Chapter 5 🌈

14 2 0
                                    

Alam ko na yang mga ganyang ngiti ni Sally. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan tuwing may nakikita siyang something kuno ay kung maka ngiti talaga wagas.

"ikaw ha, bestie. Hindi mo naman sakin si sinabi na may paangkas palang nangyayari kanina. Kung hindi ko pa narinig kay nanay, ikaw talaga. "
Sabi niya agad sa akin.

"para yun lang, ikaw talaga napaka mo sa lahat ng bagay" sagot ko sakanya.

"ahh basta, kamusta na fall ka naman? " tanong niya sa akin at yung itsura niya para siyang umaasa na oo ang sagot ng nanay niya sa pagpapaalam gumala .

"hindi, safe naman eh tsaka kumapit din naman ako ng mahigpit" sagot ko sakanya.

"kapit? Saan ka kumapit? " gulat niyang tanong sa akin. Ano bang meron sa babaeng ito?

"sa balikat ni sky siyempre alangan namang sa tambutso ng motor. "

"sa balikat lang? Hindi sa may tyan. Sayang" sabi niya sa akin pero yung sinabi niya parang pabulong.

"ano? " tanong ko sakanya.

" ahh wala, wala. Pasok na tayo" sagot niya sa akin sabay pasok sa loob ng bahay. Saktong pag pasok namin ay ang paglabas naman ni sky mula sa isang kwarto na may hawak na mga supot.

"sky!!! " sigaw ni sally kay sky.

Agad namang binitawan ni sky at nilagay sa isang tabi ang hawak niya para lumapit kay sally at yakapin ito.

"sally, kamusta kana! Hanggang ngayon bola ka parin" pabiro sabi ni sky kay sally na agad siyang hinampas.

"siraulo ka talaga at saka pumapayat nako ngayon noh i'm in diet duh" sagot ni sally kay sky.

"diet ka dyan baka nga pag nakakita ka ng litson ikaw unang sumungab eh" tumatawang sabi ni sky kay sally.

"hindi kaya kahit itanong mo pa kay shine on diet ako. Diba shine? "tanong niya sa akin at agad akong tinignan.

"oo nalang, HAHAHA" sagot ko sakanya at tumawa.

"paano ba yan sally, parang pilit yung oo ni shine" sabi ni sky kay sally na agad naman nitong pagbusangot nang mukha.

"ewan ko sayo" sagot ni sally at bumalik na ulit sa pagupo sa tabi ko.

Matapos ng usapan ni sky at sally ay binalikan ni sky ang mga hawak niya kanina.

"shine, eto na yung pasalubong ko sayo" sabi sa akin ni sky sabay abot nang isang malaking plastic bag.

agad ko namang itong kinuha kay sky at tinignan ang loob . halos puro pabango at mga acessories ang mga nakita ko at kaunting mga damit. pero sa may kailaliman ay may nakita akong color yellow na bag . nang aking tignan ay sobrang ganda.

"ang ganda naman nito sky, at sakto sa favorite kong kalimutan buti hindi mo nakalimutan" sabi ko sakanya. Favorite color ko talaga ang yellow noon pa man nakakatuwa at hindi niya yun nakalimutan.

"oo naman noh, ako pa" proud na sabi niya sa akin at agad ko namang kina ngiti.

"sus, pasimple pa" biglang sabi ni sally.

"haa? "tanong ko sakanya.

"wala wala. Ahh sky ako wala? " tanong niya naman kay sky.

"wala, bat naman kita bibilhan. Sino kaba? " mapangasar na sagot ni sky kay sally.

"wow haa, wow sky ahh. Baka gusto mong sabihin ko kay shine na gu-" putol na sabi ni sally dahil agad tinakpan ni sky ang bibig niya.

"sabihin ang alin? " tanong ko kay sally dahil hindi niya natapos ang kanyang sinasabi.

The Last Ray Of Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon