Chapter Fourteen
--
*ting*
Two months. Ganyan katagal na naging kami ni Lester bago siya nawala. At 2 months na rin siyang nawawala,hindi nagpapakita. Wala.
Naglaho.
Kung may nangyari mang masama at kakilakilabot sa kanya hindi ko alam. Hindi naman kasi napapublicize e.
Lagi ako nagtitingin tingin sa La Salle page sa fb at wala naman akong nasasagap na balita tungkol sa kanya.
Hayss.
:'(
--
Muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.
"Wala na akong masasabi e."Vielka says.
"Oo nga . Lahat na ng advice at pampalubag loob nasabi na namin sayo ." himutok ni Alyssa.
"two months straight nu? Dalawang buwan ka na ring ganyan." malungkot na sabi mi Jbelle.
"Jamelllaaaaa???"sigaw ni Kim habang papasok ng room 209.
Nagtinginan ang grupo nila Vench dito.
"Bakitt?" nag-aalalang tanong ni Jamela dito.
"Si Lee Min Ho natin may concert sa Araneta! Waaaa! This is it! Ito na ang chance natin!!!"di magkandaugaga na pag babalita nito.
"O talaga???? Nakooo! sigurado??? kelan??" excited na sigaw din ni jamela.
Nagtinginan sila Jbelle at Alyssa.
" Heard Her? May concert si Lee Min Ho this November 16 . tara manuod tayo. para naman makakita tayo ng gwapong nilalang ng Diyos." suggest ni jbelle.
"Agree. Tska para malibang na din to." sabay itinuro ang malungkot at lantang gulay na si Vench.
" Ano Vench?" tanong ni vielka.
"H-ha? A-ahh e sige." walang muwang na sagot nito.
"Nakatulala ka na naman dyan." sita ni ian sa kaibigan."Bakit ba kasi hindi ka pa magpakita sa kanya?"
Napukaw si Lester sa pag-iisip. "Sus. Pano ako magpapakita? anong sasabihin ko sa kanya? E ni hindi ko nga siya maalala. Tanging yung mga kwentong nalalaman mo lang ang pinanghahawakan ko."
"Siya nga ang makakatulong sayo para bumalik ang ala-ala mo. Kung hindi ka pa babalik sa buhay niya ngayon, kelan pa? Kapag huli na ang lahat? naalala mo nga lahat-lahat tapos naipagpalit ka na pala niya. O di ba? Mas gugustuhin mo pang makalimot na lang ulit pag ganon." pananalot ni Ian.
Napaisip si Lester.
"Anyway,bago ka mag-isip dyan, aayain nga pala kitang manuod ng concert ni Lee Min Ho." Ian added.
"Huh? Sino yun?" tanong ni lester.
"hay nako dude. May amnesia ka nga pala. Tsk. Ayun lang naman po ang taong kinokopyahan mo ng porma mo. " natatawa na naaawang paalala ni Ian sa kaibigan.
"ahh. Sige. Baka makatulong sa pagbalik ng ala-ala ko yan." sagot nito.
"Good. Kasama natin si sophie ha." tukoy nito sa Long time Girlfriend nito.
Tumango si Lester .
--
Two months na akong walang maalala. Except sa kinwento ni Ian. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang makita. Makasama. Pero nahihiya ako. UNa sa lahat pano ako magpapaliwanag? ANong sasabihin ko sa kanya e ni hindi ko nga siya maalala. Pano ko sasabihing mahal ko siya?
Paano kung hindi na niya ako tanggapin??
Hanggang ngayon naghihintay ako na bumalik ang ala-ala ko. Paminsan -minsan may konting nag fla-flash back na ala-ala. Pero hindi pa rin sapat yun.
Hayss.
--
BINABASA MO ANG
My Tweet-ty Pie (COMPLETED)
Fiksi Umum"I want you and your beautiful soul.. " -- Lester Sabilla "Handa akong kalabanin ang sarili ko, para sayo." --Vench Pio