Panimula

199 23 0
                                    




Six?
Five?

Ilang taon na ba ang lumipas nang huli niyang nakita at narinig ang ingay ng kalsada ng Maynila. Ang kahabaan ng Ayala Avenue, ang ingay na nagmumula sa pinahalong mga tao at mga sasakyan sa tapat ng Luneta.

Ganito rin ang ingay noong araw na iyon.

'Yung unang araw kung saan nabago ng isang pwesto sa UV ang buhay niya.

"Ano na mars? Tara na, malapit na raw si Issa sabi sa text ni Angela." pag-agaw ng pansin ng kaibigan niya.

Kasalukuyan silang papunta sa tapsihan sa may SanMar. Hindi nila alam kung bakit doon pa ang napili ng nobyo ni Issa na pagdausan ng proposal nito.

Well, kahit papaano ay masaya siya para sa mga ito.

Ngunit sa loob loob niya, kailan nga ba ang panahon para sa kanya?

Mabilis niyang winaksi ang ideya sa isip niya. Ang araw na iyon ay para kay Issa. Ayaw niyang kunin ang spotlight para dito, matagal tagal din na nasaktan ang kaibigan nila na iyon.

Deserve nito kahit papaano ang moment para dito.

Punong puno ng ilaw ang tapsihan ni Mang Rudy, parang dati lang ang laman noon ay puro mga estudyante mula sa universities sa paligid ng Taft.

Nirentahan nila ito para sa espesyal na araw na iyon, wala pa man ay excited na siyang makita ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan.

Ngunit, hindi lang ata ito ang masusurpresa sa araw na ito, dahil nasa harap niya yata ang pinaka unang surpresa para sa gabing iyon.

Nayanig ang mundo niya nang makita ang taong matagal niyang hindi nakita.

Ang unang tanong sa isip niya, bakit iyon naroon?

"Sorry mars, inaya siya ng mga kaibigan ni Alex eh" sagot nito na para bang narinig nito ang tanong sa utak niya.

"Okay lang, its been years. We all moved on." maikling sagot niya rito.

Tinitigan lang siya ng kaibigan na parang hindi naniniwala sa sinabi niya.

Ang laki na ng pinagbago nito, medyo humaba na ang buhok nito, ngunit mas bagay ngayon dito ang medium length na buhok. Para itong isang sikat na artista sa korean drama, nakikita niya ang mga iyon sa tuwing nanonood ang mga kasama niya sa faculty room.

Nakikipagtawanan ang mga ito sa mga kaibigan na parang wala itong inisiip, samantalang siya ay hinihiling na sana ay tumigil ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.

"Akala ko ba "We all moved on"? Bakit natutulala pa rin?" pang-aasar ng kaibigan niya sa tabi niya.

Tinarayan niya na lang ito, at tumungo sa pwesto para sa kanila. Nakaset-up ang buong lugar na parang may gaganaping mini concert. Idea iyon ni Angela, sa kanilang apat ay ito ang mahilig sa mga pakulo. 

Noong patapos na ang event, ay ninais niya na rin na umuwi. Lunes pa naman kinabukasan, kailangan niyang gumising nang maaga. 

Ngunit ang totoong dahilan ng kagustuhan niyang makauwi, ay papalapit na sa kanila. 

"Parang others, sasapakin ka namin eh. Okay lang 'yan, sabi nga ni Tine kanina, "We all moved on", 'di ba Tine?" gusto niyang sapakin ang kaibigan sa mga oras na iyon, kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig ni Joanna.

Tumabi ang binata sa kanya, siya naman ay parang gustong hilahin na lang ang oras. Hindi niya matatagalan ang ganoong sitwasyon. 

Lumapit sa kaniya si Joanna, alam niyang kanina pa nakakaramdam ang kaibigan sa kakaibang kilos niya.  Pero, buo ang loob niyang hindi aamin dito.

"Shet mars, kahit anong tago mo sa nararamdaman mo, tinatraydor ka ng kilos mo." natatawa ngunit may himig ng seryoso sa boses na sabi ni Joanna sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, isipin mo na ang gusto mong isipin. May klase pa ako bukas. Mauuna na ako." niyakap niya ang mga kaibigan isa isa. Gusto pa sana siyang ihatid ni Johann, ngunit mabilis siyang tumanggi rito. 

Nagpaalam din siya sa nobyo ng kaibigan, natatawang tinignan naman nito ang binata kanina sabay tumango sa kanya.

"Isa ka pa. Congratulations ulit. Bilhan mo ng helmet ang kaibigan ko, baka magbago pa ang isip noon, sige ka." biro niya rito.

Inisang tanaw niya muli ang tapsihan, hindi niya aakalain na muli niyang babalikan ang lugar na iyon.

Lumabas siya at akmang aalis na, noong may pumigil sa kaniya bago makaliko ng eskinita.

"We all moved on huh" he looked at the guy who mocked what she said earlier.

Malaki na nga ang pinagbago nito, ang dating magagandang ngiti na ipinapakita nito sa kaniya ay napalitan ng nakakainis na ngisi.

"Bitiwan mo ako, kailangan ko ng umuwi."

"That fast Kristine?" binitawan naman siya nito, "I guess, you didn't change. Hilig mo pa rin ang tumakbo sa mga ganitong sitwasyon."

Sinusubukan ba nitong ibalik ang nakaraan? Kasi kung ganoon ay ayaw niya nang makinig pa rito.

Matagal niyang sinikap kalimutan ito, hanggang ngayon ay pinipilit niya pa rin kalimutan iyon.

"Nothing changes Alas. Nothing change."


-------------------------//

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with PNU/TUP/Adamson or any other universities along Taft Avenue Manila.

Craven WordsWhere stories live. Discover now