↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❾ᙬ
༐
╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗"𝕹asaan na ba 'yun?" Palakad-lakad si Avinir sa buong kabahayan habang hinahanap ang kanyang pusa, paano'y nagising siya na wala na ito sa tabi niya.
"Ms. Avinir? Hinihintay ka na ni Mr. Vernon, nakahanda na ang agahan niyo sa baba." Tawag sa kanya ni Luirica kaya napakamot na lang tuloy siya ng ulo niya dahil alam niya namang masamang pinaghihintay ang pagkain.
"Gising na pala ang prinsesa, Magandang umaga." Nakangiting bati ni Vernon sa kanya pagkarating niya sa tapat ng hapagkainan nila.
Nagbabasa ito ngayon ng dyaryo habang nainom ito ng kape.
"Magandang umaga rin po Mr. Vernon!" Masigla bati naman niya rito.
"Maupo ka na Ms. Avinir." Hinatak pa ni Luirica ang silya para sa kanya atsaka inayos ang pagkain niya.
Alam niya na kapag ganitong nalulungkot siya ay mas nagiging maasikaso si Luirica sa kanya at ayaw niya namang pag-aalahanin ang mga tao sa paligid niya kaya talagang iniiwasan niyang malungkot sa harap nila.
Hindi pa siya kaagad naupo atsaka pasimpleng sinilip ang paligid.
"Kumain ka na Ms. Avinir."
"Salamat, Ahm. Nakita mo ba si Niryu, Luirica?" Tanong niya rito na bakas naman ang pagtataka sa mukha nito kung sinong Niryu 'yung tinutukoy niya.
"Niryu?" Si Vernon na ang nagtanong sa kanya.
"Opo, 'Yung pusang bigay sa 'kin ni Yuan wala po kasi siya sa kwarto ko ng magising ako." Nagtataka man siya sa bagay na iyon kung paano ito nakalabas ng silid niya ay pinagsawalang bahala niya na lang iyon.
Galing naman kasi ito kay Yuan kaya 'di na nakapagtatakang kakaiba rin ito.
"Nasa kwarto siya ni Master, Ms. Avinir mamaya lang ay lalabas na rin iyon." Sagot naman ni Luirica.
At dahil doon napanatag na siya kaya naman naupo na rin siya at inumpisahan na ang pagkain habang ang kaharap naman niyang si Vernon ay tuloy pa rin sa pagbabasa nito.
Naging tahimik ang kanyang pag-aalmusal kaya nakaramdam na naman siya ng lungkot lalo ngayon na walang Yuan na biglang susulpot sa harap niya tuwing nag-aagahan siya at limang araw niya iyong iindahin.
Mukhang napansin naman ni Vernon ang pagtamlay sa pagkain ni Avinir kaya naisipan niya itong pasimpleng libangin.
Alam naman kasi nilang dalawa ni Luirica na pinipilit lang ng bata na magmukhang maayos ang lahat at ayaw naman nilang magpatuloy ang ganoon.
"Prinsesa, Bakit nga pala Niryu ang pinangalan mo sa pusa dahil ba 'yon sa hilig mo sa bulaklak?" Nakatuon pa rin ang mata ni Vernon sa dyaryo nito na kunwari ay busy pa rin ito sa pagbabasa nito.
May bulaklak kasi na tinatawag na Niryu sa mundo nila. Kulay asul ito na halos kamukha ng ilang-ilang sa mundo ng mga tao at dahil mahilig magtanim si Luirica naisip niya na marahil naituro nito ang bagay na 'yun kay Avinir, isa pa asul rin kulay ng mga mata nung pusa.
"Hmmm.. Naisip ko lang po ( ^∇^) pero ngayon ko lang din po nalaman na may ganu'n din palang pangalan ng bulaklak? Ang galing naman! Ano pong klaseng bulaklak iyon?" Nagtaka man siya sa sagot nito pero isinawalang bahala niya na lang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/199703998-288-k358395.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑
Fantasy𝐀𝐯𝐢𝐧𝐢𝐫 𝐢𝐬 𝐣𝐮𝐬𝐭 10 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐬𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐢𝐨𝐮𝐞𝐧, 𝐚 𝐃𝐚𝐫𝐤 𝐰𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐰𝐡𝐨'𝐬 𝐚 186 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝. 𝐒𝐡𝐞 𝐡𝐚𝐝 𝐧𝐨𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠- 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐡𝐢𝐦 𝐚𝐧𝐝 𝐟...