Mico ---->
CHAPTER 10 - Bad Vibes
"Oh! anong mukha naman yan, Aisha Marie? Break na kayo ni Mico?" Nagtatakang tanong ni Jazz sakin. Nasa likod niya si Naomi, kaibigan din namin.
"Anong break ka diyan?!" Pinalo ko siya nung unang bagay na naabot ko. "Di nga kami eh."
"Oh, disappointed ka naman?" Umupo siya sa isang arm chair at lumapit sakin.
"Isa pa, Justin Neil. Di na nakakatuwa." Pagbabanta ko.
"Hahaha. Di ata, Jazz eh. Balita ko kasi, may eksena siya kanina" Natatawang sabi ni Naomi.
"Please lang, Naomi. Wag mo nang ipaalala. Psh." Sabay tungo sa mesa. Waah! Nakakahiya lang!
"Eh? Nahuli aketch sa chikabels?!!" Natatarantang tanong ni Jazz. "You make kwento nga, Naomehh!!"
"Eh. Ayoko. Busy ako." Poker faced na sagot ni Naomi. -__-
"Kelan ka pa naging busy ah?"
"Ngayon." Nag-belat siya saka niya nilabas yung libro niya. Ay naku! Bookworm.
Ay! Sorry! Nakalimutan ko palang ipakilala. Si Naomi Elize Reyes and Justin Neil Ocampo.
Si Jazz, bading na ewan. Gwapo kaya yan, tagilid nga lang. Pano at kelan kami naging close? Ewan ko din eh. Ang alam ko nalang, siya na ang taga-ubos ko ng pulbo at suki ng salamin ko.
Si Naomi naman, president ng klase, matalino, & bookworm. Nakakapagtaka nga kung bat eversince, Section two lang siya. Eh matalino nga. As in, mamaw yan. Sa Math, Science, English, AP, Greek Mythology, At kung ano pa. Baka ayaw sa star section. Hmm.. Pero kahit ganun, sobrang bait neto. At sobrang saya kasama! Nakikisakay sa mga trip. AT! HAHAHA. Napunta na rin kami sa Guidance Office kasi makalokohan kami. Beat That! Wahahah. >:D
Nilabas ko yung phone kasi nagvibrate. May nagtext ata. Buti nalang wala nang nakakaasar na ringtone. -__-
FROM: Gwapo
Ingatan mo yan, naawa na ako sayo.
Naawa daw? Tss.
AY WAIT!
Naalala ko na! ETO YUN! ETO YUNG EXACT PHONE NA NAKITA KO KAY RAN! YUNG PINK!!
BV! EH AKO NAGBAYAD NETO AH!!
Psh. Sakin lang pala ibibigay, pinaabot pa ng dalawang buwan. -___-
"Ay! Beki! May phonybels ka na?" Nagtatatalong tanong ni Jazz.
"Obvious ba?"
"Aba baka mamaya hiniram mo lang yan noh. Teka, parang familiar sakin eh."
"Oh talaga? Parang lang. Naomi! Pengeng number mo." Sabay abot ng cellphone kay Mimi. Naks! Feel na Feel ko yung cellphone ko! HAHAHA. KO TALAGA! AKO NAMAN BUMILI EH! REMEMBER, 2 MONTHS AGO?! :p
Natatawa niyang Kinuha niya yung phone ko at nagtype na ng number.
"Wow friend ha. Talagang inuna mo pa yung number ni Mimi kesa sakin? Grabe. Samantalang nagtatatalon na ako dito kasi makakapag-communicate na ako sayo. Tapos ganyan? Ganyan?! Grabe." Pagddrama nya sakin.
"Ang arte mong bakla ka." Inabot ko sa kanya yung cellphone ko. "Di makapag-intay? Oh ikaw naman magtype."
"Tss. Chaka mo. Parang napilitan ka pa nang lagay na yan eh."
"How did you know? Arte arte ka pa dyan. Kung ayaw mo, di wag." Sabi ko, sabay belat. :p
"Joke lang friendship. Akin na yang phoneybells mo." Sabay agaw sakin ng phone. Haha. Arte pa!
BINABASA MO ANG
He's Killing me ♔ *Hiatus*
Teen FictionA selfless neighbor. An arrogant roommate. Aisha also known as Ayi, a junior student , lives alone right next door of her childhood friend, Mico. Separated with her parents, Aisha became so dependent to Mico. Then one day, just because of one wrong...