23

28 5 3
                                    


Nag-aya si Issa na uminom sa isang malapit na bar sa Intramuros dahil maagang natapos ang party ng kapatid ni Issa. Kristine was hesitant to come, hanggang doon kasi ay sasama pa sila Alas.

Nasa parking lot sila at pinagtatalunan kung sino ang sasabay kanino. May dalang sasakyan si Alas at Marco, while sa kanila ay tanging si Joanna lang ang mayroon. Parang gusto niya na lang tuloy mag-commute.

Inunahan siyang pumasok ni Issa at Angela sa loob ng kotse ni Joanna, ang choice na lang tuloy ay it's either kay Alas siya sasabay or kaila Marco. And she's thinking na kaila Marco na lang sumabay.

Pero ang loko mabilis na sinarado na ang pinto ng kotse nito. Nabaling ang tingin niya kay Johann na nasa gilid din ni Joanna, may nakikita siya sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan. 

Muli siyang nilingon ni Joanna nang nakakaasar, "Ano na? Aalis pa ba tayo?" tanong nito sa kanila.

"Ito na ito na, mga demonyo kayo." tinawanan naman siya ng mga kasama.

Naiinis siya sa lalaki, ang yabang yabang kasi ng asta nito.

"Tara na, para matapos na 'to." masungit na tawag sa kaniya nito.

Sasakay sana siya sa backseat nang taasan na naman siya nito ng kilay, "Ano ako driver mo?"

Umirap lang siya sa lalaki at lumipat sa frontseat, kitang kita niya ang nakakainis na tawanan ng mga kaibigan niya mula sa kotse ni Joanna, maliban sa isang tao na halata ang pagpapanggap. She made a promised to herself na babawian niya talaga ang mga ito.

Dahil along Intramuros lang naman ang napili ni Issa na club, hindi ganoon kalayo ang byahe nila. Pero sa ilang minutong kasama niya si Alas ay parang napakabaha na rin sa kaniya.

They were not talking until they reach the venue. Mabuti na lang nga talaga at hindi ang school uniform ang suot niya.

Most of the people in the club were young adults, kakaunti lang ang mga tao roon na nasa middle 20's.

Sa second floor ng club ang pwestong napili nila Angela, enough naman ito para magkasya silang walo. Paikot ang couch sa lamesa, tinabihan siya ni Johann at nasa gilid naman niya si Angela na katabi ni Issa. Alas and his friends were seated in front of her, kitang kita niya tuloy ang mapang-asar na ngisi ni Marco sa kaniya.

Hindi naman talaga siya umiinom, pangalawang beses niya pa nga lang pumasok sa ganoong lugar, noong unang beses ay graduating sila nila Angela, at ayaw niyang maalala ang araw na iyon.

Pero sadyang demonyo ang kaibigan.

Tumingin ito sa kaniya at malakas na tinapik si Issa, "Hoy, nagdala ba kayo pangapos dito kay Kristine? Nako, kapag nalasik iyan, bigla bigla pa naman iyan nanghahatak ng lalaki." natatawang kwento nito sabay inom ng smirnoff.

Iyon ang pang-starter nila.

"Weh, ayan na naman yung gawang kwento ni Angela." she rolled her eyes at Angela.

Iniikot ikot niya lang ang bote ng smirnoff, hindi sigurado kung iinumin ba ito.

Natatawang tinuro ni Angela si Joanna na nakatingin naman sa paligid, "Hoy Jo, gawa kwento raw ako, 'di ba nanghatak naman talaga si Kristine ng lalaki sa dance floor nung graduating tayo?"

She feels the gazed from the others, kung ano ano ba naman kasi ang pinagsasabi nito ni Angela.

Tumingin naman ang kaibigan sa kanila, si Issa ang sumagot dito dahil parang tulala rin si Joanna sa paligid. "Ah oo, kung hindi nga lang kami tinulungan ni Niccolo noon, tiyak iniwan na namin iyan. 'Di ba Jo?" 

Craven WordsWhere stories live. Discover now