CHAPTER 4 - Whoah

65 4 3
                                    

Nagmamamadaling tumakbo si Brix. Hindi dahil sa malelate na siya sa skwela. Kung tutuusin nga'y maaga pa siya para sa flag ceremony. Pero nagmamadali talaga siya. Bakit? Uhh.. Wala lang. Trip lang niya.

Joke. Didiretso kasi ito kina Mang Jim, ang pinakamalapit na tindahan sa Eskwela, para bumili ng umagahan. Kanina pa kasi ito nagugutom.. Uhh. Kagabi pa pala. Masama parin ang pakiramdam nito.. Ngunit mas ramdam parin niya ang kalam ng sikmura.

Sa kabilang daan nama'y mapapansin ang busangot na mukha ni Aisha Marie. Nasa likod naman niya si Mico na di mapigil ang tawa dahil sa stressed na mukha ng kaibigan. 

Ganito sinimulan ng ating mga bida ang umaga nila. Bakit?

...

...

...

CHAPTER~ 4

AISHA's POV

Define Eye bags. 

Okay. Wala naman akong eye bags. Sako kasi 'tong akin. Eye sacks. Tsk. Waaah. Ang korni ko talaga. -_-

"Wag mo na ngang titigan yang salamin! Mababasag lang!" Pang-aasar pa sa akin ni Mico. Edi siya na hindi napuyat sa pagrereview!

"Oo na. Tara. Pasok na tayo." At lumabas na kami ng unit ko. Bakit nasa loob ng unit ko si Micoy? Pinipilit niya kasi akong pumasok. Eh balak ko nga, wag na. Bangag na bangag kasi ako. Pero.. Pinilit padin niya ako. Sayang naman daw nireview ko kung di rin naman ako mag-eexam . -__- Sus! If i know, gustong gusto nalang nito ang malalaki kong eye bags. -_-

"Ayan ang napapala ng mga GC."  Pang-aasar pa sakin habang naglalakad kami. -___- [GC- Grade Conscious]

"Ikaw nga, nerd eh. Kaya di ka magka-girlfriend eh." Mahina kong sagot.

"Hoy! Kapal mo ah. Ikaw nga, di na nga nerd wala paring boyfriend eh." Pagtatanggol niya sa sarili.

Nanahimik nalang ako. Wala na talaga akong energy para makipagtalo sa kanya.

******

Nakatulog ako sa unang subject. Buti nalang, mabait teacher namin dun . Kaso, nung PE na, Si Sir Punzalan, yung next teacher namin at naabutan akong natutulog! Langya!

"Miss, what's your name?" Tanong niya sa akin nung nagising na ako.

"Aisha po." Nahihiya kong sagot.

"Aisha, 10 push ups. Now." 

What?! "Sir, nakapalda po ako."

"It doesn't matter. Dun ka sa sulok. Ayokong may natutulog sa klase ko."

'Eh ano? Hindi naman ako natulog sa klase mo eh! Sa klase nga ni Madam Tizon ako natulog eh.' Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya. Kaso baka yung 10 push ups ko, maging 100 pa. Kaya..Wag na.

"1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 6.. 7.. 8.. 9.. 10.. "

Pagkatapos nun, bumalik na ako sa pwesto ko. At, infairness.. Nagising diwa ko. Nice!

Then nagklase na siya. 

*BREAK*

Sabay ulit kaming nagbreak ni Lianne. Kumain ako nang marami at uminom pa ng kape. Feeling ko naman, gising na gising na diwa ko kaya okay na din.

5 minutes before Physics ako bumalik ng room. Kaso..

"ARAY!! $hit!" Naramdaman ko yung init ng liquid na natapon sa akin. Nagkulay pa yung natapon na yun sa blouse ko. Tinignan ko yung mukha nung kung sinumang nakatapon ng Kape sa akin.

He's Killing me ♔ *Hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon