4

62 21 0
                                    

Wednesday is just their washday. Fixed schedule kasi ang PNU, at madalas ay apat na araw lamang ang pasok nila sa pamantasan.

Kapag wednesday ay bihira lang na bumalik sila ng pamantasan. It's either org activities or make-up class. Or kung masipag-sipag ka, babalik ka para pumunta ng library.

Pero wala kahit isa doon si Kristine at para sa kaniya ang araw na iyon, ay araw para matulog at ipahinga ang brain cells niya.

She remembered the friend request of Alas while she's watching an anime series. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ina-accept ang friend request nito.

Dahil hindi naman siya makapag-desisyon kung ia-accept niya ba ang request nito, minabuti niyang iturn off na lang ang data ng cellphone at ituon ang atensyon sa pinapanood.

Kinagabihan, maaga naman niyang natapos ang gawain para sa araw na iyon. Wala siyang masyadong iniisip, dahil maaga niyang natapos ang iba niyang requirements.

Naalala niya na hindi niya pa nasabi sa gc nila ang paghatid sa kanya ni Alas, alam kasi niyang bibigyan ito ng malisya ng mga kaibigan, lalo na si Angela. Hindi naman sa gusto niyang itago o naiinis siya sa pang-aasar ng mga ito, kundi ayaw niya lang umasa rin ang mga kaibigan.

O mas magandang sabihin, ayaw niyang umasa sa pang-aasar ng mga ito. 

Mahal niya ang mga ito, kahit pa saling pusa lang siya sa grupo ng tatlo. Joanna, Issa and Angela we're classmates since first year sila. Unlike her, nasa ibang major ang mga kaibigan niya noong first year. 

Si Joanna talaga ang unang kumausap sa kaniya. She remembered when Joanna told her that she saw herself to her. Na ganitong ganito rin daw noong first year sila, tahimik lang sa isang gilid. 

"Kristine, pakidala ng speaker for tom. Tsaka, may copy ka ba ng previous ppt? Reply asap."

It was a message from Jirah. Isa sa mga ka-grupo niya para sa isang presentation.

Hindi niya napansin na maraming messages na pala ang kaniyang natanggap. Isa isa niya itong nireplyan, hanggang sa nabasa niya ang mensahe mula kay Alas.

Alas Mercado: I though we're friends na huhu.

Alas Mercado: Hoy, yung isaw at barbecue na pinakain ko sa'yo kasi friends na tayo. Nakalimutan mo na agad?

Alas Mercado: Ay joke lang HAHAHAHAHA. Baka magalit ka na naman haaaaaaaaaa

Alas Mercado: Accept request naman diyan Ma'am

Ilan lang ito sa mensahe ng binata. Hindi siguro ito busy kaya ang daming time na i-chat siya.

She aggreed to herself na replyan ito, pambawi sa pa-barbecue at paghatid nito last time.

"Daming time ha. Sorry hindi ko nakita yung request mo, dami kasing ginawa."

Wala pang limang minuto ay nagreply na ito. Mukhang hindi nga busy ang loko.

Alas Mercado: Hehe, oks lang. Ma3n ka n@?

Natawa si Kristine sa typing nito. Halatang pilit ang pagiging jejemon

"Ba't nagtatanong?"

Alas Mercado: Ang sungit naman, parang noong highschool tayo kilig na kilig ka pa sa akin ha

Highschool? Pinagsasabi ng lokong 'to

"Hoy, ano na namang imbento iyan ha?" 

Alas Mercado: Joke lang. Napaka kj mo talaga

Craven WordsWhere stories live. Discover now