The Dark Past

35 2 0
                                    

Isinulat ni danggos

----------

PROLOGUE

Kinuha n'ya ang kutsilyo na may naka imprentang pangalan at ibinalot pa ito sa itim na tela. Ipinasok sa maleta kasama ng mga bibitbitin n'ya paalis sa lumang tinitirahan.

Sa haba ng panahon na inilagi n'ya sa baryo, siguro ay panahon na upang gawin n'ya na ang kanyang misyon.
Hawak ang isang lumang litrato kasama ng hindi katandaang babae, batid ang isang istorya sa kanyang mga mata.

Paghihiganti.

Pighati.

Kalungkutan.

Pag-iisa.

Ni minsan ay wala na s'yang hinangad pa kung hindi ang makalaya sa paghihirap na pinapasan kabit ng isang nakaraan.

"Maghihiganti ako, at ang kapalit ng paghihiganti ko ay ang pagpatay sa'yo. Pagpatay ng taong nasa paligid mo at pagpatay ng mga taong mamahalin mo."

Isang mala joker na ngiti ang pinakawalan nito kasabay ang matinis na halakhak.

"Apo, bakit ka naman tumatawa dyan mag-isa?"

"Ayy lola Rosalinda, masaya lang ho ako. Gusto ko lang ho sanang magpaalam sainyo sapagkat ako ay lilisan na. Tsaka,pakibantay-bantayan ho ang munti kong tirahan habang ako ay wala."

"Ay sigi lang apo, ako ang bahala diyan sa mga dumi-dumi dyan at ako ang magwawalis-walis. Umuna ka na para ikaw ay hindi gabihin sa pagbyahe."

"Opo, lola. Babalik din ako."


------
Hi!I hope na basahin n'yo ang istoryang The dark past dahil mabait po ang mga characters katulad ko hahahahah labyu all!!!
Please follow me danggos and write comments :>heart heart♡♡♡

The dark pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon