18

42 7 2
                                    


"Nasa labas si Alas."

Nang sabihan iyon ni Issa ay muling bumalik sa kaniya ang sakit.

Lumabas din siya para harapin ito at naramdaman niya naman ang mga kaibigan niyang sumunod sa kaniya.

"Gusto mo teh kami na lang kumausap?" offer ni Angela.

"Hindi ako na." pagtanggi niya rito.

"Sige, iwan na siguro namin kayo Tine, baka abutin din kami ng gabi eh. Mag-ingat ka ah."

"Oo mars, kahit ano man ang mangyari, back up mo kami palagi." ngiti sa kaniya ni Angela.

Tango at ngiti lang ang sinagot niya sa mga ito.

Nang makaalis ang mga kaibigan ay pinatuloy niya si Alas, ayaw niyang gumawa ng eksena sa labas ng bahay nila, marami pa naman ang mga tsismosa sa lugar nila.

"Anong ginagawa mo sa labas ng gate kanina Tine?" umpisang tanong nito. Pansin niya ang pagbabago kay Alas, sobrang lalim ng eyebags nito at parang pagod na pagod.

"Wala, napadaan lang kami. Ikaw ang bakit nandito?"

"Talaga ba Tine? Kailan ka ba magsasabi ng totoo? Kailan mo ba aaminin 'yang nararamdaman mo ah?" mataas na boses na tanong nito sa kaniya.

"Gusto mo talaga ng totoo Alas? Nakakapagod ka. Napapagod na akong isipin kung ano ba ang dapat gawin sa'yo. Gusto ko na lang bumalik sa dati ang lahat Alas."

"Akala mo ikaw lang ang napapagod Tine? Ako rin, pagod na kong intindihin at basahin kung ano ba ang gusto mo. Pagod na kong asahan 'yang sinasabi mong nararamdaman mo." basag ang boses na sagot nito sa kaniya.

Maski siya ay hindi na mapigil ang sakit na nararamdaman.

"Bakit ba takot na takot ka Kristine, kahit isang beses lang ba sa buhay mo, ayaw mo bang maging matapang?" dagdag pa nito.

"Ginawa ko, ginawa ko Alas. Pero anong nakuha ko? Nasaktan lang ako, kasi bakit. Kasi nakakasawa ako, kasi nakakairita ako dahil ang arte arte ko. Alam mo ba yung ganoong pakiramdam? 'Yung matapos kang dalhin sa taas, bigla kang iiwan sa ere. Isang taon Alas, isang taon akong tinaas sa ere, pero bakit ganoon kung kailan handa na ako, bakit doon pa sasabihin sa akin na pagod na siya? Mahirap bang mag-antay? Gusto ko lang maging sigurado Alas." umiiyak na kwento niya rito.

Grade 11 siya noog manligaw sa kaniya ang kaibigan ng bestfriend niya. Akala niya seryoso, kasi nagtagal ng 1 year ang panliligaw nito. Noong start sana ng grade 12 nila ay sasagutin na niya ito, ngunit nabigla siya ng pagbalik nila galing bakasyon, ito na pala at ang bestfriend niya ang official.

Noong tanungin niya ang lalaki ang tanging nasagot lang nito sa kaniya ay nakakasawa kasi siya. Napagod daw ito dahil sa kaartehan niya, dahil pinatagal niya ng isang taon ang panliligaw nito. Hindi naman daw siya maganda, pero kung makapag-inarte, wagas. Napakapakipot niya raw.

 Nasaktan siya nang sobra, at simula noon ay hindi na niya muling kinausap ang mga ito. Never niyang pinakinggan ang explanation ng mga ito, dahil malinaw na sa kaniya ang lahat.

"Pero Kristine, hindi naman kami pareho. Hindi naman kita iiwan basta basta, hindi naman ako ganoon kadaling susuko lang sa'yo." paliwanag sa kaniya ni Alas.

"Hindi ka madaling sumuko? Eh ano si Trixie? Si Jasmine? Yung mga babaeng naniwala sa'yo sa mga ganyang salita mo? Hindi ba't sinukuan mo rin sila?" 

Kita niya ang gulat sa mukha nito. Iyon ang isa pang mabigat na dahilan kung bakit takot na takot siyang sumugal kasama ito. Noong araw na nakausap niya si Harry, doon niya nalaman ang mga dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniya, pati ang istorya tungkol kay Trixie ay doon niya rin nalaman. 

Craven WordsWhere stories live. Discover now