Agad namang bumaba sa motor ang lalaki, saktong pagkalapit ko sakanya ay tsaka niya ako hinarap sabay tinatanggal ang kanyany helmet at leather jacket.
"ahmm, tawag mo raw ako? " tanong ko sakanya ng napunta nako sa harap niya.
Nang tuluyan niyang maihubad ang kanyang jacket at helmat ay nakita ko na ang kanyang mukha, nakangiti siya sa akin at parang tinatanong ako kung hindi ko na ba siya nakikilala.
Teka, parang pamilyar sakin ito ah.
"s-sky? " tanong ko sakanya. Dahil kamukha niya talaga si sky.
"ang tagal shine, haa bago mo ako naalala" sabi niya sa akin sa boses na parang nagtatampo.
"wahh!! Sky! Namiss kitaa!!! " sabi ko sabay yakap sakanya.
Matagal na rin nung huli talaga kaming nagkita ni sky kaya hindi ko agad siya namukhaan. Sobrang gwapo niya na ngayon. Nagmature siya at tumangkad ganyan ba talaga ang epekto sakanya ng ibang bansa.
"grabe, iba kana ngayon hindi na kita nakilala. Akala ko bukas ka pa uuwi sabi sa akin ni sally hindi ko naman alam na ngayon"
"siraa, ngayon yung bukas na sinasabi niya, kaya nga kahapon niya sinabi diba" paliwanag niya sa akin.
Oo nga noh, haynako shine.
"ganun ba, edi kakauwi mo lang? " tanong ko sakanya, dahil medyo maaga pa kaya baka kauuwi niya lang at dumiretso agad dito.
"siguro kaninang mga alas-singko kami nakadating. Pumunta ako agad sa bahay niyo kaso sabi ni ate myrna pumasok ka na daw, tuwang - tuwa ako na nalaman kong natupad mo yung pangarap mong maging guro. Kaya pinuntahan kita dito agad baka kasi niloloko lang ako ni ate myrna" natatawang sabi niya sa akin.
"loko ka talaga, hay nako sky di ka parin nagbabago palabiro ka pa rin." natatawa kong sinabi sakanya.
"ehh ikaw ba ano ka na ngayon?" tanong ko naman sakanya.
"eto gwapo parin" sabi niya sabay papogi na pose.
"sky!!! "
"hahaha, bukod sa gwapo nakatapos ako ng engineering, alam mo na gusto ko talagang sumunod sa yapak ni daddy kaya yun ang pinili kong sundin" sabi naman niya sa akin.
Grabe ansaya isipin na kaming tatlong magkaibigan ay nakatapos sa gusto naming propesyon, although si sally hindi man niya nakamit yung kagustuhan niyang maging artista nakatapos naman siya sa kursong malapit dun .
"wow! Kaya naman pala asensado kana at mukhang mamahalin yang motor mo ahh" sagot ko sakanya sabay turo sa motor na dala niya.
Siguro yung motor niya ay yung nakikita ko sa tv na mahal talaga, ducatti ba yun?
"ahh, hahahaha hindi naman saganun, matagal ko itong pinagipunan simula 18 palang ako kaya nabili ko ito at pina barko ko para makarating dito buti nalang talaga at kasabay lang namin at nagamit ko pa papunta dito" sagot naman niya sa akin.
"pasakay ako diyan haa! "
"oo naman, gusto mo sunduin pa kita mamaya eh" anyaya niya sa akin.
"talaga? Sige baa! " excited na sagot ko sakanya.
Wow ansaya naman, mararanasan ko rin makasakay sa ganyang kamahalin na motor.
"o, sige mamaya sunduin kita. Anong oras ba awas mo? "
"mga alas-singko, aabangan kita ha" sabi ko naman sakanya.
"sige, diretso na tayo sa bahay namin andun yung mga pasalubong ko sayo at siguro matutuwa si mommy at makikita ka niya ulit"

BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
General FictionEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...