CHAPTER 13

4 1 0
                                    

Tan

Bago ako pumunta sa condo ay nagpa-order muna ako ng pagkain.

Baka nandun pa ulit s'ya.

Tinawagan ko na din si kuya na dito muna ako uuwi sa codo ng mga ilang linggo pa para hindi naman s'ya mag-alala.

Pagdating ko wala na s'ya. Umalis na kaya s'ya? Saan naman kaya s'ya nagpunta? Sa itinagal n'ya sa condo ko ng halos isang linggo ay hindi ko parin maintindihan ang problema n'ya.

Ewan, siguro baka gusto n'ya lang mapag-isa. Magkaroon ng peace of mind. Lahat naman tayo naranasang maging malungkot, 'yung kahit may tao sa paligid mo o handang makinig sa'yo ay pakiramdam mo mag-isa ka parin. Alone ka parin.

Ang drama ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Malinis ang buong kwarto. Ang mga librong iniwan ko na magulo ay naka ayos na ng pagkakasalansan. 'Yung mga pinagkainan ko, nakaligpit na din lahat at ang isang linggo kong inimbak na basura ay nawala na. Pati itong hinihigaan ko, malinis na at napalitan na din ng bagong bed sheet.

"Naranasan mo na bang hindi maramdaman ang sarili mong katawan?"

"Naranasan mo na bang mabaliw dahil sa sobrang daming katanungan ng utak mo?"

"Masakit bang masunog?"

Hanudawwwww.

Naguguluhan ako sa mga tanong n'ya. Para bang binibigyan n'ya ako ng napakaraming katanungan na nasagot na naman n'ya...o gustong mas masagot pa. Bakit ganun?bakit may mga taong ipinanganak na magulo ang bungo?

Sa loob ng isang linggo ay sinasamahan ko s'ya mag-inom.

Magsisigaw.

Magbunganga.

Mag-inarte.

Tapos iiyak.

Parang tanga lang ang isang tulad n'ya. But,

"I miss you."
.

.

.

Luhh O_o

Baliw na ba ako?erase erase erase. Nawawala na naman ako sa katinuan oh. Hala s'ya.

"Oi, Tan!tigil-tigilan mo katalandian mo." Sinampal sampal ko pa sarili ko. Hays, Wala lang akong magawa eh.

Hmmm.

Pero saan kaya s'ya nagpunta?

Luhh. Potekkkk bakit ko ba iniisip ang isang tulad n'ya. Siraulong utak 'to hah!

*pokkkk!*  sinapak ko sarili ko.

Tsk.

Maiba ako.

Maalala ko nga pala ang nangyari kay Dos at Luke nung Friday. Ang ending ay parehas silang napatawag sa Guidance office.

Isang linggong suspended si Dos. Kakatawag ko lang sa kamahalan kanina at puro mura ang gago. Puro rant. Suspended din si Luke ng 3 days dahil sa pagbato n'ya ng libro kay Dos at pagtulak n'ya kay Doc. Giliggan. Speaking of libro pala, hindi ibabalik ni Luke ang mga libro nito hanggat hindi pinapalitan ang mga nasira nitong libro sa kanya. Syempre kung ako si Dos ay bibilhan ko na agad si Luke dahil bukod sa mukhang ipapasalvage ka na nito ay magiging sayang ang mga pinaghirapan n'yang activities sa libro. Pero ayun, nagulat ako ng ipinagtanggol daw ito ni Doc. Kinampihan si Luke at ang totoong may kasalanan daw ay si Dos dahil hindi naman daw mananakit si Luke kung hindi sinira ni Dos ang mga libro ni Luke.

The dark pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon