Tan
Days passed by and hello Dos na kami. Yeah, he's back. Pahilom na din 'yung mga sugat n'ya. Maingay na muli ang buong University dahil sa pagbabalik n'ya. 'Yung fanbase n'ya nagkakandarapa din. May nagbibigay sa kanya ng mga flowers and chocolates. Valentines ba ghorl?
May nagpatarpaulin pa ng mukha n'ya. Gosh, nagsasawa na ako sa mukha nito ni Dos eh.
"So everbody miss me so much huh. Of course, ako na mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobrang gwapo" at ngumisi pa yan hah. Sipain ko sugat n'ya eh.
"But that doesn't mean na wala akong inihandang plano. Sa loob ng one week?huh. Tingnan ko lang kung hindi maiyak 'yang impaktitang ghost na 'yan sa gagawin ko." Damn. Hindi ba talaga s'ya hihinto sa pagganti. Of course kapag may ginawa na naman s'yang masama kay Luke automatic gaganti din si Luke.
"Stop it, Dos. Paawat kayo. Hindi ka pa nga fully recovered sa last incident..pati mga fans mo hindi pa nakaka move on sa last issue. Gagatong pa ulit?" Si kuya ang nagsalita.
"What?!ako na mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobrang gwapo papalagpasin ang nangyaring 'yun?Remember?s'ya ang nauna. Her fucking ugly face is all over in this school!.Masyado s'yang nagkakalat at ayoko sa pagmumukha n'ya na nakakatakot. I hate her presence!I want her out." Pagpapaliwanag pa. May point naman si kuya eh. Kung hindi s'ya hihinto sa pagganti ay tiyak mas lalaki ang gulo sa pagitan nila.
Pero kasi!>_<
Hindi naman namin pwedeng masisi si Dos dahil nakakatrauma nga ang appearance ni Luke. Masyadong triggered si Dos.
"Tahimik lang naman si Luke. What if 'wag mo nalang s'yang pansinin kasi in the first place ikaw talaga ang unang nanakit sa kanya. Remember din?tayo ang may atraso dahil nagsimula ang lahat ng ito noong pinasok natin ang tinitirahan n'ya." Oo nga, isa din 'yun. Kalmado lang si Onyok habang nagpapaliwanag. Si Dos naman ang halatang hindi kalmado dahil pakiramdam nito ay pinagtutulungan namin s'ya.
"Heck!hindi ako kasama sa may atraso sa kanya dahil hindi ko naman talaga gustong pumunta dyan sa Hounted house n'ya!pinilit n'yo lang ako REMEMBER?,"
Nagkatinginan naman kami. Siguro hindi namin alam kung magsisisihan ba kami kasi dinawit pa namin si Luke eh alam naman namin na matatakutin 'to masyado.
"Tsaka IN THE FIRST PLACE, kahit tahimik s'ya NAKIKITA KO PARIN 'YUNG MALA IMPAKTO, MANGKUKULAM AT GHOST N'YANG MUKHA."
O_O
"Kaya kung sinasabihan n'yo na ako ang nauna. Fuck, ayusin n'ya muna ang mukha n'ya."
O_O
Really, she's behind you. Luke is behind you.
"H-hi Luke. Waz up." Impit na boses ni Onyok. Geez.
"FUCK!" napatayo agad si Luke at napakaripas papasok ng classroom.
Look. Ni hindi n'ya nga magawang tumayo ng ilang minuto kahit manlang sa tabi ni Luke eh, paano n'ya gagawin 'yung paghihiganti n'ya.
Still, it depends. Sariling battle na 'to ni Dos kung pipiliin n'ya paring gantihan si Luke. Basta nakaantabay lang kami sa posibleng mangyari.
Pumasok na kaming lahat dahil may papadating na matipunong lalaki.
"Hi everyone, I am Doc. Bautista and will be your new lecture and laboratory professor assigned under subject of general physics." Weh. Eh nasaan na si Doc. Giliggan?hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko ngayong buong semester sa kanya eh.
"Unfortunately, Doc. Giliggan is being transferred to other department. Meaning, he'll mostly not be here but is assigned to 4th year college students in other University block." Ibigsabihin malayo na s'ya sa University block na ito. Meron kasing 4 University block kung saan magkakaiba ang bawat block depends on your year level.
"Buti naman!he's not a good model though." Ingay talaga ng bunganga nito ni Dos.
"Somethings wrong Mr.?" Ayan.
"Mr. Darius." Yeah. With that, mukhang napatameme si Doc. Bautista. Why not when he's talking to the brother of the owner of this University.
Walang ginawa si Dos kung'di ang dumaldal ng dumaldal sa tabi ko. Ang dami n'yang rant sa buhay at plano. Gosh, bakit ko ba talaga naging kaibigan 'to?
Buti nalang at medyo maingay ang klase dahil magaling magturo si Doc. Bautista. He's more likely strict but funny, buhay ang klase sa kanya pero 'tong tenga ko patay na. Walang ibang sinabi si Dos kung'di kung
'Ang pangit pangit ng impaktang 'yan.'
'Bakit ba kami naging magkaklase at bakit ba ipinanganak ang isang panget na ghost sa mundong ito.'
'Lagot ka saking babae ka. Kakalbuhin ko 'yang buhok mo kapangitan ka sa lahat ng pagit at 'yang pagmumukha mo ang nakakatakot sa lahat ng bangungot ko.'
>_< heck, parang mas mabuti pang absent itong si dos. Hindi naman s'ya ganito dati.
Nasa Cafeteria na kami right now.
"What?!that's your plan?!" Gulat na tanong ni onyok at Tom. See,kahit sila hindi makapaniwala sa naisip n'yang plano.
"That's cruel. You're cruel." Iiling-iling si kuya dahil sa narinig kay Dos. Mukha pa s'yang proud habang nagkukuwento.
"Ganito. 'Wag mo galawin ang buhok n'ya dahil kahit ioffer mo pa lahat ng personal hairstylist mo ay gaganti at gaganti si Luke. Look, she's silent. Silent but deadly, baka pumasok ka at makita nalang na kalbo ka." Si Onyok habang kumakain ng steak.
Geez.
"That's a nightmare, dos. Ikaw rin baka pagsisihan mo." Dagdag ko dahil wala s'yang point sa mga sinasabi n'ya.
"Excuse me, gwapo ako kahit kalbo!I'm perfect!"
"Bakit?naranasan mo bang makalbo dati para masabing gwapo ka kahit kalbo ka?" Napaismid naman si Dos. Hmm, oo nga noh.
"Oo, yung baby ako!bakit nung ipinanganak ka ba ng nanay mo may buhok ka kaagad?hahahaha" ayan, nag asaran na naman sila. Psh.
"Here's the deal, pakalbo ka para malaman natin kung gwapo ka parin." Gwapo naman talaga si Dos. Gwapo din ako. Gwapo si kuya at gwapo din si Onyok.
"Ulul. I'll never ever do that in my entire life." Lahat kami nagtawanan nalang dahil alam naming naasar na si Dos.
"See, you hate the idea. Minsan ang kagwapuhan wala sa mukha, nasa buhok! Tingnan mo si Tan." 'Yang si Onyok lakas mang asar, itapon kita sa panahon ng hapon eh!
"Oi pakyu ka. Ang gwapo gwapo ko sisiraan mo pa 'ko sa mga fans ko." Nagtawanan nalang kami habang inuubos namin ang kanya-kanyang pagkain.
Fastforward.
Uwian naaaaaa. Sabay kaming uuwi ni kuya at uuwi na din ako sa bahay. Iniwanan ko na ang condo ng malinis at maayos.
Sabay-sabay kaming palabas pero itong si Dos tinabig si Luke.
"Tabi nga!" Tapos nagmadali ng lumabas. Tiyak natakot 'yun kasi baka sundan s'ya ni Luke.
Si Luke hindi nalang pinansin tapos diretso lang sa pag-aayos ng mga gamit. Pansin ko namumula ang ilong n'ya at umuubo din s'ya ng sobra. Pero nevermind.
Basta nakakatakot s'ya. Para s'yang sipuning multo.
BINABASA MO ANG
The dark past
RomanceIsang araw ay napagdesisyunan ng isang ghost na lumabas mula sa kanyang haunted house, madaming gwapong nilalang ang kanyang makakatagpuan ng landas at gagawing impyerno, nakakagulat, nakakataka, nakakaimbyerna, nakakabullshit, nakakamaderpaker ang...