27

29 6 0
                                    

Nasa sasakyan siya ni Joanna ngayon at papunta sila sa apartment ni Issa. Nakatanggap sila ng chat sa gc nila kanina na nag-aaya ito ng sleepover. Hindi nila alam kung kailan bumalik ang kaibigan, ngunit isa lang ang malinaw sa kanila, handa na itong pag-usapan ang lahat.

"Ang taray ng kaibigan mo, babalik para mag-aya ng sleepover." natatawang wika ni Joanna, nanatili ang tingin nito sa kalsada.

"At least 'di ba? Si Angela ba nandoon na?" tanong niya rito.

Lumingon sa kaniya si Joanna at tumawa, "Teh, 'di ka maniniwala pero 'di pa naliligo si bakla at dumiretso na doon. Bibili na lang daw siya ng damit, iba na talaga kapag principal ng Montessori."

"Baliw ka, nag-aalala lang iyon si Angela. Alam mo naman iyon. Teka, day off niya ngayon 'di ba? Kanino niya iniwan si Amari?"

"Nasa kapatid niya raw, nagpresenta na ito muna ang magbantay. Eh, ikaw ayos ka na ba? Tumawag si Johann sa'kin, nagpaalam. Ang kupal 'di man lang nagpadespidida." tawa nito nang mapait. Alam niyang nalulungkot din si Joanna, close ang dalawa dahil marami itong pinagkakasunduan, isa na rito ang pang-aasar sa kaniya.

"Matapos noong revelation niya noong isang araw, hindi na kami nag-usap pero gets ko naman. Ayoko na rin siya pahirapan. Gustuhin ko man na manatali siya sa school dahil mahal siya noong mga batang tinuturuan niya pero desisyon na iyon ni Johann eh." malungkot niyang kwento rito.

"Hayaan mo siya, babalik din yun si Johann kapag mahal niya na ulit sarili niya. Nakalimutan niya ang sarili matapos ka mahalin eh. Ang ganda mo sa part na 'yun mars, infairness." pang-aasar nito sa kaniya.

"Tse, kung pahabaan lang ng buhok ang pag-uusapan, mas mahaba ang iyo literally and figuratively." ganti niya rito.

"He, h'wag mo kong ganyanin." pansin niya ang pag-iwas nito.

"Ano, co-teacher na lang ba talaga ang role mo?"

"Tine." Joanna said trying to stop her with the topic.

"Oh bakit? Alam mo nagtatampo ako sa'yo minsan eh. Akala ko ba bestfriend tayo pero bakit wala akong alam?" nagtatampuhang wika niya rito.

"Baliw ka, h'wag mo kong artehan ng ganiyan Kristine ah." natatawang banta sa kaniya nito.

"Seryoso kasi Jo, anong balak mo? Ang tagal niyo na ring naghahabulan ah."

"Natatakot ako eh." mahinang sagot nito sa kaniya.

Malakas na tawa ang sinagot niya sa kaibigan, hindi niya kasi inaasahan ang dahilan nito.

"Nakakainis ka, magtatanong ampucha tapos tatawanan ako." pikon na tinignan siya ni Joanna.

"Kasi naman teh, akala ko ba matapang ka na? Tsaka, matagal na rin naman 'di ba?" natatawa ngunit may pag-aalalang tanong niya rito.

"Sira ka, sino ba ang pinag-uusapan natin dito? Sa tingin mo ba ganoon lang kadali tanungin sa kaniya ang bagay na iyon? Matagal ko na sanang ginawa. Isa pa, hindi ko naman sigurado kung walang nagbago talaga." malungkot na wika nito.

"Jo."

"Okay lang, sabi kasi sa'yo h'wag na natin pag-usapan eh." Joanna smiled at her bitterly.

She wants to hug Joanna badly. Pero alam din niya na ayaw ng kaibigan na kinakaawaan ito.

She just prayed that her friends get their own happiness soon.

Palihim siyang lumabas ng silid kung saan natutulog ang mga kaibigan niya, alam niyang malalalim ang tulog ng mga ito dahil nakainom silang lahat. Matutulog na sana siya nang tumawag sa kaniya si Alas at malungkot ang boses nito.

Craven WordsWhere stories live. Discover now