"hoy!" tawag sakin ni sally habang nakatayo sa harapan ko. "may hindi ka sinasabi sakin haa!" sabi pa niya habang nakaturo ang daliri sakin at ang mata ay parang pa kurap.
" Ano naman yun? " tanong ko sakanya habang nagtataka dahil sa pagkakaalam ko never naman akong naglihim sakanya nang kung ano kaya ano naman yung bagay na sinasabi niyang hindi ko nasabi sakanya?
"na nagdate pala kayo ni sky haa, yiee" sagot niya na may pakilig kilig pang nararamdaman sabay hampas sa akin
"aray ko haa! " daing ko sa hampas niya "Anong date sinasabi mo eh niyaya lang naman ako kumain sa may park nun" pag eexplain ko.
" niyaya, eh kung hindi yun date bakit hindi niyo ako sinama? "
Oo nga noh? Ngayon ko lang naisip na hindi nga pala namin nasama si sally nung pumunta kami sa park? Pero impossibleng date yun noh " B-baka nakalimutan ka lang yayain ni sky." pautal ko pang sagot sakanya nang hindi nakatingin.
" Nakalimutan, sus! Sinadya niya yun" tugon niya sabay irap pa "pero, kamusta date niyo?" tanong niya biglang lapit sa akin sabay ngiting kakaiba.
" hindi nga sabi date yun! " inis na sagot ko sakanya.
" hindi raw sus! Pero ano kamusta? " pagtanong niya sa akin ulit.
"ayos lang naman, kumain lang kami nang mga fishball dun at tumambay. " sagot ko sakanya dahil yan naman talaga ginawa namin ni sky dun buong hapon.
"pero may sinabi ba sayo si sky? O inamin? " tanong ulit sakin ni sally at ang tingin pa niya sakin ay parang ang isasagot ko ay numero na tatama sa lotto.
"inamin? Wala naman nagkwentuhan lang naman kami dun bakit? " takang sagot ko sakanya. Lumayo siya sa akin agad nang kaunti at parang may binulong "Anong sinasabi mo? " tanong ko sa binulong niya.
Agad naman siyang tumingin sakin na parang may kaba " A-ahh wala, wala. " sagot niya sabay inom nang tubig sa basong nasa harapan namin.
Kanina pa nandito si sally sa bahay umaga palang, at hapon na nga ngayon. Dahil tuwing sabado ay pumupunta siya dito para tumambay hanggang hapon dahil alam niyang wala akong klase ngayon. Lagi siyang na andito at hindi ko nga alam kung ako ba ang pinunta niya dito o pagkain namin dahil bungad pala niya sa akin sa pinto ay kung anong tanghalian namin.
"ay oo nga pala, kamusta yung audition mo dun sa singing contest na sinasabi mo? " tanong ko sakanya dahil alam kong bata palang talaga kami pangarap na niya at nang nanay niyang maging artista siya halos lahat na ata nang pwedeng pagauditionan noon ay sinalihan nila at saka may potential rin naman si sally sumikat dahil magaling siya kumanta.
Biglang lumungkot si sally sa akin tanong "Ayun, as always olats pa rin " sagot niyang malungkot , yun nga lang sa halos nga lahat nang inauditionan niya lagi siyang hindi natatanggap kung susuwertihin man nasasama o nanalo pero runner up lang. Pero ang kinabibilib ko sakanya ay hindi siya sumusuko hangga't alam niya at gusto niyang sumikat try lang ng try.
"hmm, ayos lang yan! Hayaan mo sa susunod matatanggap at mananalo kana! " pangaalo ko sakanya.
"oo, talaga sinabi mo pa!" payabang pa niyang sagot sabay tawa ko " Oo tama! Sa susunod magsisi yung mga pinagauditionan mo at hindi ka nila tinanggap" sagot ko sakanya.
"talagang talaga hu u sila sakin pag nagkataon! " tungon niya na may patatayo effect pa sabay taas nang kamao.
"ayy oo nga rin pala, kamusta check up ni tita? " tanong niya naman sa akin dahil nung isang araw ay pumunta na dito ang doktor ni nanay para sa monthly niyang check up.
"ayun ganun parin, hintayin gumaling nanay" malungkot kong sagot dahil sabi naman nang doktor na ayos naman daw ang kalagayan ni nanay patuloy parin daw siyang kausapin hanggang sa gumaling siya at makabalik na sa normal.
Agad naman akong hinawakan ni sally sa kamay " okay lang yan, magtiwala tayo at gagaling si tita! " sabi niya at nginitian ko lang siya.
"mauna na po ako ate myrna." paalam ko kay ate myrna dahil linggo ngayon ay nais kong magsimba at palagian ko rin naman ito ginagawa pag linggo.
"oh sige shine, mabuti pa nga at baka mahuli ka sa misa." sagot niya. Nang makalabas naman ako ay agad akong nakahanap ng tricycle na masasakyan.
"Simbahan po. " sabi ko sa driver pagkasakay ko. Naalala ko noon lagi ko rin kasama si nanay at tatay magsimba maaga kaming umaalis dahil gusto daw nila na sa harapan kami umupo para malapit kay father at para intinding - intindi mo yung mga salita ng Diyos at homiliya. Hanggang sa mamatay si tatay ay lagi parin kaming nagsisimbang dalawa ni nanay nahinto lang nung nastroke siya dahil sa hindi siya makatayo ay nahihirapan kaming ilabas siya.
"salamat po." sabi ko sa driver pagkababa at pagkaabot ko nang bayad, mabuti nalang at maaga talaga ako nakaalis dahil mukhang medyo kakaunti pa ang mga tao at panigurado may mauupuan pa ako sa loob.
Habang naglalakad ako papasok ay may biglang tumawag sa akin "Shine!! " tawag ni aling betty.
Si aling betty ay matalim na kaibigan ni nanay noon pa man, lagi rin siyang pumupunta sa bahay noon at lagi rin may dalang kakanin ang specialty niyang biko na paborito ko rin naman.
"oh, aling betty kamusta po kayo? " magiliw na pangangamusta ko sakanya.
"Ayos lang naman shine, ikaw ba? " pangangamusta niya sa akin pabalik.
"Ayos lang dito po! " sagot ko.
"mabuti kung sa ganun si nanay mo kamusta? " tanong niya sa akin.
"ganun parin po, pero sabi naman po nung doktor nung huling check up sakanya ay maayos naman daw po si nanay hintayin at ipagdasal lang po natin na tuluyan siyang gumaling. "
"ay, mabuti naman kung sa ganun." sagot niya sakin "oo nga pala pasensya na at hindi ako madals dumalaw sakanya dahil naging abala ako sa negosyo ko. "
"ayos lang po yun! " sagot ko sakanya. " ay mauna na po ako sa loob para makahanap na nang upuan. " paalam ko kay aling betty.
"ay, mabuti pa nga!" natatawang sagot niya sa akin. Matapos nang aming kamustahan ay agad na akong pumasok sa simbahan tama nga ang hinala ko at medyo kakaunti pa ang tao at may bakante pang upuan sa harapan kaya doon ako pumuwesto.
" Sa ngalan ng Ama ng Anak at nang Espirito ."
"Amen. " tugon ko kay father sabay sign of the cross hudyat na tapos na ang misa. Agad naman akong tumayo at lumuhod sa gitna nang altar . Pagkatapos ay lumabas na ako.
"ate, pahingi po nang kaunting barya pangkain lang po namin. " panlilimos sa akin nang isang bata pagkalabas ko nang simbahan. Nakakaawang tignan ang bata dahil tila gutom na gutom na talaga ito at sobrang dungis na talaga.
Agad kong binuksan ang aking bag at kinuha ang aking wallet kumuha ako nang isang daan at binigay sa bata.
"ay ate maraming salamat po, talaga! " pagpapasalamat sa akin ng bata.
Agad ko naman itong ngintian sabay hinawakan sa ulo " walang anuman, sige na bumili kana doon ng pagkain mo. " sagot ko sabay tinignan umalis nang patakbo ang bata.
Hanggang ngayon talaga marami pa rin nalilimos dito mga bata na talagang kaawa awa sana talaga balang araw matulungan ko sila lalo na sa pagaaral dahil alam kong karamihan sakanila ay hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil sa hirap nang buhay.
Nang ilalagay ko na sana ang aking wallet sa akin bag ay biglang may humablot nitong lalaki sabay takbo.
"Magnanakaw! " sigaw ko. At nagulat ako nang may biglang humabol sa magnanakaw na lalaki.
At mas lalo akong nagulat dahil iyon ay si sky.
//////////////////////////////////////
╮(╯▽╰)╭
BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
General FictionEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...