Chapter 8 🌈

7 1 0
                                    

"Ayos ka lang ba? " tanong sa akin ni sky sabay abot ng aking wallet.

Andito kami ngayon sa presinto dahil matapos makipaghabulan ni sky sa magnanakaw ay buti may nakasalubong siya pulis at tinulungan siyang hulihin at corneran ito.

" anong ako? Ikaw ang kamusta? Nasaktan kaba? " pagalalang tanong ko sakanya. Dahil hindi naman ako ang nakipaghabulan dun at siya baka nasaktan siya o napahamak.

"Ano kaba ayos lang ako. " ngiting sagot niya sa akin sabay hinawakan ako sa ulo dahil alam niya talagang nagaalala ako.

" ikaw talaga pinakaba mo ako dun! Mabuti nalang talaga hindi ka napahamak. " sabi ko sakanya at nginitian lang ako. "oo nga pala, paano ka napunta dun? At nakitang nanakawan ako. " tanong ko sakanya dahil bigla nalang talaga siyang sumulpot sa kung saan at hinabol ang magnanakaw.

"outer space. " pabirong sagot niya.

"saan nga kasi! " inis na sagot ko sa biro niya pero tinawanan lang ako.

"hindi may binili kasi ako sa may malapit sa simbahan at saktong plano ko dumaan para sana magdasal tska nakita na nakakawan kaya agad kong hinabol. " pagsagot na niya nang ayos.

Nagbuntong hininga ako dahil talagang nagalala ako dun "hays, buti nalang talaga hindi ka napahamak. " sagot ko. "at salamat rin pala! "

"ano kaba wala yun! " sagot niya sa akin sabay
ngiti.

"pero dahil sa ginawa mo ililibre talaga kita nang kahit ano pasasalamat ko man lang sayo. " alok ko sakanya dahil dapat talagang ilibre ko si sky bilang pasasalamat sa ginawa niya na kahit delikado hinabol parin niya yung magnanakaw para lang mabawi yung wallet ko.

"Ano kaba, kahit wag na. " tanggi niya sa akin na may halong pagililing pa.

"sige na pumayag kana, hindi ako matatahimik  hangga't wala akong nagagawa o nabibigay sayo biglang pasasalamat. " pagalok ko ulit
Sakanya sa mababang tono nang aking boses.

"kahit wag na talaga shine, okay lang sakin." pagtanggi niya ulit sa akin pero agad ko siyang tinginan nang parang nagmamakaawa, sana umeffect.

Agad naman napapapikit nang mata si sky "oh  sige na nga dahil makulit ka. " agad ko naman siyang hinila palabas ng presinto.

"dahil nag oo ka kahit anong pagkain o anuman basta wag mahal haa ililibre ko sayo" sabi ko sakanya. Sadya kong sinabi yung basta mahal dahil kahit mahirap yung ginawa niya ay kulang parin ang pera ko kung sakaling mahal ang ipalibre niya sakin.

Napatawa naman sa sinabi ko si sky " hindi naman mahal hihingin ko sayo noh!" sagot niya.

"eh ano? " tanong ko sakanya. Agad naman siyang napaisip at napatingin sa paligid. ang mga tindahan na meron lang dito malapit sa presinto ay mga sedera, bilihan ng school supplies.

"alam ko na! Ilibre mo nalang ako ng lomi dun sa may malapit sa bahay niyo. " parang excited pa niyang sagot sa akin.

"sure ka? Yun na talaga gusto mo? " takang tanong ko sakanya dahil mura lang naman ang lomi dun sa may amin baka napilitan lang siya.

"ahh? Gusto mo pa nang iba o siya dun nalang sa may Sha-" putol na sabi niya dahil agad kong tinakpan ang bunganga niya . Dapat pala nag oo nalang ako dahil ang mahal kaya sa shakey's nakakakain nga lang ako ng mga pizza dun pag birthday ng principal namin pablow out niya.

"ahh sige sige, lomi! Tara na! " agad ko sabi sakanya na kinatawa niya at sabay tawag na akong ng tricycle na aming masasakyan.

Nang tumigil ang tricycle while sa may lomihan ay agad kaming bumababa. Buti nalang may mga upuan pang bakante sa loob dahil laging punuan dito lalo na at madalas itong dayuhin ng mga estudyante sa tanghali dahil nga masarap ang lomi dito at mura pa sakto lang sa baon nilang pera.

"Anong gusto mong toppings ng lomi mo? " tanong ko sakanya pagkaupo namin sa la mesa agad naman siyang tumingin sa malaking placard na nasa may cashier.

"pritong atay nalang. " sagot niya nakinangiti ko naman dahil hanggang ngayon paborito parin niya ang atay . Agad naman akong tumayo at pumunta na sa cashier para umorder.

"ay oo nga pala ano yung sinasasabi mong binili mo kanina sa may simbahan? " tanong ko sakanya pagkabalik ko sa aming la mesa matapos magbayad. Agad naman niya pinakita sa akin ang supot na puti na hindi ko napansin na kanina pa niya hawak.

"ahh, gamot. " labas niya sa gamot na nasa loob ng supot. Agad naman akong napsigaw ng bahagya " may sakit ka? " malakas na boses na tanong ko sakanya.

"ang O. A shine may gamot lang may sakin na agad diba pwedeng vitamins lang? " sagot niya sa akin.

"akala ko kung ano na eh baka may sakit ka kaya ka may gamot. " hingang sagot ko sakanya sakan naman siya tumawa.

"alam mo hanggang ngayon hanga parin talaga ako sayo. " hangang sabi niya sa akin sabay titig pa.

"bakit naman? " takang tanong ko.

"dahil hanggang ngayon ikaw parin yung mapagbigay na shine na kilala ko. " nakangiting sagot niya sa akin.

Siguro kung titignan ko sa sarili ko kung anong hindi nagbago sa ugali ko o hindi ko naalis ay yun ang pagmamalasakit ko at pagiging mapagbigay. Dahil bata palang talaga ako yan na ang turo sa akin nila nanay na hangga't sa kaya kong tumulong sa iba ay tutulong ako at ang idolo ko pa nga sa ganung bagay o ang role model kumbaga ko ay si nanay dahil sobrang mapagbigay niya talaga noon.

" yun ba? Wala yun masaya naman talaga akong tumutulong sa kapwa hangga't sa makakaya ko. " ngiting tugon ko. " tsaka alam mo ba isa sa pangrap ko namin ni nanay ang makapagpatayo ng foundation para sa mga batang mapalaboy laboy lang sa kalye, at siyempre soon matutupad ko rin yun. " ngiting  sabi ko parin sakanya.

Matagal ko na talagang pangarap ang makapagpatayo ng foundation o charity para sa mga batang kalye. "pero sa ngayon ang tanging kaya ko munang gawin ay maliit na pagmamalasakit at paghihingkayat ko sa ibang batang lansangan na patuloy mag aral kahit ano mang hirap sa buhay dahil diba nga sa pag aral at pagtatapos doon uunlad ang isang tao. " dagdah ko pa sa sinabi ko

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si sky at pumalakpak pa naparang anak niya ako nanalo sa contest sa school " ang bait talaga! Kaya lodi kita eh! " sabi pa niya at agad ko siyang pinaupo.

"hayaan mo balang araw matutupad mo rin yang pangarap mong yan ikaw pa ba? Sa tatag at sikap mo tiyak na maabot mo yun kaya nga kita mina-" putol na sabi niya sabay takip ng bibig.

"mina? Ano? "  takang tanong ko sakanya. Agad naman siya parang kinabahan.

"A-ah w-wala, wala! Ayan na yung lomi arat kain na tayo gutom nakong. "madaling parang kinakabahan na sagot niya sa akin habang nilalapag ang order naming lomi sa la mesa.

////////////////////////////////
( ̄3 ̄)

The Last Ray Of Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon