16

35 8 12
                                    


Matagal bago sila nakasakay ni Alas, halos 5 PM na rin noong may humintong UV sa kanila. Alam ni Kristine na hindi sila pwedeng dumiretso sa bahay nito, ayaw niya ring malaman ng mga magulang niya ang nangyayari sa kaniya. 

Hindi niya na gustong dumagdag sa mga iniisip ng mga ito. Kaya kahit ayaw niya ng makasama si Alas ay mas pinili niyang ayain ito sa malapit na convenience store sa lugar nila. 

Saktong hindi ganoon karami ang tao sa loob ng convenience store kaya maaari silang mag-usap dalawa. Nasa counter si Alas at kasalukuyang kinukuha ang order nila, siya naman ay hindi mapalagay sa kinauupuan. Iniisip kung ano ang sasabihin sa binata.

"Kumain ka muna, hmm. Hindi naman 'yan ganoon ka heavy kaya makaka-kain ka pa sa inyo." sabay lapag nito ng isang cup ng soft drinks at isang hashbrown. 

Mas lalong nasasaktan si Kristine dahil sa pinapakita ng binata. 

Marahil dala ng ilang araw na pagpipigil, bumagsak ang luhang matagal na niyang pinipigilan kasabay ng pag-inom niya.

Nataranta si Alas nang makita siyang umiiyak, kinuha nito sa bag ang isang pamunas. 

Nakilala iyon ni Kristine, towel niya ang inabot ng binata. Tinignan niya ito ng may luha sa mata, kitang kita niya ang sakit na dumaan sa mga mata ng binata.

Iniwas nito ang tingin sa kaniya, "Malinis iyan, hindi ko lang kayang alisin sa bag." paliwanag nito sa inabot na towel.

"Kristine, bakit kailangan mo kong iwasan? Gets ko naman na gusto mo ng oras, pero, ang sakit naman nung iblock mo ako at magdeactivate ka ng social accounts mo." nagtatampong wika ng binata. 

"Bakit naman ganoon? Nirespeto ko naman na ayaw mo muna akong kausap, pero parang pinapaalis mo naman ako sa ginawa mo eh."

"Kristine sabihin mo naman kung may mali ba? Sobra ba kitang nabigla? Sabi ko naman 'di ba, walang pilitan. Hahayaan kitang mag-isip pero h'wag ganoon, h'wag mo naman akong alisin sa buhay mo." basag na wika nito sa harapan niya.

Nakayuko lang si Kristine, hindi kayang harapin ang mga sinasabi ng binata. Para siyang unti unting dinudurog ng mga sinasabi nito.

"Magsalita ka naman, mas nasasaktan ako sa pagiging tahimik mo eh." sinubukan nitong abutin ang kamay niya ngunit mabilis niya itong iniwas. Mabilis na gumuhit ang sakit sa mukha nito.

"Pabayaan mo na ako, nakapag-isip na ako. Hindi mo ko deserve. Hindi mo ito deserve Alas." mahina ngunit umiiyak niyang wika.

Ayaw niyang maka-agaw ng atensyon ng mga tao, kahit kaunti lang ang customer sa convenience shop na iyon, may mga staff na maaari silang panoorin.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Kristine? Anong hindi deserve? Ang nonsense namang dahilan iyan." napalitan ang kaninang basag na boses nito ng inis.

"May nagsabi ba sa'yo niyan? Pucha Kristine, ano ba sa mahal kita ang hindi mo maintindihan? Dalawang salita lang iyon, tagalog pa." 

"Mawawala rin yan Alas, marerealize mo rin na nakakasawa ako." 

"Pambihira, hindi ko alam na ganyan ka kagrabe manakit. Pinapatay ako ng mga salita mo Kristine." tuluyan na ring bumagsak ang luha ng binata. 

Nang makita iyon ni Kristine ay dire-diretso rin ang luhang binagsak ng mga mata niya.

"Na-analyze mo yung feelings ko, pero sa'yo. Ano bang nararamdaman mo para sa akin Kristine?" 

"Hindi na iyon mahalaga, wala rin naman itong patutunguhan." 

"Mahalaga Kristine!" malakas na hampas nito sa lamesa, napatingin ang mga tao sa kanila. 

Craven WordsWhere stories live. Discover now