Chapter 10 🌈

1 0 0
                                    

"oh? Susunduin kaba ng boyfriend mo, ma'am shine? " tanong ni ma'am lyn sa akin matapos kong mag ayos ng aking gamit katatapos lang ng aming klase at uwian na ng lahat.

"Hindi ko po yun boyfriend ma'am, kaibigan ko lang po yun." deretsahang sagot ko sakanya. Dahil wala naman talaga kaming relasyon ni sky bukod sa magkaibigan at magkakabata tskaa may mahal ng iba yun.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nung nanakawan ako sa may simbahan at tinulungan ni ako ni sky at tatlong araw na rin ang nakalipas doon sa sinabi ni sky na may mahal na siya at hindi ko tinanong yun sakanya na kung sino ba ang mahal hahayaan ko nalang siya at hihintayin na ishare sa akin ang tungkol sa babaeng mahal niya.

"hindi raw." mapangasar na sagot ni ma'am lyn. Agad ko nalang siyang tinawanan " hindi nga po ma'am totoo, kaibigan ko lang po talaga yun at saka imposibleng maging kami rin po dahil may nagugustuhan na yung babae. " sagot ko.

"Eh? Sayang naman! " tugon niya na may nanghihinayang naman na tingin sa akin. "pero ang swerte nung babaeng gusto niya haa! Biruin mo yun may nagmamahal lang naman sakanyang gwapo,matangkad, mabait at mukhang mayaman." dugtong niya at nginitian ko nalang.

Talaga namang suwerte ang babaeng magiging girlfriend at mahal ni sky. Sobra. Hindi lang sa kagwapuhan, charm at appeal ni sky kundi sa pagiging sweet, caring at gentleman pa nito dagdag pa na humurous at magaling sumabay sa trip kaya napaka imposible na bustedin siya ng kung sino mang nililigawan o liligawan niya.

Matapos ng usapang iyon ay nagpaalam na ako kay ma'am sally kaya agad akong lumabas ng faculty room sakto namang pagdating ko sa gate ay may nakaparada ng mga tricycle sa harapan na nagaabang ng pasahero agad naman ako sumakay sa unahang tricycle.

Simula ng dumating si sky sa pilipinas ay kada tapos ng klase ay naandun na siya sa harap ng gate ng school sakay ng kanyang motor at nagaabang sa akin kaya hindi maiwasang mabigyan ng malisya ng mga tao ang pagsundo niya sa akin at bukod dun naging close na nga niya si mang bert na gwardya ng school kaya tuwing palabas nako ng gate ay nakikita ko silang naguusap o nagkwekwentuhan.

Pero simula nang magsimula na si sky sa paghandle at pagtulong sa shop nila ay naging busy na ito sa mga nakalipas na tatlong araw madalang nalang kami magkita kadalasan bago siya dumeretso umuwi ay dumadaan pa ito sa bahay namin at nagtatanong kung kamusta ang araw ko nanghihingi rin siya ng sorry dahil hindi niya na ako nasususundo pero ang sabi ko hindi naman niya kailangan gawin yun at saka hindi naman kami magkarelasyon.

Matapos ang halos limang minutong byahe ay nakarating na rin ako sa bahay at medyo madalim na rin sa labas pero ang kinakataka ko ay kung bakit hindi pa nakabukas ang ilaw sa harap ng bahay namin eh kadalasan paguwi ko bukas na ito siguro nakalimutan ni ate myrna buksan.

"ate myrna? " hanap ko sakanya pagkapasok ko sa bahay ay binuksan ko na ang ilaw sa labas pero buti nga ang ilaw dito sa loob ay bukas dahil pag nakapatay ang ilaw sa loob panigurado ay walang tao.

Matapos kong mahubad ang aking sapatos at mapatong sa may upuan sa salas ang akin mga gamit ay dumeretso na ako sa kwarto ni mama at laking gulat ko ng makitang hindi si ate myrna ang nagbabantay kay mama kundi ang panganay nitong anak na lalaki na si yohan.

"Oh, yohan andito ka pala nasaan si ate myrna?" tanong ko sakanya, nakaupo ito sa upuang malapit kay mama.

"umalis po kasi si nanay sabi niya may kakausapin lang daw po siyang kumare niya kaya ako po muna pinagbantay niya kay ninang." sagot sa akin ni yohan ng makalapit na ako kay mama agad ko naman itong hinagkan sa pisingi at sa araw araw nakatitig lang ito sa kung saan.

The Last Ray Of Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon