Ganito talaga ang mundo, lahat ng masasayang bagay na pwede nating hilingin, maranasan at maramdaman ay hanggang panaginip nalang. Halos lahat ng tao ang hiling ay hindi na magising sa magandang panaginip na kanilang narating. Nais nila na habang buhay nila malalasap yung saya na pinagkait sa realidad.
Kagaya ko, siguro halos ata lahat ng masasayang panaginip ko ang hiling ko ay wag nang magising. Kahit kailan. Nung minsang nanaginip ako na hanggang ngayon buhay pa si tatay at okay pa si nanay nalungkot ako nung nagising pako .
Pero wala naman akong magagawa kundi gumising rin. Hindi ko man muli mo kailan man maranasan yun siguro ang tanging paraan nalang ay lumaban sa buhay. Dahil alam ko hindi ko man maibalik ang saya nang nakaraan, makakaya ko na mapasaya ang hinaharap. At yun ay sa pagiging postibo at palaban na ako.
Maaga ako nagising ngayong araw, ganito talaga ang buhay guro kailangan mas magising nang maaga para maghanda sa panibagong araw nang patuturo.
As usual, ginawa ko ang lagi kong ginagawa araw - araw. Matapos kong matapos ay agad nakong lumabas ng aking kwarto, kitang-kita sa bintana na pasikat palang araw.
Agad akong tumungo ulit sa kwarto ni nanay para tignan siya. Tulog pa rin siya ng makita ko. Ganito talaga kami araw-araw. Aalis ako ng tulog siya at darating ng tulog na rin siya. Maswertihan nalang talaga na maabutan ko pa siyang gising.
Masaya ako na maabutan siyang gising. Kahit hindi siya nakakapagsalita, pero pakiramdam ko na sa pamamagitan ng mata niya kinakausap niya ako. Lalo na pag umuuwi ako galing sa paaralan at naaabutan ko siyang gising pa.
Parang pag tinitignan ko siya sa mata niya ay kinakausap niya yung tipong sa pamamagitan ng tingin niya sa akin ay tinatanong niya kung kamusta ang araw ko o kaya naging masaya ba araw na ito para sakin. Siguro instinct nga kung tawagin. Pero para sakin parang normal lang siya , kahit hindi naman talaga.
Nung na diagnose si nanay na stroke nga daw at magiging bed ridden na muna siya. Agad kong tinanong sa doktor kung may pag-asa pa bang gumaling siya sa pagkaka paralyzed at ang tanging sagot ng doktor ay maari. Basta manalig at magdasal lang daw ako sa Diyos at baka may malaking pag-asa na maging okay muli si nanay .
Kaya pinanindigan ko yun. At yun talaga ang tangi kong hiling.
Matapos kong checkin si nanay ay nagtungo nako sa kusina para maghanda ng aking umagahan , buti nalang may stock pa kami. Matagal -tagal na rin kasi nung nag grocery ako.
Matapos kong magluto ay bigla nang dumating si ate myrna. Si ate myrna ang pinagkakatiwalaan ko sa pag babantay kay nanay habang wala ko.
Buti na nga lang at mabait siya at tinulungan niya ko kay nanay ."good morning po ate myrna" bati ko sakanya ng makapasok na siya sa gate ng bahay.
"oh, good morning din shine, kumain ka naba? Eto oh, may dala akong pandesal" pakita niya sa akin sa hawak niyang supot .
"opo, kumain na po, salamat po" sabi ko sakanya sabay punta sa aking kwarto para kunin ang mga gamit na aking dadalhin.
Mabuti nalang at handa ako sa lesson ko ngayon at nakapaghanda pa ako ng visual aid na aking gagamitin.
Sa bawat lesson talaga na aking tinuturo hindi pwedeng hindi ako handa sa paraan ng pagtuturo ko. Sinisugurado ko na sa lahat ng lesson na aking gagawin ay matuturo ko itong masaya at may natutunan ang mga bata. Lalo na ngayon at sa grade 1 ako nagtuturo mahirap kunin ang atensyon nila kaya kailangan maging wise talaga ako sa pagtuturo sakanila.
Matapos kong makuha ang akin mga gamit ay pinuntahan ko si ate myrna sa kusina para magpaalam.
"ate myrna mauna na po ako" pagpapaalam ko sakanya. Agad naman siyang humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
General FictionEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...