CHAPTER 10

6 2 0
                                    


Sa isang madilim na kalye. Patay sindi ang ilaw. 'Di rin nagbabayad ng kuryente.

"Uiii, tama ba ang nakikita ko?" sabi niya sa kasamang adik.

Isang mukhang hindi pinagpala ang babaeng nasa harap nila. Mahaba ang buhok na parang isang white lady.

Sino pa ba, edi si Luke.

"Pre, pwede na 'yan. Tigang na tigang na 'ko!"

Sabay medyo taas ng t-shirt kaya mabilis lumuwa ang malaki nitong bilbil.

Habang nagdadalawang isip na biktimahin s'ya ay wala namang pakialam si Luke. Tanging pag-iisip lang kung saan siya makakahanap ng part time job na maaring makatulong sa kanya pambayad renta. Naghanap-hanap naman s'ya pero makita lang ang presensya n'ya ay agad din s'yang tinataboy.

Mukha daw s'yang pepeng bilat.

"Hawakan mo na daliiii!!!" Nagtuturuan pa sila dahil natatakot.
Akmang hahawakan na nila si Luke ng sumulpot ang nakabisikleta sakay ang isang hunk fafa.

"Anung ginagawa n'yo?!" pagkasigaw ay agad nagtakbuhan ang dalawang adik at rapist. Si Luke naman walang lingon-lingon at hindi manlang nagpasalamat sa lalaking tumulong.

"Miss, are you okey?"  Napahinto s'ya.

"Nasaktan ka ba o may nagawa silang masama sa'yo?" 

Saglitan n'ya lang na tinignan ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata. Nagtaka si Luke. Bakit hindi sa kanya natatakot ang lalaki. Sa isang madilim na lugar, si Luke ang makikita mo?...lahat tumatakbo at nagdadalawang isip na dumaan sa dadaanan n'ya.

Tiningnan ng lalaki ang unipormeng suot ni Luke.

"Sa Elite University ka pala nag-aaral?"

Hindi s'ya pinansin ni Luke at nagdiretso na sa lakad.

"Sige, ingat ka pala. See you sa University." tapos narinig na ni Luke ang pagpedal nito palayo.

Fastforward.


Balak na ni Luke pumasok sa club dahil nakatulugan n'ya pala ito kahapon.

Binitbit n'ya ang mga ilang libro para iwan nalang sa locker.

Pagbukas n'ya.

Kinuha n'ya ang dalawang puting tela. 'Yung isa lab gown para sa General Physics at ang isa ay para sa Taekwondo Club. Pero agad s'yang napahinto ng may makapang hindi nanaisin ng kahit sino man.

Pagkakita n'ya. Tae. Parang ipinamunas ang dalawang puting tela sa ilang tae dahil sa sobrang dami. Agad din n'yang binunot ang kamay at dumiretso sa C.r

Sa hindi kalayuan, nakasilip ang isang gwapong nilalang at pumasok pa s'ya ng maaga para lang maisakatuparan ang plano. Nadismaya lang s'ya dahil ang akala n'ya magsisisigaw ito o biglang magugulat o biglang may magbabago sa reaksyon nito. Pero wala. Ang senaryo lang ay parang,

Ahh, tae.

Tapos hugas kamay. Sobrang plain. Hindi ganung reaksyon ang gusto n'yang makita.

Na late pa si Luke sa pagpasok sa club. Pinagtinginan tuloy s'ya. Pumasok s'yang naka uniform parin samantalang ang iba ay nakapag palit na ng dobok.

"Bastusin talaga, absent na nga kahapon tapos late parin ngayon."

The dark pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon