"𝕾a wakas!.. Sana magsipagtubo kayo ng magaganda." Tila nagdasal pa ito sa harap ng kanyang mga tanim.
"Prinsesa, pwede bang ako naman?" Tumango naman siya bilang sagot dito atsaka tumabi sa may bandang gilid ni Mr. Vernon.
Excited na siyang makita ang gagawin nito, paano'y minsan lang niya masaksihan ang ganito lalo na kapag si Yuan mismo ang gumagawa nun kaya ngayon niya lang talaga ito makikita ng ganitong malapitan.
Ayan na! Tutok na tutok talaga siya sa bawat kilos nito.
Iniunat na ni Vernon ang kanang kamay nito katapat ng pinagtaniman nila.
"Traigouv." Atsaka bigla nalang may lumitaw na simbolo sa lupa nito na agad ding naglaho; hugis bilog ito na may mga baliktarang tatsulok at kung anu-ano pang simbolo at letra na kasama nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagkatapos nun ay tila bumubulong naman ito ngayon habang ang mga daliri nito animo'y nagtitipa sa isang piano.
Paunti-unti lumitaw muli 'yung simbolo kanina pero ngayon may kasama na itong mga maliliit na anino na tila hugis tao na magkahahawak pa ang kamay sa palibot nito at 'yung mga salita o letra na 'di niya maintindihan ay umiikot na rin sa may ere sa gitna nito.
'Di rin nagtagal parang nagkaroon ito ng mga sariling buhay dahil mula sa pagiging anino ay nagsipagbangon ang mga ito habang lakad-talong gumagalaw ito na animo'y nagsasayaw sila paikot roon.
Sa sobrang pagkamangha niya sa mga nakikita niya 'di niya namalayang nakanganga na pala 'yong bibig niya magmula pa kanina.
Nakakabilib! (⊙o⊙)
Matapos ay itinaas na ni Vernon ang kanang kamay nito atsaka bigla itong pumitik na kasabay nun ay munting pagsabog nung mga aninong hanggang sa tuluyan ng nabalot ng itim na usok ang buong tanim niya roon.
???.. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin bigla kay Mr. Vernon.
"Prinsesa, pagmasdan mo." Binigyan siya nito ng isang magandang ngiti kaya naman muli siyang napalingon sa tanim niya na ngayon ay kitang-kita na niya dahil nawala na 'yung usok na bumabalot dito kanina at ang mas ikinagulat pa niya ay makikita mo kaagad na may maliliit na papatubong halaman na roon.
"Yehey!ヽ( ◜◒◝ )┘Ang galing! Maraming salamat po Mr. Vernon!" Napatalon pa siya dala ng sobrang galak niya rito.
Matapos niyang masaksihan ang nakamamanghang kaganapang 'yon nagpasyahan niya na lang munang mag-ayos ng kanyang sarili habang si Mr. Vernon naman ay nagpaalam sa kanila na aalis muna ito sandali dahil mukhang may importante raw itong aasikasuhin.