𝐅𝐎𝐔𝐑

732 137 137
                                    

↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❹ᙬ

╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗

                  "𝕹akalimutan ko hindi pa nga pala ako pormal na nakakapagpakilala. Ako nga pala si Vernon Dale Vendettas, ang pinakagwapo at pinakamabait sa aming magkakaibigan, ako lang naman ang bestfriend nitong si Heiouen, ikinagagalak kitang makilala. " Tumayo pa ito at yumukod sa harap nila.

[ ᴠᴇʀɴᴏɴ ɪs ᴀʟᴍᴏsᴛ ʟᴏᴏᴋ ʟɪᴋᴇ ᴛʜɪs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ ᴠᴇʀɴᴏɴ ɪs ᴀʟᴍᴏsᴛ ʟᴏᴏᴋ ʟɪᴋᴇ ᴛʜɪs. ᴍᴀs ʟᴏɴɢ ʜᴀɪʀ ɴɢᴀ ʟᴀɴɢ..  ]

"Psh. Hangin. right— siya lang naman 'yung bukod tanging sumira ng mga tanim mo." Nakangising sabi ni Yuan na ipinagtaka naman ng kaibigan nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Avinir ng marinig nito iyon na kalaunan ay napalitan din ng lungkot ng maalalang wala na nga pala ang mga tanim niyang ilang taon niya ring inalagaan.

"We-we-wait...Teka, 'di ko ata maintindihan, Bakit parang may ginawa ako? Inosente ako kung ano man 'yan, wala akong kinalaman diyan Heiouen." Halatang hindi nito naintindihan ang sinasabi ni Heiouen.

Isa kasi sa ayaw ni Vernon ay kapag may nakikita itong babae na nalulungkot o umiiyak (A demon flirt to the highest level) kaya gusto niyang pinupuri at pinapasaya ang mga ito at base sa nakikita niya ngayon dito sa batang kaharap niya ay mukhang papaiyak na ito.

"Then sabihin mo kung paano ka nakapasok dito sa mansyon ko." Nakatalumbabang sabi naman ni Yuan.

At dahil nga dun ikinuwento nito ang pinagdaanan nito makarating lang dito sa mansyon ni Yuan.

Napag-alaman niya na 'yung bunbunang hinampas-hampas niya nung nakaraan ay ito pala at ang portal na ginawa nito ay siyang mismong laman nung kahon na napulot niya na bigla na nga lang ito nabuksan kanina, marahil daw dahil sa mahina ang harang sa parte ng garden nila kaya doon ito dinala ng portal niya at nagsilbing sarahan papunta sa mundo nila.

"Di bale, ayos lang 'yun magtatanim na lang siguro ulit ako kaya lang matatagalan nga lang bago pa tumubo ang mga iyon.." Nakapout na sabi ni Avinir na cute na cute naman itong tingnan.

Tumayo na lang bigla si Yuan at may kinuha ito sa isang aparador pagkatapos ay bumalik din ito sa tabi niya.

"Tch. Kanina ko pa naamoy 'yang dugo mo." Bigla na lang nito kinuha ang kamay niya at nilagyan ito ng tapal sa may sugat niya, 'di niya tuloy napigilang mapangiti dahil ramdam niya ang malambot na kamay nito.

"Doon lang pala nakalagay yang bannid.. Hehehe! Salamat Yuan." Malaking ngiting sabi niya rito.

"Band aid. Démį (idiot)" At mahinang pinitik nito ang noo niya.

𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon