CHAPTER 1 - III-Ruby

114 4 7
                                    

***************************************************

Sabi nga nila, hindi naman masamang magkamali. Unang una sa lahat, walang taong perpekto. Pangalawa, dun ka nga matututo eh. Sa mga pagkakamali.

But you must be ready for the consequence of what you did. 

**

CHAPTER 1. 

"Oy. Mico!!!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto niya. Nakoo. Antagal ah. 

"MIC--"

Nagbukas ang pinto.. Sa wakas!

"Ano ba?!" Inis niyang bati sa akin.

"He-he. Ipapaalala ko lang sayo na kelangan kong maaga gumising bukas.. Ayokong malate sa first day." ;)

"Tss. Bumili ka kaya ng alarm clock. " 

"Meron naman sa bahay kaso walang battery. Isa pa, di ko rin naririnig eh. Kaya.. Ikaw nalang, please?" Konting pa-cute lang.. Papayag na din 'to.

"Yuck. Ayi. Wag mo nang uulitin yang pagpapacute mo. Nakakadiri!" 

"Sus! Kadiri daw. Pumayag ka na kasi.." Konting pilit nalang! "Please... Please?"

"Oo na. Tss. May magagawa pa ba ako? Wag ka kasing magpupuyat sa gabi, para hindi ako nahihirapang gisingin ka." -__-

Sabi na eh! Papayag din! HAHA. "Hindi na po! Thank you! Ge, alis na ako. " ^_^

"Mabuti pa nga." At sinara na niya yung pinto. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to.. Napakasungit sakin! 

Siya nga pala si Mico. Childhood friend. Kapitbahay. Schoolmate. Compared to me, mas matured siya. Kaya nga tiwalang tiwala ang mga parents ko diyan eh. 

Pano ko nasabing tiwalang tiwala? Eh kasi.. Pinayagan lang ako ng nanay ko na lumipat ng apartment kasi nalamang kapitbahay ko 'tong lalaking 'to. Tss.. 

Wag niyo na nga lang pansinin yung masungit kong kapitbahay!

Tumakbo na ako papuntang apartment. 

Ay. Nga pala, Aisha. Aisha Marie Anderson ang pangalan ko. I'm 16 at 3rd year student na bukas. 

Mag-isa lang ako dito sa apartment. Bakit? Uhh.. Ayoko kasi magdorm. Kaya nag-apartment nalang ako. At alam niyo na naman, mas gusto yun ng nanay ko kasi kalapit lang ng bahay ni Mico. 

Ang parents ko? Nasa Dubai. OFW. Wala naman akong ibang kapatid kaya wala talaga akong ibang choice kundi mag-isa. 

Nako! Tama na nga ang drama! Magliligpit nalang muna ako dito. Napakakalat eh! 

MICO's POV.

Pinagsarhan ko na ng pinto yung babaeng yun. Aba! 7 taon ko na ata inaalagaan yung babaeng yun! At ngayon?! Gagawin pa akong alarm clock?! PSSHH! Napakahirap pa naman nung gisingin! Tulog mantika! Tapos ang epic pa pag natutulog! Hahahaha!

"Hoy, kuya! Bat ka nangingiti diyan?" Kapatid ko yan, si Nica. 

"Ano? Hindi naman ah!" 

"Suuus! Hindi daw. Galing ba dito si Ate Ayi?"

Ano namang kinalaman ni Ayi dito?

"Oo. Bakit?"

"Aaahh. Kaya pala." Tumango tango pa siya.

"Anong kaya pala?" 

"Wala naman. Kain na tayo. Hihi. " At tumawa pa ng nakakaasar. Autistic ata kapatid ko eh. -__-

He's Killing me ♔ *Hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon