"andami naman nitong inorder mo! " reklamo ni sky sa loming inorder ko. Dahil ang pinili ko talagang bilihin ay ang large size na bowl.
"kulang pa nga yan eh. " tugon ko.
" haa?! Anong kulang andami na nito oh! Anong akala mo sakin isang taong hindi nakakain?" gulat na sabi sakin ni sky.
" hindi noh! Ang sinasabi ko kulang pa yang lomi bilang pasasalmat ko sayo tsaka excuse me sampung taon kang hindi nakakain ng lomi noh. " natatawang sabi ko sakanya dahil sampung taon naman talaga siyang hindi nakakain ng lomi at wala nun sa U.S
Agad naman nalang kumain si sky. Makalipas ng halos isang oras ay natapos na kaming kumain tsaka itong si sky reklamo pa sa loming binili ko eh halos naubos niya na nga kulang nalang pati yung mangkok at kutsara kainin may pa isang taon pang hindi kumain. Eh sarap na sarap naman siya para siyang inimbita sa isang cooking show ng isang sikat na artista kung kumain lasap na lasap.
Matapos kumain ay lumabas na kami ng lomihan at napagdesisiyonan na magkalakad nalang pauwi sa amin tutal malapit narin naman ito sa bahay.
"hanggang ngayon parin talaga ganito parin ang kalye dito walang pagbabago maliban sa mga nagsusulputang mga tindahan. " sabi ni sky habang nakatingin sa daan. Talagang unti lang ang nagbago sa kalye namin makalipas ng sampung taon dikit dikit parin na mga bahay at maraming puno ng alatiris. Kung mapapansin may mga nadagdag lang na mga tindahan.
"oo, talagang halos kung anong nakita mo dito nung umalis ka at ito parin nadagdagan lang. " sagot ko sakanya.
"ay wow naman! " malakas na sigaw ni sally ng makasalubong namin siya sa harap ng tindhan ng milktea . May hawak pa nga siyang milktea eh.
"oy! Sally! " bati ko sakanya sabay lapit namin ni sky sakanya.
"nagdate kayo noh! " pangungutya samin ni sally. " hindi noh nilibre ko lang si sky sa may lomihan dahil tinulungan niya akong mabawi yung wallet ko dun sa magnanakaw. " pagpapaliwanag ko sakanya.
"ows libre, datea narin yun! May pa hokage moves na pala ngayon si sky eh yiee! " pangaasar naman ni sally kay sky pero agas siyang hinampas ni sky.
"aray ko haa! " reklamo ni sally sabay irap kay sky. "Ano yung hokage? " tanong ko sakanila.
"A-hh wala yun parang palibre ganun. " utal pang sagot ni sky sabay tingin ng masama kay sally.
"sus palibre daw! " sagot naman ni sally. " tumahimik kana nga lang piggy at inumin mo nalang yang milktea mo kaya ka najumbo eh! " pangaasar naman sky.
"Che! " sigaw ni sally. "saan naman na kayo ngayon papunta? " tanong niya sa akin.
"pauwi na sa bahay. Nilakad nalang namin ni sky at malapit na naman." sagot ko. "sama na ako haa! " sabi naman ni sally.
Habang naglalakad pauwi ay patuloy paring nagaasaran ang dalawa lalo na ng mapadaan kami sa may babang na malapit. Dahil pinalala lang naman ni sky sa amin nung minsang nahulog si sally doon para lang habulin yung mamang nagtititinda ng taho kaya galit na galit si sally kay sky at puro hampas dito samantalang ako tawa lang ng tawa.
Hanggang sa nasa bahay na kami ay pinapasok ko sila sa loob. " nakabalik na po ako ate myrna! " sabi ko kay ate myrna.
"mabuti naman kung ganun! " sagot ni ate myrna sabay mano ko sakanya. "kaawaan ka ng Diyos! " sabi ni ate myrna.
"oh, kasama mo pala si sally at sky! " tingin ni ate myrna sa dalawa.
"ahh opo! Nakasalubong namin si sally sa labas pagkagaling namin sa lomihan at eto po pala lomi para sainyo po. " abot ko kay ate myrna ng tinake out kong lomi.
"ahh hello po, ate myrna! " giliw na bati ni sky sabay mano kay ate myrna.
"ang gwapo gwapo at tangkad mo na talaga sky! Parang noon lang ay ang cute mo pa! " pansin ni ate myrna kay sky sabay kurot pa sa pisngi nito.
Matagal na ring kilala ni ate myrna si sky dahil simula nung naging magkasosyo sila ni nanay noon sa pagbebenta ng gulay sa palengke ay laging na rito siya sa bahay at kay niya nakilala si sky dahil ang bahay namin ang madalas namin pagtambayan magkakaibigan.
"ew! Gwapo daw! "sabat naman ni sally at inirapan pa si sky.
" ay hindi naman po, pero salamat po! " tugon naman ni sky kay ate myrna.
"hays ang hangin! " dugtong na naman ni sally . Habang sila ay nagkwekwentuhan sila ay pumasok naman ako sa loob ng kwarto ni nanay at tulog pa siya marahil sa medyo maaga pa naman sa oras ng normal niyang gising. Agad naman akong nagmano at humalik sa sakanyang pisngi.
Pagkagaling ko sa kwarto para bisitahin si nanay ay naabutan ko parin sila sky na nagkwekentuhan.
"hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na anlalaki niyo na talaga. Dahil parang dati lang hanggang bewang ko lang kayo ngayon halos malampasan niyo nako, lalo na si sky. " sabi ni ate myrna habang nakatingin sa nasa harapan niyang sila sky.
Agad naman akong dumertso sa kanila at umupo sa may tabing upan ni sally."at hindi lang sa pisikal na anyo kayo nagsibago haa! Mga propesiyonal na rin kayo ngayon. Si shine isa ng totoong guro na talaga eh dati naglalaro lang kayo ng teacher-teacheran ngayon totoong guro na siya, si sally naman sa isang sikat na talent scout naman nag tratrabaho sakto mataas ang sahod dun. " sabi ni ate myrna sabay turo sa ami ni sally "ikaw ba sky ano na bang trabaho mo ngayon?" tanong niya kay sky sabay tingin dito.
Oo nga noh? Simula sa pagbalik ni sky dito sa amin ay hindi ko pa kailanman nalaman ang kanyang trabaho. Pero ang alam ko lang na bata pala ay gustong gusto na niyang maging bussinessman kagaya ng papa niya.
"ahh, ako po ang magaasikaso ng shop namin sa katunayan po ay bukas na ako magsisimula." sagot ni sky. Matagal ng may sariling negosyo sila sky yun ay ang pag bebenta ng mga second hand na kotse at pagrerent nito ang nagpapatakbo nun ay ang papa niya kaya kahit sa ibang bansa sila nakatira ay pauwi uwi ang papa niya dito para asikasuhin ang negosyo nila.
"ahh yung tindahan niyo ng kotse sa may bago mag arko ng sta. elena , mabuti naman kung ganun panigurado ay magiging kasing galing mo rin ang tatay mo sa paghawak ng negosyo. " tugon ni ate myrna. "saka nga pala may nobya ka na ba sky? " dugtong na tanong ni ate myrna na agad naman parang kinaubo ni sally.
"anong nangyari sayo sally?" takang tanong ni ate myrna. "ah wala po, wala po nasamid lang po ako nitong iniinom ko. " sagot niya sabay pakita ng hawak niyang milktea.
"oh? May nobya ka na ba? " tanong ulit ni ate myrna kay sky.
"w-wala pa po. " sagot niya.
"wala pa?! Imposible, sa gwapo mong yan walang nagkakagusto sayo. " di makapaniwalang sabi ni ate myrna.
Talagang imposibleng hanggang ngayon wala pa rin girlfriend si sky dahil noon halos lahat ata ng mga kaklase naming babae may gusto sa kanya dahil matalino, gwapo at nacucutetan sila dimples nito sa pisngi.
"pero sigurado naman na may nagugustuhan ka? Tanong ulit ni ate myrna.
"meron naman po, hindi niya lang alam. " nahihiyang sagot ni sky. Himala! Firstime nahiya ni sky.
"ay sus! Aminin mo na malay mo gusto ka rin pala nun. " sagot ni ate myrna.
"saka na po, pag ayos na. " nahihiyang sagot pa rin ni sky.
"oh siya wag mong patatagalin yang nararamdaman mo at wag kang patorpe dahil pag mahal mo ang isang tao aminin mo agad agad baka maunahan ka pa ng iba sige ka. " sabi pa ulit ni ate myrna.
"amin amin din kasi pag may time, ehem! " pangasar naman ni sally kay sky kaya agad siya nitong hinampas.
Teka, sino bang mahal ni sky?
///////////////////////////////////////////
Hehez, hello sa mga nagview uwu!
BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
General FictionEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...