"bakit parang andami mo naman atang nabiling fishball?" tanong ko kay sky matapos niyamg bumili nang pagkain daw namin.
"namiss ko kaya ito sobraa! Lalo na yung sauce talaga. Nung nasa US nga kami kada pumupunta ako sa park fishball at kikiam agad ang naisip ko eh kaso puro hotdog lang ang binebenta dun." sagot niya sa akin sabay abot nang basong may laman na fishball.
"malamang US yun eh wala talaga dun fishball karamihan talaga dun puro mga hotdog, fries , burger at kung ano ano pa."
Halos pagkatapos na pagkatapos nang klase ay andun na talaga siya sa labas nang eskwelahan nauna pa nga ata siyang dumating keysa ang mga magulang na susundo ng kanilang mga anak.
"totoo! Kaya nung makarating tayo dito agad akong napatakbo sa tindahan nang fishball eh HAHAHA! "
Halatang halata kay sky na namiss talaga niya ang mga ganitong pagkain, kita palang sa pagsubo niya sunod sunod buti nga hindi siya nasasamid dahil sa sobrang excited niya kumain kahit tubig man o palamig hindi na niya naisip bilhin.
Habang nakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa palagid, dahil bata palang ako dito na kami naglalaro nila sky, habulan sa may damuhan. Hinding hindi ko makakalimutan yun dahil halos araw araw pagkatapos nang klase ay diretso na kami dito hanggang abutan nang gabi.
"naalala mo dun sa may malaking puno sa gitna? " sabi ni sky sabay turo sa pinakamalaki puno sa gitna nitong parke.
"oh? Bakit? " sagot ko sakanya habang nakatingin sa puno at inaalala ang kung anong meron dun.
"ano kaba, diba sinubukan natin nila sally yang akyatin. Nagpapagalingan pa nga tayo kung sino ang mas may pinakamataas na narating eh." Kwento niya habang natatawa pa at talagang sinasariwa ang pangyayaring yun.
Tama siya, isang beses naghamunan kami na pataasan nang maabot sa puno na yun at siyempre sino pa nga bang nanalo edi siya, siya naman talaga ang pinakamatangkad saming tatlo nila sally noon at ngayon rin halos maabot na nang tangkad niya ang mga poste.
"ayy oo nga! HAHAHAHA! " sagot ko sakanya habang natatawa rin.
"nung si sally nga umakyat nalalag lag pa siya eh tapos nung bumagsak parang bolang tumatalbog HAHAHA. " dugtong niya habang nakatingin parin sa puno at tinuturo ito.
"grabe hahahaha, siguro kung kasama lang natin si sally nahampas kana nun. " sagot ko sakanya.
"buti nalang talaga hindi natin siya kasama HAHAHA. " sabi niya habang natatawa parin.
Pagkatapos namin kumain ay nagdesisyon kami dalawang maglakad lakad sa parke. Habang naglalakad ay nakita ko talaga ang malaking pagbabago dito. Mas dumami ang mga upuan at mga tindahan kumpara dati na kakaunti lang, nagkaroon narin nang mga poste nang ilaw dahil noon talaga sobrang dilim dito pag sapit nang gabi.
At nang nasa may kalagitnaan na kami nang parke ay halos mga estudyante rin ang mga naroon kita mo talagang hanggang ngayon tampulan parin ito nang mga estudyante pagkatapos nang klase.
"dito nalang tayo umupo. " turo niya sa isang upuan.
"alam mo namiss ko talaga itong lugar na ito halos antagal ko rin nawala talaga andami nang nagbago. " sabi niya habang nakatingin sa paligid.
"oo nga eh." sagot ko sakanya. Agad naman siyang napatingin sa akin na may halong pagtataka.
"bakit? Hindi mo alam? " tanong niya kaya agad ko siyang tinignan.
"hindi kasi ako madalas dito palagi. Dahil kailagan kong bantayan si nanay at siyempre mag aral." buntong hininga kong sagot.
Dahil simula noong nagkolehiyo ako ay doon ko na itunon ang pansin ko hindi ako madala magala kahit puro aya ni sally talagang pinagbutihan ko ang pag - aaral ko at nung nastroke naman si nanay mas lalo akong naging abala school at bahay lang lagi kong pinupuntahan.
"ahh, hayaan mo dahil nandito nako dito tayo laging mamasyal , susunduin kita palagi. " nakangiting sabi sakin ni sky.
"sige. " sagot ko at ngumiti rin pabalik sakanya. Hanggang sa saglit kaming nanahimik at parehas lang tinitignan ang paligid at ang mga batang nagtatakbuhan. Nakakamiss talagang balikan ang childhood naming tatlo.
"alam mo kahit palagi kang ngumingiti sa akin pag kinakausap kita ramdam ko parin na malungkot ka. " sabi ni sky na kinagulat ko.
"huh? Bakit mo naman nasabi yun? " takang tanong ko sabay harap sakanya. Unti unti humarap si sky sa harapan at nagbuntong hininga.
"wala, ramdam ko lang kasi parang hindi ba ikaw yung kilala kong shine na masayahin parati laging nakangiti. Although, nangiti ka parin pero parang hindi totoo. " sagot niya.
"medyo iba kana sa kababata kong shine. " sabay tingin sa akin nang malungkot.
Siguro nagiba ako, lalo na sa pagngiti dahil simula talaga nung nastroke si mama at hindi siya nakakapagsalita nalungkot ako nang sobra kahit yung mga kaklase ko noon ganyan rin ang sabi at tingin nila sa akin nagiba, medyo naging malungkot.
"siguro, sobrang nadala talaga ako dun sa nangyari kay mama at naging ganito ako" sagot ko sakanya. Hanggang sa unting unti naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay.
"hayaan mo shine tutulungan kitang mabalik yang ngiti mong abot hanggang tenga at wag kanang malungkot kay tita susan gagaling siya at babalik sa normal at panigurado rin malulungkot siya dahil alam niyang malungkot ka rin. " pampa lubang loob na sabi ni sky agad kong hinawakan rin ang kamay niyang nakahawak sakin sabay ngumiti.
"salamat sky at sige papangako kung mababalik na talaga yung dating ako " panigurado kong sagot sakanya.
Matapos ang halos tatlong oras na pananatili namin sa park ay napagdesisyon na naming umuwi na. Agad akong hinatid ni sky sa amin sakay nang motor niya.
"salamat sa araw na ito sky haa! Kahit papaano naging masaya ako. " pasasalamat ko sakanya pagkababa ko nang motor niya nang makaratin na kami sa harap nang bahay.
"ano kaba wala yun naging masaya rin naman ako eh sa uulitin shine haa! " nangiti niyang sabi sakin .
"oo naman ngayong nandito kana talagang magagala tayo nang sobra sama pa natin si sally. " sabi ko sakanya. May sinabi siyang pabulong pero hindi ko narinig.
"anong sabi mo? " takang tanong ko. Agad naman siyang humarap sakin.
" ah wala, wala. " mabilis niya sagot.
"ahh sige shine mauna nako, pumasok ka narin sa loob niyo at gabi na."
"sige, magiingat ka haa! At i-hi moko kay tita julie." agad naman niyang sinuot ang kaniyang helmet at pinagana ang motor.
Agad akong tumalikod para pumasok na sa loob pero natigilan ako dahil may nakalimutan akong sabihin kay sky.
"sky! " sigaw ko sakanya, mabuti nalang at hindi pa siya nakakalayo agad naman siyang huminto at lumingon sakin.
" namiss kita, sobra!" sigaw ko sakanya at agad siyang ngumiti.
///////////////////////////////////////////////////////////
Hi, super late upload hahahaha.
BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
General FictionEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...