nako." Inis na pananakot ni Vench at nauna sa paglalakad.

"Akala ko ba susunduin ka ni Labdub mo?"Tanong ni Alyssa.

"Oo nga. Sabi ko sa Ever na lang e.Magsisimba kami sa Quiapo at baka sakaling mabawasan ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Vench.

"Ayyyay. Ang pag-ibig nga naman." Sabat ni Vielka.

"Lilipas din yan. Parang gutom lang yan e."Sensible na dagdag ni Jbelle.

"Harruu. Mag dilang anghel kayo mga bakla. Tsk." Nanlulumong hiling ni Vench.

"So what your trying to say is Lester has an Amnesia.At totoo ang sinasabi niya na hindi niya ako naaalala?" Gilalas na tanong ni Jessica sa private investigator na inupahan niya.

"Definitely yes Ms.Romualdez. Dalawang buwan na mahigit mula ng maaksidente siya sa Canada at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang ala-ala niya." Paliwanag ng investigator.

Napahampas si Jessica sa Sofa na kinauupuan niya. 

Pinapunta niya sa condo ang investigator para personal na makausap about sa pinatrabaho niya.

"Syett! Sana pala inapproach ko na siya nang mas maaga para naipaalala ko sa kanya ang mga ala-ala namin. hindi sana ako nahihirapan ngayon. " 

Nakamasid lang ang Investigator. "Ahh. May ipapatrabaho pa po ba kayo Ma'am." atubiling tanong nito.

"Nothing. I'll just call you if there's anything I need for you to do . From now .. here."Sabay abot ng cheque. "Take this."

Tumayo ang P.I. 

"Thank you Ma'am." sabay ngiti.

"Dad. Just let me do what I want. Besides , may BG naman na ako e."sabi ni Jessica kay Congressman Romulo Romualdez.

"Hija, nag-aalala lang naman ako sayo. ang laki-laki nitong bahay bakit kelangan mo pang bumukod? Alam mo namang napilitan lang akong bilhin sayo yung condo na yun e."Himutok ni Congressman.

"I can handle 'dy. Mas malapit yun sa school. Tsaka bumibisita naman ako dito e. Asikasuhin mo na lang ang mga dapat mong asikasuhin sa pulitika." Stubborn na sagot ni Jessica.

Bumuntong hininga Ang ama ni Jessica at nagpatuloy sa pagkain.

"Nabalitaan ko pa na naghahabol ka daw kay Lester. E di ba hiniwalayan mo na nga yun?"usisa ng ama.

"I guess I really Love him. Nagkamali ako ng pag-iwan sa kanya Dad. Kaya I will whatever I can to take him back from that cheap--"

"hey. stop that." utos ng ama."Hindi ka pinalaking salbahe ng Mommy mo."

"Sorry dad. It's just that.. Oh.. Sorry."Jessica said.

Two years ago pumanaw ang Mommy ni Jessica. It was because of a car accident. Buong taon siyang naghinagpis kasama ang ama niya. Pero pinilit nilang bumangon kasi kelangan. Nag-iisang anak lang siya kaya spoiled.

"Anyway may meering pa ako kaya hindi na kita maiihatid sa school mo." Tumayo na ang Daddy ni Jessica at Lumapit sa kanya.

Niyakap siya ng ama bago umalis.

"May nanggugulo sakin Labdub si Jessica Gf mo daw." pagsusumbong ni Vench habang sakay ng kotse ni Lester.

Ang labo,ang gulo at nakakapagtampong isipin na maliwanag pa sa sikat ng araw na naaalala ni Lester ang pasikot-sikot na daan sa kaMaynilaan samantalang siya kasama ang mga ala-ala dati hindi.

"Hindi ko nga alam Labdub e. Kinukulit din ako sa school e . Sabi niya siya daw ang first love ko, siguro ex ko nga yun."naguguluhang sabi nito habang nagda-drive.

"Tssk.Ang ganda pa naman. Baka makipagbalikan ka dun Tweet-ty Pie ha." sambakol na reklamo ni Vench.

Hinawakan nito ang kamay niya habang ang isang kamay ay nagmamaniobra.

"Ano ka ba. Hindi ko nga maalala babalikan ko pa."

"Eeh. Malay mo maakit ka. Lalaki ka lang din naman."sabi nito.

"Sus. hindi nu. Stick to one ako."sabi pa nito.

"Copy."maikling turan ni Vench.

"JESSICA tahimik na ang buhay ni Lester, Hayaan mo na." nakikiusap na sabi ni Ian.

"Hayaan??Nakita mo na ba yung ipinalit sakin?? Yikes. Muntanga lang."maarteng sabi nito .

Tinawagan siya ni ian at sinabing may pag-uusapan daw sila. Nakipagkita siya sa starbucks malapit sa DLSU main campus.

"Hanggang ngayon mean ka pa rin. Si Lester iniwanan mo na. Wag mo ng balikan at guluhin. maawa ka naman sa kaibigan ko.Kung wala kang mapagtripan at nabobored ka sa buhay mo maghanap ka ng ibang mapapagkaabalahan.I warn you."Sabay tumayo at naglakad palabas.

"Ano bang problema nila sa buhay ko?"kausap ni Jessica sa sarili at patuloy na sinimsim ang capuccino flavored coffee.

========================================================================

My Tweet-ty Pie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon