𝐒𝐈𝐗

698 112 95
                                    

↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❻ᙬ

╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗

                  "𝕷uirica, si Yuan?" Tanong niya rito na busy ito ngayon sa paglilinis sa kanilang bakuran.

"Magkasama sila ni Mr. Vernon ngayon mukhang may mahalaga silang pag-uusapan Ms. Avinir." Sagot naman nito.

"Ganu'n ba..  (・へ・) Plano ko na sanang ibigay 'tong imbisetion eh.. sa sunod na araw na kasi ang party. " Medyo malungkot na sabi niya rito.

"Di bale maibibigay mo rin 'yan sa kanya mamaya pagkatapos nilang mag-usap. 'Di rin naman siguro ganoong magtatagal ang mga 'yon." Pampalubag loob nito sa kanya kaya naman napangiti na siya atsaka pinuntahan ang mga tanim niya.

Ngayon lang pala uli nakadalaw dito si Mr. Vernon bakit kaya?  Saan kaya siya nagpunta? Sana magkita kami ngayon dahil may ikikwento ako sa kanya! (❁'▽'❁)

Pagdating niya sa tapat ng tanim niya ay tuwang-tuwa siyang makita na malalaki na agad ang mga ito lalo pa't tatlong araw pa lang ang lumilipas pero hindi pa namumukadkad ang mga ito, hiling niya na sana pagnangyari 'yon ay magkasama sila ni Yuan nun.

Sa totoo lang tatlong araw na rin silang hindi nagkaklase ni Yuan at baka nga maging pang-apat pa ngayon, masyado ata itong maraming pinagkakaabalahan pero wala naman siyang kaideya-ideya kung ano ang mga iyon.. Gaya nung huli na ang tagal niyang naghintay dito sa library nito matapos siyang puntahan nito nun hanggang sa gisingin nalang siya ni Luirica para kumain ng hapunan dahil nakaidlip na pala siya roon ay 'di pala talaga ito dumating at nagpakita sa kanya saka niya nalang nalaman na tulog din pala ito sa buong oras niyang paghihintay dito.

'Di bale mas nagagawa ko naman ng maayos 'yung mga dekorasyon na gagamitin namin sa party.

Maya-maya lang ay nakita niyang naglalakad papunta sa kanyang direksyon si Mr. Vernon.

"Mr. Vernon!  ٩(ˊᗜˋ*) Nandito na nga po talaga ikaw!" Masayang bati niya rito na nginitian naman siya nito.

"Kumusta prinsesa? Pasensiya na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw." Sabi nito ng makalapit sa kanya.

"Mabuti naman po ako Mr. Vernon, mamaya po pala ay may ibibigay ako sayo."

"Tamang-tama may mga dala rin akong pasalubong para sayo." 'Di niya tuloy mapigilang mapahawak dito at magtatalon-talon sa tuwa.

"Talaga po?!!  Yeheyy! (◍ ˃̵͈̑ᴗ˂̵͈̑) Maraming salamat po Mr. Vernon!" Sobrang laki ng ngiti niya rito paano ito pa lang ang kauna-unahang magbibigay ng kung ano sa kanya bukod kay Yuan at Luirica.

"Prinsesa baka magalit na naman sa akin si Heiouen.. Lalo kapag nakita ka niyang ganito ka sa'kin. 'Yung isang pa namang 'yon pagdating sayo lumalabas ang sungay." Hinawakan nito ang ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"Huh? Ano pong sabi mo?" Hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil masyadong mahina ang pagsasalita nito.

"Hahhahaha!  Wala..  Ang sabi ko bagay nga kayo ni Heiouen. Nga pala, kumusta na ang party para sa'kin?" Umupo muna sila sa isang sofa atsaka nagpatuloy sa pag-uusap nila.

"Nakahanda na po ang lahat at nagawa ko ng maayos 'yong mga dekorasyon na gagamitin pero kasi... Si Yuan baka hindi niya magustuhan 'tong party o kaya 'di siya makadalo, ito kasing nakalipas na araw halos saglit ko lang siya makita mukhang may importante siyang inaasikaso. Sa tingin mo Mr. Vernon may ano po— May nobya na po kaya si Yuan kaya wala na siyang oras para sa akin?" Hindi naman napigilan ni Vernon na mapangiti rito dahil sa tanong ni Avinir sa kanya habang ang batang kaharap naman nito ay malungkot ang ekspresyon at nakatingin sa paanan nito.

𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon