Chapter 2🌈

20 4 0
                                    

Simula ng nastroke si nanay, siguro masasabi ko lumungkot ang bahay. Nawala yung ngiti niya yung mga tawa niyang abot sa kapitbahay namin. Para bang naging matamlay ang bahay namin na sobrang saya dati.

Kahit nung namatay si tatay ay pinilit parin niyang maging masaya sa harap ko at sa harap ng mga tao. Mas pinili niyang ngumiti keysa umiyak at magmukmok, kaya yun talaga ang kinamangha ko sakanya.

Marami kaming pagsubok na pinagdaanan ni nanay simula nun. Si nanay, siya ang nagtratrabaho para sa aming dalawa. Pinilit niya akong pagtapusin sa pagaaral kahit hirap narin siya. Pero hindi yun naging hadlang para masabi kong hindi ko siya nakitang hindi masaya.

At nung makatapos ako tuwang - tuwa si nanay nun dahil nagbunga ang paghihirap namin pinangako ko sakanya na sa susunod ako na ang maghihirap at maguuwi ng kasiyahan sa aming dalawa.

Kaso mapaglaro talaga ang tadhana, na-stroke si nanay at naparalyzed ang buo niyang katawan . Kahit nakakausap pa siya pero hindi ko na muling nakita ang ngiti niya matapos nun. Kaya isa sa mission ko ay ang mabalik ang ngiti sa labi ni nanay.

Matapos kong bisitahin si nanay sa kanyang kwarto ay lumabas nako para kumain. Dumiretso ako agad sa kusina , sa paglalakad ko patungong kusina ay nagulat ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko mula sa labas.

"shine!!!!" tawag ng babae sa labas sa akin. agad naman akong lumapit sa pinto para tignan kung sino yun, pagbukas ko yun pala ay ang best friend kong si sally.

"oh,sally napadaan ka?" tanong ko sakanya.

"kanina kasi sinamahan ko si nanay sa mall para bumili ng ireregalo niya kay ate para sa kasal niya, tapos napansin ko 'bat parang andaming tao sa pinakagitna ng mall. Sobrang hahaba ng pila. So, tinanong ko yung isa sa nakapila kung para saan yun at ang sabi niya audition daw para sa mga gustong magartista. " kwento niya sa akin.

"oh, tapos? "tanong ko ulit sakanya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin sa pamamagitan ng pagtatakang mukha.

"duh? Shine, nakalimutan mo na ba? Diba pangarap kong maging artista bata palang tayo alam mo na yun. Gusto kong sumikat at makilala sa buong mundo , gusto kong hangaan ako ng mga tao yung bigla silang sisigaw at ihahawi ang daan para sa akin, yung tipong kahit saan ako magpunta lahat nakakakilala sa akin yung magugulat ka nalang kahit sa public CR may biglang sisigaw SI SALLY YUN AHH YUNG NANALO SA FAMAS AWARD. " pagpapantasya niya sa pangarap niya.

Matagal na kaming magkaibigan ni sally, para na nga kaming magkapatid eh.  Naging kaibigan ko siya nung lumipat kami dito sa barangay silay. Siya yung pinaka una kong nakilala dito. At alam ko rin na sampung taong gulang pa lang kami gustong - gusto na niyang maging artista. Halos ata lahat ng audition sumasali siya kaya lang hindi siya natatanggap.

Si sally ay isang bubbly at matalinong babae. Pareho kaming honor sa eskwelahan at parehas na ka graduate ng laude sa magkaibang kurso. Pero, tampulan din siya ng bully noon dahil sa pagiging mataba niya. Pero masasabi ko sobrang ganda pa rin niya.

"kaya kailangan maghanda ako ng pang audition kong kanta. Ano kayang maganda? Kay regine ? Jona? Hmm? " pagiisip niya sa pangaudition.

Isa pang magandang talento kay sally ay ang pagkahusay niya sa pagkanta. Sobrang ganda ng boses niya kaya pagpumunta ka talaga sa bahay nila halos lahat ng tropeyong andoon ay kanya at dahil yun sa pagkanta niya.

"sigurado kana ba talaga sa pagaauditon mo dun sally? " tanong ko sakanya. Habang inaayos ko ang lamesa.

"oo naman, gusto ko na talaga kasing maging artista. Para mas makatulong ako kayla mama sa trabahong gusto ko at masaya ako. At siguro pag naging artista ako gaganda ako at pag gumanda ako rerespetuhin narin ako ng mga tao. " malungkot na pagsagot niya sa tanong ko.

The Last Ray Of Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon