SATURDAY
Maagang gumising si Luke para maghanap ng part time job. 'Yung malapit lang daw sana sa tinitirhan n'ya, mabait na amo, hindi madaldal na katrabaho, may karampatang sweldo, madilim, hindi puntahin ng customer, tahimik.
Oh diba!abnormal.
Ako nanggigigil na hah. Itatakwil ko na 'to. Charot lang.Tahimik muling tinatahak ni Luke ang daan palabas ng tinutuluyang maliit na apartment. Kahit hindi gabi at tirik na tirik pa ang araw sa kalangitan ay parang pang palubog na liwanag ang dala-dalang presensya ni Luke.
Ilang araw pa lang s'ya sa apartment na iyon ay may iilan na ang nagsialisan dahil natatakot daw sa posibleng mangyari kapag dis oras ng gabi.
*PIIIIIT PIIIIIIT*
Sa hindi inaasahang pagkakataon. Muntik ng masagasaan ang bida.
Oh diba!dapat pinatay ko na yan!hihi joke.
May isang lalaki ang tumulak sa kanya patabi dahilan para sila ay parehas na bumagsak sa sahig. Aba, pangwattpad ang peg ng mga loko.
Ilang segundo pa s'yang natitigan ng lalaki. Si Luke naman ay walang ekspresyon at talagang nahaharangan ng buhok ang kanyang mga mata.
"Ayy!" Sabay tayo ng lalaki dahil doon n'ya lang naalala na nakapatong pa s'ya kay Luke.
Inabot nito ang kanyng palad sa babae para tuluyang makatayo pero hindi ito pinansin ni Luke.
"S-sorry Ms. Nasaktan ba kita?may masakit ba sa'yo?" Tinalikuran na s'ya nito at nagsimulang maglakad.
Samantalang sinundan s'ya ng lalaki.
"Btw, dalawang beses na tayo nagkita ah. Tama!you're that lady. Hmm, I think dito ka rin tumutuloy. Malapit lang din ako dito eh." Tapos ngumiti s'ya. " Hehe share ko lang." Sobrang gwapo n'ya tapos may dimples pa s'ya at ang kanyang mga mata ay nag sha-shape moon. Nekekeenleb.
Patayin ko na kaya 'tong si Luke sa istorya. Now na. Ipasagasa ko na ba s'ya sa ten wheeler? Wala ng silbi eh. Choss.
"Sa Elite University ka nag-aaral right?'dun din ako eh." Tatango-tango pa s'ya. Grabe, napakadaldal naman nito. Daming share sa buhay.
"May hinahanap ka ba?gusto mo tulungan kita?kung may maitutulong lang naman hehe." Tapos kamot ulo.
Habang naglalakad sila ay napahinto sandali itong si Luke dahil sa nakapaskil na 'Job hiring' sa may poste. Agad na tiningnan ang detalye at parang kumbinsido ito na kuhain o applyan agad ang trabaho.
"Hala. Ui, 'wag ka maniniwala dyan. Kabisado ko na ang buong lugar dito at ilang taon ko na nakikita 'yan. Tsk tsk." Umiiling iling pa ito at ngumiti ng malaki dahil sa naisip na ideya.
"Ahhhh. Naghahanap ka pala ng trabaho! Sana sinabi mo agad kanina hehehe. May alam ako, gusto mo ba malaman?" Walang ekspresyong tumango si Luke. Hinihiling na sana may kwenta ang pagsulpot ng bagong karakter.
"Hmm, Ako nga pala si Lucas. Ikaw si?"
Ayy nako, 'wag mo na tanungin 'yang si Luke. Mapapagod ka lang. Mas gugustuhin mo pang mag antay na pumuti ang uwak.
Mga ilang oras bago ito sumagot. Charot. Minuto lang. 5 minutes.
"Luke" Pero as expected sobrang hina ng boses nito, mas malakas pa boses ng langgam eh.
"Huh?Luz?" Pag-uulit ni Lucas.
"Wow, ang ganda pala ng name m-"
"Luke"
"Huh?Lut?nuksss aganda ah. Medyo unique. Parang Lut-lut diliyon." Hindi nalang pinansin ni Luke ang kabingihan ni Lucas. Oo nga eh. Basta kapag ikaw ang kumausap kay Luke, asahan mo na ikaw ang bingi.
BINABASA MO ANG
The dark past
RomanceIsang araw ay napagdesisyunan ng isang ghost na lumabas mula sa kanyang haunted house, madaming gwapong nilalang ang kanyang makakatagpuan ng landas at gagawing impyerno, nakakagulat, nakakataka, nakakaimbyerna, nakakabullshit, nakakamaderpaker ang...