↭𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❶➌ᙬ
༐
╔════❖•ೋ°═══°ೋ•❖════╗"𝕿otoo 'to diba? Yours is heres.. Yours is heres.. Yuan." Paulit-ulit na sambit nito habang umiiling na nakayapos kay Yuan.
Babalewalain na lang sana ni Yuan kung ano pa man ang binubulong nito pero ilang segundo na silang nasa ganu'ng posisyon at paulit-ulit pa nitong binibigkas iyon kaya 'di na rin ito nakatiis pa.
💢💢💢
"Tch. What the hell are you murmuring.." Mahinang hinatak nito ang pisngi ni Avinir nang magising ito at iparamdam dito na narito nga siya ngayon sa harapan nito at hindi siya isang guni-guni lang.
Ang akala niya ay matatauhan na ito at matutuwang makita siya pero malungkot na nakatikom bibig lang itong tumingin sa kanya at mahigpit na sumubsob muli sa kanya.
Why the.. Hindi kasi ganitong reaksyon ang inaasahan niya.
"Enough." Ibinaba na ito ni Yuan pero tila ayaw ata nitong malayo sa kanya dahil kaagad din itong kumapit sa kanya— sa may likurang parte ng damit niya at kahit makailang ulit niya na itong sinita parang 'di naman 'to nakikinig sa kanya.
Sa katunayan alam naman niyang pinipigilan lang ni Avinir na maiyak sa harap niya at hanggang sa mga oras na'to ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito.
Did that really scare her? Tch. Alam naman kasi niya ang dahilan kung ba't ito nagkakaganito at halos hindi ito makatingin ngayon sa kanya.
And for unknown reason isa talaga 'yun sa pinakaayaw niyang ginagawa ni Avinir sa kanya.
"What now? Ganyan ka na lang? It's time, Alas siete na." Napansin niyang medyo kumakalma na rin si Avinir atsaka dahan-dahang umangat ang mukha nito sa kanya at tinitigan siya na parang bang may sinabi siya ritong kamangha-mangha.
"Yuan.. Anong sabi mo?" Sa wakas bahagyang lumayo na rin ito at nakapagsalita na rin ng maayos sa kanya pero nakakapit pa rin ito sa may damit niya.
Alam ba niya? Sa isip-isip naman ni Avinir.
Naguguluhan man si Avinir pero sa sinabing iyon ni Yuan pakiramdam niya alam nito kung anong meron ngayong gabi.
Ang pinaka-inaabangan niya ngayong araw— Ang tungkol sa buwan.
Nang makita niyang nakatingala si Yuan sa buwan ay ganu'n na rin ang ginawa niya.
Oo nga, oras na pala.. Pero bakit ganu'n?.. Akala ko ba magiging pula siya? ( ´◔ ‸◔‘) Sa isip-isip niya dahil kakaiba man ang kulay ngayon ng buwan 'di naman ito kulay rosas gaya ng inaasahan niya.
Saglit na napatingin naman si Yuan sa bata at kahit 'di ito magsalita alam niya kung anong tumatakbo sa isipan nito.
Psh. Bíutre vitn.. (This kid..).....
"Waahhh!!" Medyo malakas na tili niya ng walang pasabi nalang siyang kargahin ni Yuan atsaka ito tumalon ng pagkataas-taas at salit-salitang tinalon ang mga sanga ng puno roon.
W-wow.. Σ(⊙o⊙|||) Para kaming lumilipad! Laglag pangang reaksyon niya habang walang mintis na naiilagan ni Yuan ang mga dahon at sanga na pwede silang matamaan.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑
Fantasy𝐀𝐯𝐢𝐧𝐢𝐫 𝐢𝐬 𝐣𝐮𝐬𝐭 10 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐬𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐢𝐨𝐮𝐞𝐧, 𝐚 𝐃𝐚𝐫𝐤 𝐰𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐰𝐡𝐨'𝐬 𝐚 186 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝. 𝐒𝐡𝐞 𝐡𝐚𝐝 𝐧𝐨𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠- 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐡𝐢𝐦 𝐚𝐧𝐝 𝐟...