CHAPTER 7

3 2 0
                                    

Dos

May nag notify.

Binuksan ko ang i phone ko at nakita ang pinakapangit sa lahat ng pangit. Lalong sumakit ang gwapo kong mukha.

Fuck!

Pinapanood ko ngayon ang isang video. Hindi ito Anime, movie o porn. Ito ang digmaan sa pagitan namin ni Ghost. I can't believe this. Sinong hampas lupa ang naglakas ng loob na videohan ang mga pangyayari kanina?ipakain ko kaya sa kanya 'tong cellphone!

Habang pinapanood ko ay sadyang kumikirot ang malaking pasa na natamo ko. Ewan, ni hindi ko nga inaasahan na magagawa ng makapal na pangit na impaktitang ghost na 'yun sa isang Ako na mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobrang gwapoang ganung karumal dumal. Isang hampas lupa?versus me?I can't fucking believe this kung saan humugot ng katigasan ng mukha ang Ghost na 'yun.

Binitawan ko ang cellphone.

Tingnan lang natin kung hanggang saan 'yang tapang mo.

Sa kalagitnaan ng gwapo kong pagpaplano ay bumukas ang maganda kong kwarto.

Si Tan, Tom at si Onyok.

"Ohh nakalimutan ko na may mga kaibigan pa pala ako." Sabay ngisi ko sa kanila.

"How's your feeling, Dos?" Pagtatanong ni Onyok. Eh kung ihampas ko kaya 'yung aparador sa mukha n'ya.-_-

"Bakit kayo nandito mga chupol?" Tapos nagtawanan. Aba amputa, hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan. Help me, gusto ko na sila iunfriend.

Si Tan inilabas 'yung pangmahirap n'yang phone. At ang kupal pinapanood ang video.

"You won't believe this, Dos. Luke is instant celebrity within one snap, imagine pinatulog ka ng isang Luke Nivarre. Ng isang babae. Sure ball, kumalat na sa University ang video." Sabay tawa. Sigi tawa. Ng pag ako nakabangon dito sa kinahihigaan ko isusungal-ngal ko lahat ng pangmahirap n'yang gadget sa bunganga n'ya.

"Oo nga, feeling ko magkakaroon s'ya ng fans dahil sa ginawa n'ya." Hirit ni Onyok na walang kwenta humirit.

"So nagpunta kayo dito para ipamukha na napatulog ako ng ghost na 'yan?Fuck you all." Sabay pakyu ko sa kanila. Wala, di ko na talaga sila kaibigan.

"Ikaw ba naman, anung tae ang pumasok sa utak mo at nagkalat ka ng ganun?bigla mo nalang siyang sinugod na parang kinuha n'ya ang isa sa mga organs mo." Pagsingit ni Tom.

Anung karapatan n'yang kwestyunin ang gwapo kong ginawa?tama lang 'yun at kulang pa lalo't binahiran n'ya ng kahihiyan ang handsome existence ko. Hindi ko s'ya mapapatawad. Tawagin n'ya na lahat ng santo at super heroes para iligtas s'ya sa mga gagawin ko.

"I don't want to see her. She's ugly, she's fucking ugly!" Pangit s'ya...nasabi ko na bang pangit s'ya?

"Ewan hah, pero kung ano man ang binabalak mo ay labas kami dyan. Hindi maganda na nananakit ka. Ayaw ka naming makitang marahas, Dos. Nandito lang naman kami kapag kailangan mo ng gabay." Pagkasabi nyan ni Tan ay nag selfie na naman s'ya.

Stop acting like you understand me. Kaibigan ko lang kayo. Pero hindi n'yo alam kung ano ang nararamdaman ko.

Tsaka anung gabay-gabay eh puro pepe at dede ka nga lang dyan.

"Alam namin na nagtatampo ka kasi hindi ka namin tinulungan o pinagtanggol. Sorry but we won't tolerate that attitude. Hindi porket takot ka ay mananakit ka. Mahirap mabuhay ng may phobia, but look, Dos. Luke is not Ghost or whatever creature you think she is. She's just simply weird and creepy human. At hindi mo s'ya pwedeng sisihin o saktan just because she appears like that." Pagdadagdag pa ni Tom.

Bakit ba ang hilig nilang mag lecture ng mag lecture evertime na may nagagawa akong mali?hindi naman ganun ang kaibigan hah. Ang kaibigan susuportahan ka sa kahit anung laban. Tsaka paano ba nila nasasabing mali ako eh hindi naman nila alam ang rason ko. My life, my choice, my rules.

Fastforward.

Sumugod na naman si ate.

"¥%×>%4 BRATATATATATAT!!!@@$@$4@5@5267276!!!!#^6#6252/262$25PEWPEWPEW BRATATATTAA BANGBANG BANG525@!!!" Basta madami syang sinabi na hindi na kinaya ng perpekto kong tenga.

"I told you, nambully ka na naman ba?Ilang beses ko bang sinabi na itigil mo na 'yang paggaganyan mo. Ikaw lang ang nasasaktan, Dos. What's the cause of your black eye?"

Ayan na naman ang pagiging over reacting n'ya. Nasa gilid lang ang tatlong tukmol at ngumingisi-ngisi. Mga gagong 'to!

Mga takot naman kay ate. Tsk.

At the end, nalaman n'ya dahil binigay ba naman ni Tan 'yung pangmahirap n'yang phone at ipinakita ang video.

"HOLY MOTHER OF COWWWW!!!" Sigaw n'ya. Wala ng bago dyan mga pipols. Nanlalaki pa ang mata ni ate.

"Anung karapatan ng babaeng 'to na mukhang pepe na saktan ang baby brother ko?!" Nagmana ako kay ate. Tsk. See.

'Yan tama 'yan ate. Magalit ka sa pangit na mukhang impaktitang ghost na 'yan.

Si Tan naman pinagtatawanan lang ako. Mukhang tae naman. Itong gagong 'to walang ginawa kung'di ang tumawa ng tumawa.

"Infairness. Ang astig n'ya. Ito ang mga tipo ko, lumalaban. Hindi nagpapaapi!" Ewan ko ba 'tong si ate. Hindi mo alam kung kanino kampi.

"Pero kakausapin ko parin s'ya. I want a complete explanation." Tsk. Makikiepal na naman 'tong si ate. Maghahanap lang ng gwapo sa school 'to eh. Psh.

Si ate ang nag mamay-ari ng Elite University. Siya ang nag maneuver nung nag 20 years old na s'ya. Dad told her and nag click naman because ate is into business. So that.

"DOS!BUMANGON KA DYAN AT KAKAIN KA!"

No.

Not now.

Pagkasabi nun ni ate, nagsitayuan sina Tan, Tom at Onyok at dali-daling nagpaalam sa akin at uuwi na daw. Parang sinilaban ang mga pwet nila at dali-daling humarurot palabas ng kwarto. Minsang natikman nila ang luto ni ate ay nangako na silang hindi magpapabiktima sa hitsura ng mga luto n'ya. Fuck. Am I being tortured? Mabait naman ako kay ate hah. Hindi ko naman inaasar ang matalak niyang bunganga, o ang pagiging gwapo seeker n'ya. Hays. Ito na ba talaga ang destiny ng buhay ko?...s'ya na ba talaga ang ate na ibibigay n'yo sa akin?yohooooo?

Pero habang nagmumuni-muni ako ay biglang sumagi sa isip ko 'yung pangit na 'yun. Ano kaya ang magandang gawin para ang isang katulad n'ya ay umalis na sa University. Tsaka sinong nasa katinuan ang gustong makasalamuha ang isang tulad n'ya?no one. She don't deserve the University, she don't deserve the society. Dapat itambak nalang s'ya dun sa Hounted House tutal doon s'ya nababagay.

*ting*

May nag notify again.

Picture ng isang pangit na nilalang. Puta, sinong hayop ba ang may lakas ng loob na magsend sa akin ng mga nakakatakot na pictures?

I swear, I can kill you now. As in now na. Walang biruan 'to.

Naihagis ko tuloy 'yung i phone sa labas ng bintana. Instant lipad s'ya eh.

Dos, magpahinga ka na muna para kunyari ay tulog ka at hindi na matikman muli ang luto ng ate mo.

Maya-maya tumayo na ako. Pasado 7:30 pm na, pagkababa ko wala na akong nadatnan. Wala na din si ate dahil wala na ang kotse sa labas. Siguro inisip n'ya na tulog na ako. Busy din naman s'ya kaya sino ba naman ako para istorbohin s'ya.

Kinuha ko ang susi ng milyones kong sasakyan at nagmaneho pabalik sa condominium na pag-aari ko.

Nagulat nga ako kanina dahil bakit doon ako dinala sa mansyon na 'yun.

Walang tao.

Tahimik.

Nakakabaliw.

Nakakabingi ang katahimikan.


The dark pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon