AN: Comment naman kayo para masaya. ^_^
Dedicated sa kanya. Wooh! First reader and voter and comment-er ko siya. LOL.. HELLO POOO!! :) :"> >HUGS<
CHAPTER~ 3
BRIX's POV.
Bigla naman akong nakaramdam ng awa para dun sa babae kanina.. Napansin ko kasing kanina pa yun nagsusulat. Para san? Eh hindi ko alam. Tapos kaninang umaga, natisod ko pa siya. Nakonsensya naman ako dahil hindi man lang ako nag-sorry sa kanya.
EH ASA PA SIYANG MAG-SOSORRY AKO SA KANYA! EH TNGNA! PINAPAMUKHA PA ATANG BOBO AKO. BAKIT? MASAMA NA BANG TUMALINO KAHIT ILANG PERCENT LANG? TAENA.
MASAMA NA BANG LUMEVEL UP NANG KONTI?!
Pero.. Seryoso, hindi ko sadya yung pagkatisod niya kanina. Pati na rin yung pagkatapon ng kape ko. Ewan ko ba. Parang di ko kasi mawarian yung pakiramdam ko. Simula pa 'to kaninang umaga, pagkagising ko.
Masakit yung ulo ko at parang nahihilo. Kaya di ko sadya yung kanina, nainis lang talaga ako sa kanya kaya hindi ako nag-sorry. Psh.
Ah. Teka nga. Nakalimutan kong magpakilala. Ran Brix Gonzales. 17 years old. Wala na akong maidagdag.. Ah! Nga pala, member ako ng Rolling Stones. Banda yun, na madalas tumugtog sa Chum Bucket. (Oo. Yung katulad ng sa cartoons. Big fan ata ng spongebob si boss.)
"Oh, Tol. Ayos ka lang?" Tanong ni Sabs sakin. Sabrina talaga pangalan niya eh. Pero Sabs nalang para astig!
"O-okay lang naman ako."
"Sure? Inom ka nalang ng tubig." Sabay abot niya sakin ng bote ng mineral water.
"Thanks."
"Osige. Sige. Mag-ayos ka na. Tutugtog na tayo maya-maya." At naglakad na siya paalis.
***
"Ill be your shelter
Ill be your storm
Ill make you shiver
Ill keep you warm
Whatever weather
Well baby Im yours
Ill be your forever, Be your fling
Baby I will be your everything "
At yun na ang pangatlo naming kanta. Oh ano? Naniwala na kayong member ng banda? Dapat lang!
Nga pala, si Sabs na kausap ko kanina eh yung vocalist namin. Ako sa Lead guitars. Si Lee yung sa Bass. At si Harold ang drummer.
Blah blah.. Dalawang kanta pa. Inaantok na ako.
Next song, teenage dream. Yung kinanta ng textmate ko na si Katy. Tama kayo. Textmate ko nga. Nanliligaw pa nga eh.
Pero siyempre, joke lang yun.
Darn! Sasabog na ata ulo ko sa sakit!
"Hello! Buhay pa ba kayo?" Tanong ni Sabs sa crowd. Sumagot naman sila ng "Yeaaaah!"
"Buti naman! How are you doing ladies? Ehem.. Alam ko namang yung ilan dito eh dumadayo lang talaga para makita ang mga papable kong bandmates." Natawa naman ang karamihan. Napailing nalang kaming mga kabanda niya.
"Well.. For a change, why not let the lads sing?"
Natuwa naman ang mga babae. Teka. Teka. Kami ang kakanta?!
"Sige, sino bang gusto niyong marinig kumanta?"
May ilang sumigaw ng 'Brix', 'Lee' at 'Harold'. Meron ding 'Lahat nalang!'
BINABASA MO ANG
He's Killing me ♔ *Hiatus*
Teen FictionA selfless neighbor. An arrogant roommate. Aisha also known as Ayi, a junior student , lives alone right next door of her childhood friend, Mico. Separated with her parents, Aisha became so dependent to Mico. Then one day, just because of one wrong...