Dos
Tumakbo ako hanggang parking lot. Aminado ako na sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang bilis ng paghinga ko. Dito ko nalang aantayin 'yung tatlo. Mabuti ng safe ako sa ghost na 'yun. Deserve n'ya yun dahil paharang-harang s'ya sa dinadaanan ko. Tadyakan ko pa s'ya eh!
Hindi ba talaga nahihiya ang isang impaktitang ghost na 'yun na pumwesto malapit sa'kin o kahit manlang makaramdam ng takot?kung akala n'ya nakakatakot s'ya--oo NAKAKATAKOT TALAGA S'YA!pero dapat mas matakot s'ya sa'kin dahil pagmamay-ari ng pamilya ko ang pinapasukan n'yang University. Kayang-kaya ko s'ya mapatalsik sa isang iglap lang. Hindi pa nga lang ako makahanap ng time. Wait n'yo lang.
"Ayy impaktitang ghost!!!" Hindi ko naman inasahan ang pagdating nitong tatlo. Para silang mga kampon na biglang dumating ng walang paramdam.
"Ayieeee kakakita mo palang sa kanya hinahanap mo na agad. Tara, balik tayo. Nasa room pa 'yun." Tapos humagalpak pa s'ya ng tawa. Itong si Onyok namumuro na sakin 'to. Konting-konti nalang ibabalik ko na s'ya sa tyan ng nanay n'ya. Well, hindi ko alam kung paano 'yun pero gagawa ako ng paraan at uubusin ko ang bilyones ko basta magawa ko lang 'yun.
"Oi onyok, 'wag mo pinapainit ang dugo ko dahil kanina pa talaga ako nagpipigil sa babaeng 'yun,"
"So, anung sabi?papatayin n'ya na ba ako?nagsalita ba s'ya?nagbago ba 'yung mukha n'ya?What?!tell me!" Atat na atat na talaga akong kalbuhin 'yang babaeng 'yan. Gusto ko itali sa buong mukha n'ya 'yung mahabang-mahaba n'yang buhok tapos itatapon ko s'ya doon sa Hounted House n'ya at mamuhay nalang s'ya dun ng maligayang maligaya. Bakit kailangan dito pa talaga?required ba talaga na dito s'ya maghasik ng lagim n'ya?as in dito talaga sa teritoryo ko?!
"Paranoid ka masyado eh. Halatang takot hahahaha." Oh ayan na naman si Onyok. Katayin ko 'to. Hindi ako takot. Dahil nakakatakot naman talaga ang mukha n'ya kahit saang anggulo. Parang galing s'ya sa hukay o kahit sa anong crime scene at napadpad dito sa University. Duh.
"Wala s'yang sinabi. Mukha bang magsasalita 'yun dahil binangga mo lang?" Dagdag pa ni Tan. Oo nga noh. Talaga namang hindi s'ya magrereact tsk!antayin mo lang impaktita ghost!
"Wala s'yang imik at walang ekspresyon ang mukha n'ya. Kaya kalma ka lang." Magkasamang sumakay si Tom at Tan sa sasakyan samantalang si Onyok ay umalis na din sakay ng kanyang mustang.
Syempre ako nagmamaneho na din. Alangang paiwan ako eh baka makita ko pa 'yung impaktitang ghost na 'yun. Sagasaan ko pa bigla.
Fastforward.
Nasa condo na ako.
Dito sa mamahalin kong condo ay lahat ng ilaw bukas. Mula sa view ay kitang-kita ko lahat ng ilaw sa city. Walang lugar sa condo ko na madilim kaya bawal dito ang maitim.
Pagkadating ko ay bumagsak agad ako sa mamahalin kong kama.
Bangungot kaya ito?bangungot kaya na magtagpo kami ng impaktang ghost na 'yun?dahil kung oo ay isa nga talagang bangungot.
Bakit ganun?
Ang pangit n'ya.
Hindi ba s'ya nausuhan magpagupit at sobrang haba ng buhok n'ya?kabilang ba s'ya sa sudako warriors at iniluwa ng haunted house para manakot ng mga inosente, mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobrang gwapo na tulad ko?
Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, ako pa?
Dahil ba ang gusto n'yang biktima ay
mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobrang gwapo na tulad ko?Pero,
Bakit parang sa iba normal na s'ya. Nakita tapos natakot tapos kaya naman. Bakit kapag ako nakita, natakot, natakot. Takot parin kahit hindi na s'ya nakikita. Sa presensya n'ya pakiramdam ko mamamatay na ako. Kaya naman hindi talaga, walang kahit na anong posibleng dahilan para ang isang tulad n'ya ay magpaggala-gala pa sa school. Masakit s'ya sa mata ko. Isa s'yang sakit na kinakain ang pagkatao ko.
Kinaumagahan.
Maaga ako pumasok para mag order ng coffee and sweet cake. My breakfast.
Pagkababa ko ay natabig ko ang isang batang paslit na nakapwesto pa talaga sa pinakapintuan ng mamahalin kong sasakyan.
"Oi bata!at paano ka nakapasok sa teritoryo ko?" Ang liit n'ya at masarap s'yang tirisan. Ang dumi pa, 'di ba uso ligo sa kanya?
"Teritoryo mo 'to?bakit?nasaan patunay mo na sa'yo 'to?" Aba aba. 'Yung mga ganitong bata 'yung masarap sipain nalang bigla eh.
"This is my territory ugly. Pagmamay-ari ko lahat ng nakikita mo. Saan ka ba lumabas?galing ka ba dun hah bata?" Tinuro ko 'yung basurahan sa tabi dahil doon s'ya nababagay. Psh.
"Una sa lahat, 'di ako dun galing dahil galing ako sa tyan ng mama ko. Ikaw kasi hindi ka inire ng mama mo. Blehhh" Fuck?!sino ang nagpapasok sa batang 'to. Ihampas ko kaya sa kanya 'tong mainit na coffee na dala-dala ko.
"Oi batang mukhang tae, wala ka bang manners hah. Mas matanda ako sa'yo kaya you should respect me. Hindi mo ba ako kilala? Ako yung mayaman, matalino, mabait, gwapo, may abs, maputi, makinis, matangkad at gwapo na sobra---"
"ATE MULTOOOOO!!!" Damn this ugly kid. Bigla nalang s'yang tumakbo pero huminto din.
"Pangit ka. Blehhhhhhhh!!!" Sinundan ko ng tingin kung saan s'ya pupunta at kung sino 'yung itinuro n'ya.
Fuck.
Si impaktitang ghost.
But wait, anong sinabi ng paslit na 'yun?
Pangit ka
Pangit ka
Pangit ka
Pangit ka
Pangit ka
>_< Arghhhhh!!!
Humanda ka sa'kin bata ka!malilintikan ka talaga sa'kin.
Tinitigan ko ang impaktitang ghost at ang hampas lupang paslit. Look at those ugly creatures.
Napangisi ako.
Ate?no wonder kaya hindi nagkakalayo ang mukha nila. Parehas nakakatakot at mukhang galing pa sa impakta land. Bakit ba napapadpad dito ang mga hampas lupang kagaya n'yo.
Nilisan ko ang parking lot habang bitbit ang food ko. Nadatnan ko naman si Tan na kasabay ang classmate namin na si--hindi ko alam ang pangalan basta pangit s'ya at nakapulupot pa ang braso nito kay Tan.
"Ang aga-aga kayo agad nadatnan ko." Landi n'yo!
Hindi ako nagmadaling umakyat ng classroom dahil ayaw ko makakita ng pangit na eksena.
Aga-aga kay papangit ng mga nakikita ko.
BINABASA MO ANG
The dark past
RomanceIsang araw ay napagdesisyunan ng isang ghost na lumabas mula sa kanyang haunted house, madaming gwapong nilalang ang kanyang makakatagpuan ng landas at gagawing impyerno, nakakagulat, nakakataka, nakakaimbyerna, nakakabullshit, nakakamaderpaker ang...