25

28 6 1
                                    

Ilang araw ang lumipas matapos ang pagkakalasing niya, ang tagpo sa mamihan ni Mang Boy, pati ang pagkakausap nila ni Alas.

Hindi pa rin sila nagkakausap magkakaibigan. Marahil ay dahil sa dami ng mga ginagawa nito. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ang birthday ng kapatid ni Issa. Wala rin siyang balita kung ano ang nangyari sa mga kaibigan.

Ngunit may isa nagbago matapos ang gabing iyon. Ang malimit na pagpansin sa kaniya ni Johann, at ang madalas nitong pagsama kay Joanna. 

Hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawa, kung may namamagitan ba sa mga ito, hindi niya rin iyon sigurado. But, one thing for sure, there's something wrong with him and Johann. 

Madilim na sa labas nang i-dismiss niya ang klase niya para sa araw na iyon. Naninibago siya dahil madalas ay sabay silang umuwi ni Johann, lalo na noong magsimula sila Alas na magtrabaho para sa reconstruction ng school building. 

Isang sigaw ang umagaw sa pansin ni Kristine noong nasa labas na siya ng paaralan. Mula ito kay Marco, mukhang hindi naman nito kasama si Alas. 

"Tara sabay ka na, pauwi ka na 'di ba?" pag-aya nito sa kaniya. Dahil gusto niyang tanungin ito sa nangyari noong gabi ng birthday ay pumayag na rin siya. 

Maaliwalas ang loob ng sasakyan ni Marco, mas malaki nga lamang ng kaunti ang sasakayan ni Alas. 

"Saan ka ba Tine?" pambasag nito sa katahimikan. 

"Malapit lang sa FTI. Bago lumagpas ng Jollibee."

Hindi niya alam kung may mali ba sa binanggit niyang lugar at natatawa ito. 

"Joke lang, alam ko."

Nagulat siya sa sagot nito. Wala siyang maalala na sinama o nadala niya ang mga kaibigan ni Alas sa lugar nila.

"Ilang beses ba naman naming sinundo si Alas sa tapat ng bahay niyo. Buti na nga lang, may isang beses na sinamahan namin siya, kung hindi, nabaliw na kami kakahanap sa kaniya." sagot nito sa nagtatanong niyang mukha. 

"Teka, sinundo? Si Alas? Hindi kita maintindihan." 

Huminga nang malalim si Marco bago diniretso ang daan sa kalsada. "Nagsimula iyon noong huling linggo ng 4th year namin. Iyon din ata ang week bago ka magthird year." 

Kung tama siya nang pagkakaalala, iyon din marahil ang linggo kung saan nila nakita nila Joanna si Alas na may kasama sa may tapat ng 7/11.

"Noong araw na iyon, umamin sa kaniya ang isa naming kaklase. Pero, mabilis din iyon binasted ni Alas. Alam mo ba, kung ang Alas bago dumating ang isang Kristine, pustahan ay pinatulan iyon ni Alas kahit hindi naman niya mahal. Ganoon iyon eh, lalo na noong third year kami. Madikit sa babae. Pero noong makilala ka niya, ang laging sagot noon kapag inaaya namin, pass daw siya kasi baka may magalit. Kahit pa, hindi mo naman alam ang nararamdaman niya. Ang sabi niya pa noon, kailangan mag ingat. Kasi, ayaw ka niyang masaktan kapag nagkataon." tumingin pa sa kaniya si Marco, hindi niya alam kung nais ba nitong palalain ang nararamdaman niya. 

"Pumunta siya sa bahay niyo noon. Hindi kami pumayag ni Isaac dahil sabi nga namin sa kaniya, dapat niyang respetuhin ang desisyon mo noon. Ang sabi niya lang noon, wala naman daw siyang gagawin. Nais niya lang isumbong sa iyo ang babaeng umamin sa kaniya. Ayaw niya raw na baka isipin mong mabilis ka niyang palitan. 

Ang isang beses ay naging madalas. Halos araw araw ng bakasyon ay tumatawag ang mama ni Alas sa amin, nagtatanong kung kasama ba namin ang anak niya. Lagi naming sinasabing oo, mapagtakpan lamang ang ginagawa ni Alas. Alam naman namin kung na saan siya eh." 

Mahaba ang pagtigil ni Marco, siya naman ay inaantay lang kung may karugtong pa ba ang sasabihin nito. Hindi siya umiiyak, tahimik lamang siyang nakikinig. 

Craven WordsWhere stories live. Discover now