"Sky! " sigaw ko kay sky nang makita ko siya sa may tindahan malapit sa amin agad naman siyang tumingin sa akin at sinenyasan akong lumapit sakanya. Kaya sabik akong tumakbo papunta sakanya pero laking gulat ko ng makita ko si yesha sa tabi ni sky.
"yesha?" tanong ko sakanya. Nakasuot pa rin siya ng pang sales lady uniform halatang kakauwi niya palang mula sa trabaho niya sa isang mall malapit samin.
"hi shine! Long time no see! " sagot nito na may patili pa at agad akong niyakap .
Si yesha ay kaklase rin naming tatlo simula elementary. Always muse yan sa klase noon hanggang highschool kami. Halos ata lahat ng mga kaklase naming lalaki at mga taga ibang section ay may gusto sakanya. Dahil bukod sa maganda siya ay cheerleader captain din siya kaya talagang andming nagkakagusto.
"nagkasalubong kami ni yesha kanina sa may harap ng bahay niyo nang bumaba ako ng motor tapos nagkausap hanggang sa nahatid ko siya dito sa kanila." sabi sa akin ni sky. oo, sila yesha ang may ari ng sari sari store na ito at sa looban nito ay ang bahay nila.
"a-ahh ganun ba, m-mabuti naman at nagkacatch upan kayo. Matatagal tagal na rin kayo hindi nagkausap." utal pang sagot ko sakanya.
"oo nga eh! Halos di ko na nga narecognize si sky kanina dahil ang gwapo - gwapo na niya sobra. "maarte sabi ni yesha sabay tingin kay sky.
Agad namang ngumiti si sky paniwalang paniwala sa sabi sakanya ni yesha.
"hindi naman, ako lang ito oh. " pabirong sagot ni sky kay yesha. Agad naman siyang mahinang hinampas ni yesha.
"oo kaya! Ang funny mo talaga! " conyong sagot ni yesha at may patakip takip pang kamay sa bibig habang natawa at base sa paguusap nila at tawanan ay parang wala ako sa harap nila.
"oo nga pala shine saan ka papunta kanina? " tanong ni sky sa akin. Sa wakas napansin din ako akala ko hangin na ako eh.
"ah bibili sana ako ng pentel pen gawa ng sa visual aid ko bukas. " sagot ko sakanya.
"oh! You are a teacher na nga pala shine! " tanong sa akin ni yesha. Parang ngayon niya lang nalamang teacher ako ahh samantalang nung nakapasa ako sa bilang lpt Ay nakidalo ito sa unting handa namin kasama boyfriend and niya.
"ahh oo diba nga pumunta ka pa nung may unti kami handa nung nakapasa ako ng board kasama mo pa nga yung boyfriend mo si ano nga ulit pangalan nun? " pabalik kong tanong sakanya.
"oh! Si aldrin! Matagal na kami break nun gawa ng we are not compatible para sa isat isa. " maarteng sagot ni yesha.
"by the way! Anong grade nang tinuturuan mo? " tanong niya ulit.
"ahh, grade 1" sagot ko sakanya at gulat ko ng bigla ulit itong tumili.
"aww! Talaga? Ang cute cute nung mga yun siguro. " sabi nito na may pa hawak pa sakanyang pisngi.
"mahilig ka pala sa mga bata?!" gulat na tanong ni sky kay yesha kaya agad siya nitong hinarap.
"oo naman! I super duper love kids kaya! " sagot ni yesha na may pa talon talon pa.
Kelan naman siya nagkainterest sa mga bata? Eh parang dati sinigawan niya yung mga batang naglalaro ng buhangin na natlisakan yung sapatos niya.
"excuse me." sabi ko sakanila na hindi naman nila ata napansin o narinig dahil sa pagkwekwentuhan kaya agad nalang akong lumapit sa may tindahan at bumili ng pentel pen.
"sige uwi na ko." paalam ko sakanila matapos kong bumili ng pentel pen.
"sabay na tayo pa sainyo!" sagot ni sky. "sige yesha, sa susunod ulit nalang ulit! " paalam nito kay yesha.
"oh sure! I'll go uwi na rin bye sky! " sagot ni kay sky sabay yakap dito "bye na rin shine! " paalam naman niya sa akin.
Habang nagpapaalam pa si sky kay yesha ay inunahan ko na siya sa paglalakad.
"Shine!!" habol na tawag sa akin ni sky at talagang binilisan ko ang lakad ko para hindi niya ako mahabol ng makarating ako sa may tapat ng bahay ay dumeresto na agad ako sa loob pero sumunod pa rin sa akin si sky.
"Shine! Teka lang! "hingal pa niyang tawag sa akin kaya agad akonh humarap sa kanya.
"bakit ba? " inis ko sagot sa sakanya at hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis sakanya.
"galit kaba?" takang tanong niya sa akin. Galit nga ba ako? Bakit naman ako magagalit at sa anong dahilan?
"bakit parang bad mood ka ata today? " dugtong na tanong niya sa akin at hinawakan ang aking mukha pero agad ko itong tinampal na kinagulat niya.
"a-hh hindi, pagod lang andami kasing trabaho sa school ngayon. " agad na bawi ko.
" ahh ganun ba. " yan nalang ang tanging na sagot niya dahil siguro iniisip pa rin niyang galit ako sakanya.
"oo nga pala, anong ginagawa mo dito? " tanong ko sakanya .
"ahh siyempre dadanan ka, para namang hindi ako dumadaan dito madalas. " sagot niya.
"oh, sky! Andito ka pala ulit! " bati ni ate myrna kay sky pagkalabas ng kusina hawak hawak ang mangkok na pinaglalagyan ng kanyang niluto.
"ahh opo, kagagaling ko lang po sa shop kaya dumaan na agad ako dito. " sagot niya . "mukhang masarap po yang niluluto niyo ahh!" dagdag na sabi niya sabay lapit pa niya kay ata myrna.
"talagang masarap! Mabuti pa nga at dito kana maghapunan! " anyaya ni ate myrna kay sky pagkapatong niya ng mangkok sa la mesa.
"ayy! Hindi ko po palalampasin yan! " excited na sagot ni sky sabay upo.
" oh, ikaw rin shine kumain ka na rin dito. " anyaya nila sa akin kaya agad akong lumapit sa la mesa at umupo.
"kamusta naman na ang pangangalakad mo sky sa shop niyo? Ayos ba? " tanong ni ate myrna sabay lagay ng ulam sa plato ni sky.
"ayos lang naman po! Medyo nagaadjust sa mga gawain pero okay lang naman po. " sagoy niya sabay subo ng kanyang pagkain.
Ang car shop nila sky ay kilala ditobsa lugar namin maraming nagbebenta at nagsasangla ng kanilang mga kotse sa shop nila at halos araw- araw maraming tao dun sa shop nila kaya alam kong mabubusy at mahihirapan si sku dun pero alam kong kaya niya yun. Siya pa.
"mabuti naman. Panigurado at mas lalago ang negosyo lalo na at ikaw ang nagpapalakad na nun. " sabi ni ate myrna at nginitian nalang siya ni sky at nagpatuloy kumain.
Matapos nag 30 minutes ay natapos na kaming kumain nagalok ako na ako na ang maglilinis pero tinutulan na ako ni ate myrna at siya nalang daw. Matapos rin naman kumain ay nagpaalam na si sky para umuwi.
"mauna na po ako ate myrna salamat po sa sobrang sarap na pagkain! Sa uulitin ate myrna haa! " paalam niya.
"nako,nambola ka pa talgabg bata ka! Pero sige sa susunod pagluluto ulit kita. " sagot ni ate myrna habang tumatawa.
Matapos nilang makipagusap at magpaalam ay hinatid ko na siya sa labas. Halos nung makalabas kami at naglalakad palapit sa motor niya ay tahimik kami parehas parang may dumaang isang libong anghel.
"ahh! Sige mauna nako shine. Baka may gagawin ka pa salamat sa pagkain haa." basag niya sa katahimikan.
"sige. Magiiingat ka. " ngiting sagot ko sakanya.
"siya nga pala! Susunduin kita bukas sa sa school haa! " parang naexcite ako nang sinabi niya yan dahil matagal na rin nung nasundo niya ako ulit.
Sasagot na sana ako kaso biglang hindi ko natuloy nang tumunog ang cellphone dahil siguro may tumatawag. nang ilabas niya ito ay nakita ko sa caller name ang pangalan ni yesha. Nagbigayan pala sila ng number kanina.
"kahit wag na lang. " yan nalang ang nasabi ko at tumalikos sakanya para pumasok na sa loob.
Hindi ko alam kung bakit nagbago ang mood ko at hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis kay yesha lalo na kanina nung nakita ko sila ni sky. At para bang nagseselos ako pero, bakit naman? Magkaibigan lang naman kami ni sky ahh?
Hays, hibang na talaga ako
BINABASA MO ANG
The Last Ray Of Sunshine
Ficção GeralEveryone can make the world happy and Everyone can make a sad person happy. what if the one who gives happiness to everyone can't be happy anymore? Will it be the last ray of Sunshine? ------- This story is about depression nowadays, hope you lik...