CHAPTER 12

1 1 0
                                    

Pagkadiretso ni Luke sa lockers room ay agad n'yang binuksan ang locker.  Dahil nga baka ma late na naman s'ya sa susunod na klase. Sa laboratory sila ngayon at ang subject ay 'yung General physics na nag celebrity walk out s'ya dahil na bored. Oo, nabored s'ya dahil walang ginawa si Doc. Giliggan kung'di magkamot ng magkamot ng pwet at basahin ang nasa libro. Gwapo nga pero dugyot naman. So ayon, Marunong din naman daw s'ya magbasa kaya bakit mag aaksaya ng oras eh hindi naman reading class ang pinasukan n'ya, General Physics 'yun!

Jusme, Author ako dito!Author, pero ako na-iistress dyan kay Luke. Ayaw pa kasi mag Pov ng babaeng 'yan. Tsk.

Back to moment. Pagkalabas n'ya kasi sa Basketball court ay bumili pa s'ya sa labasan ng lab gown dahil tiyak n'ya na may experiment.

Naputol lahat ng pag iisip n'ya ng makuha ang libro. Ang mga librong pinag ipunan n'ya pa ay hindi na mukhang libro. Puro gupit-gupit ang bawat pahina, ang tatlong libro ay mukhang inilubog pa sa bowl na amoy ihi dahil sa sumisingaw ang panghi nito. Nagkakalas-kalas na din ang mga papel dahil sa tubig.

Walang ekspresyon ang mukha n'ya pero may sa kung ilang maligno na ang nararamdaman n'ya sa loob ng kanyang katawan. Para itong nagliliyab at halos masira ang pintuan ng locker n'ya ng isinarado n'ya iyon. Expresionless s'ya. 'Wag n'yo kalimutan na ang ating bida ay expresionless. Bitbit ang naka hard bind na tatlong libro ay tinungo n'ya ang susunod na klase.

Laboratory.

Malakas n'yang binuksan ang pinto na naging dahilan para  dumagundong ito sa buong kwarto.

*BOGSHHHHHH!!!*

At doon na nga nagsimula ang session ng paglipad ng mga makakapal na libro na kahit na sino ay hindi gugustuhing tamaan nito.

Mula sa walang ekspresyon na mukha nito ay rinig ang malakas na yabag n'ya papunta sa kinalalagyan ni Dos.

"What's happening?!" Narinig n'ya pa ang sigaw ni Doc. Giliggan pero hindi n'ya ito pinansin. At kailan ba namansin si Luke aber?

Habang si Dos ay nababaliw pa at hindi pa bumabalik sa katinuan.

Walang ano-anong dinampot ni Luke ang mga libro ni Dos. Ang MAAAYOS na libro ni Dos at iyon ang binitbit.
Pabalik na sana s'ya ng umayos na ang lagay ni Dos,

"WHO THE HELL YOU THINK YOU ARE?!" Pagkatayo nito ay medyo nahilo pa. Syempre walang papapigil sa nagliliyab na si Dos.

Ang tahimik at walang ekspresyon na si Luke na nakatalikod pa,

*BOGSHHHHHHH!!!* tumama ang libro sa likod n'ya na dinampot ni Dos. Gantihan.

"SERVES YOU RIGHT. WHO THE FUCK YOU ARE PARA BATUHIN AK--"

Naputol ang mga plinano n'yang sasabihin nang ang babaeng nakatalikod ay unti-unting humarap. 'Yung parang sa horror movies na talagang makapanindig balahibo.

Ang mga ilaw ay nagpapatay sindi.

Charot. May nakapatay lang bigla. Lahat ng mga estudyante na nakaupo ay nagsitayuan at lahat ng nasa tabi ni Luke ay umalis.

"F-FUCK Y-YOU!!!" sigaw ni Dos. First time n'yang makita ang nanlilisik na mata ni Luke. Palagi lang itong nakatungo pero ngayon,

Para itong papatay sa titig.

Hindi naman daw ganoon ang mata nito dati. Mas nakakatakot ngayon.

1

"Fuckkk natatakot na ako!owemjiiii ano ba ang nangyayari?"

The dark pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon