19

27 6 1
                                    


"Let's congratulate each, and everyone for a job well done." pagbati ng adviser nila sa kanilang lahat.

Ngayon ang last day ng FBESS month. Masaya si Kristine dahil kahit papaano ay napagsabay niya ang broken heart, examinations, requirements at org commitment ng hindi pa nagbe-breakdown muli. 

Napanindigan niya ang sinabi noong huling araw na umiyak siya, at dahil doon kahit papaano ay okay na siya.

"Tara popeyes?" aya ni Angela matapos ng kanilang congratulatory meeting.

"Oo nga, pero h'wag sa popeyes daming tao doon pustahan." tanggi ni Issa.

"Wow, Joanna ka na rin ghorl?" pang-aasar ni Angela rito. 

"Oh ba't ako na naman?" gulat na tanong ng kaibigan. "Anyway, hindi ulit ako makakasabay hehe, may dadaanan ako sa library eh." nakangiting wika nito. 

Napapansin na rin nila na dumadalas ang hindi nito pagsabay tuwing lunch. 

"Ako ha, nakakahalata na. Pinagpalit mo na talaga kami sa chem guy na iyon eh 'no?" usisa ni Issa rito. 

"Hoy, hindi kaya. Tsaka, may gagawin talaga ako sa lib 'no" pagtanggi nito. 

Sa totoo lang, kahit siya ay madalas na makita ang dalawa na magkasama. Lalo na sa umaga.

"Asus, huwag nga kami. Kung hindi ka sasabay, bahala ka. Mauna na kami" paalam ni Issa rito.

"So saan na nga tayo kakain, ang daming kwento ni Issa eh." busangot na tanong ni Angela nang makalabas na sila. "Ah, alam ko na Mang Rudy tayo?" suggest nito ng tapsihan sa SanMar.

Tinignan siya ng dalawa bilang paghingi ng sang-ayon niya. Wala namang problema sa kaniya kung doon sila kumain, okay na siya. Okay na.

"Iyang mga tingin niyo parang ewan, tara doon na lang." pagpayag niya sa mga ito.

Walang sinabi ang dalawa, nagkibit balikat lang ang mga ito. 

Halos ilang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin naniniwala ang mga ito sa kaniya. Iniisip pa rin na pilit niya lang tinatago ang nararamdaman niya, naalala niya pa ang sinabi ni Joanna, magagalit daw sa kaniya si Freud, because she's trying to repress her emotions. Kung ano-ano pang psychological theories and concepts ang pinagbabanggit ng mga ito noong nagkukwento siya. 

Maybe her friends are right. She's using a defense mechanism this time. Kasi 'yun lang ang kaya niya.

Kaunti lang ang tao sa tapsihan dahil hapon na rin naman. Hindi rin sila nahirapan humanap ng pwesto.

"Bakit dito tayo kakain eh, dapat snacks lang kasi uuwi na rin tayo." takang tanong niya sa mga kaibigan.

"Tignan mo 'to, tinanong ka namin saan mo gusto kanina eh."

"Hindi ako umaangal, ito talaga. Nagtanong lang eh, umorder ka na nga." pagtataray niya kay Angela.

"Ewan ko sa'yo, hoy Issa ano, tulungan mo ko." naiwan siya mag-isa sa table, namiss niya tuloy si Joanna. 

She didn't know the reason, but she felt so alone at that time. Yes, she's with Issa and Angela, but it feels so empty. 

Kristine composed herself when her two friends are coming, she smiled at the two to keep their worries. Dahil kapag nakita na naman siya nitong malungkot mangungulit na naman ito na magkwento siya. 

They were in the middle of eating their food when Issa shared something. 

"Break na sila." sabi nito sa mahinang boses.

Craven WordsWhere stories live. Discover now