14

42 7 4
                                    


Sabi nila kapag sobrang saya mo raw, matindi rin daw ang lungkot na babawiin nito sa'yo. Ngayon lang yata sasang-ayunan iyon ni Kristine. 

Sa ilang araw na kasiyahan na pinaramdam sa kaniya ng mundo, sobrang lungkot naman ang binabawi sa kaniya nito ngayon. Isang 30 items quiz ang hindi niya nakuha sa first subject dahil late na siya nakapasok, kung hindi ba naman siya umiyak nang umiyak hanggang alas-dos ng madaling araw matapos niyang marinig ang salitang "mahal kita" kay Alas. 

Iniisip niya kung bakit kailangan niya iyon maramdaman, bakit kailangan niyang matakot. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nasasaktan niya ang binata, pero gustuhin man ni Kristine na sabihin kay Alas na pareho sila ng nararamdaman, na gusto niya rin ito, hindi niya naman alam kung paano.

Kinakain si Kristine ng sobrang takot, takot dahil alam niyang hindi siya deserving sa kahit anong pagmamahal, takot dahil alam niyang siya ang tipo ng babae na hindi dapat mahalin ng katulad ni Alas, takot na baka lokohin at pagsawaan lang siya nito, naka baka isang araw magising si Alas at hindi na siya ang gusto nito. 

Alam niyang darating din ang araw na marerealize ng binata na hindi naman siya kahit kailanman sasapat para sa binata.

Kung mangyayari iyon, hindi alam ni Kristine kung saan niya pa pupulutin ang sarili, gustong gusto niya man ang binata, takot na takot naman siyang i-risk ang lahat para dito. 

"Mars, sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Angela sa kaniya.

Nasa library sila ng mga oras na iyon, wala siyang ganang mag-lunch kaya ito at si Kenny lang ang kumain sa canteen kanina.

"Ayos lang, saan sila Joanna?" iwas niyang tanong dito.

"Hindi ko nga rin alam eh, hindi naman nagpaalam. Biglang umalis kanina, si Issa nasa faculty kausap si madam." napansin niya namang paakyat na si Issa.

Humahangos itong lumapit sa kanila, "Pucha, nasaan si Joanna?" galit na tanong nito sa kanilang dalawa. 

"Teka, hindi namin alam. May nangyari ba?" kinakabahang tanong ni Angela dito.

"Baliw yata yung kaibigan niyo eh. Kinausap ako ni madam, ang sabi binitawan daw ni Joanna yung slot para sa 1 week exchange trip para sa Japan. And guess what kung kanino binigay?" umupo ito sa tabi niya, ramdam niyang parang nanginginig pa ang kaibigan.

"Exchange trip? Yung katulad ba yan ng pinuntahan dati nila Cj at Gio?" 

"Oo raw, parte raw ng FBESS month. Yung engot niyong kaibigan, tinanggihan daw, walang binigay na enough reason kaila Dr. Reyes, ang sabi pa ni gaga ibigay na lang daw kay Harry. Sabihin niyo nga kung hindi nasisiraan yang kaibigan niyo." inis na kwento nito.

"Mars, kalma ka muna, baka naman may enough reason si Joanna. Tanungin na muna natin." pilit nilang pagpapakalma dito. 

Kilala niya ang kaibigan, hindi iyon gagawa ng isang bagay na walang sapat na rason. Mas rational itong mag-isip kumpara sa kaniya.

Nang mga ilang minuto na okay na si Issa ay napagpasiyahan nilang hanapin si Joanna, pero tila wala ito sa loob ng pamantasan. Pinili na lang nilang pumasok sa klase dahil baka naroon na ang kaibigan, ngunit natapos na ang huling klase nila para sa araw na iyon ay hindi pa rin ito pumasok. 

Hindi siya sumabay kaila Issa nang mag-uwian, natatakot siya na baka nasa labas si Alas at inaantay siya. Ayaw niyang mag-assume at gusto niya lang manigurado. Hindi niya pa yata kayang kausapin ito, nagde-activate rin kasi siya ng lahat ng social media kung saan maaari siyang kontakin nito. Hindi niya alam, ngunit matapos nitong umamin kagabi ay mas naisip ni Kristine na lumayo muna rito kahit panandalian lang. Bibigyan niya lamang ang sarili na makapag isip.

Craven WordsWhere stories live. Discover now