CHAPTER 6 - Now.. What?
--
"Okay. Payag na ako. Pwede ka nang tumira dito pero hanggang kailan?" Pagsisimula ko ng usapan.
"Hanggang makaipon ako at mapaayos ulit yung bahay ko." Pa-cool niyang sabi.
"At kelan naman yun? Pano ka pati makakaipon?" Pag-uusisa ko.
"6 months? 7 months? 8 months? Or maybe, a year, i guess? Wag kang mag-alala, may trabaho ako." Pagmamayabang niya.
"One Year?!! No. No. No. 5 months. 5 months ang maximum mo na pagstay dito."
"Grabe naman yun! Ipapaalala ko lang sayo, bahay sinunog mo, make it 8 months. Oh, 9 months."
"9 months? Tss. Fine. Siguraduhin mo lang."
"Good. Wala ka na bang pagkain?" He asked.
"Wala! Patay gutom ka ba?"
"Tss." Siniringan niya nalang ako at humiga na sa sofa. Naks! Feel na feel niya lang talaga, ako talaga ang bisita dito eh!
Pumasok na ako ulit ng kwarto. Kumuha ako ng filler at ballpen. Tapos labas ulit.
"Hoy, lalaki." Sabi ko.
"Bakit?" Sabi niya nang hindi tumitingin. Nakahiga parin siya at nakatakip ang braso sa mata.
"House rules." Sabay padabog na inilapag sa mesa sa harap niya yung filler at ballpen na dala ko kanina. "Tutal, wala na talaga akong magagawa sa ilang buwan mong pagtira dito, mahalaga na mayroon tayong do's and dont's. Mga rules. At ang first rule na gusto kong iimplement ay, hmm. Ako ang matutulog sa kwarto, ikaw naman, dito sa sala. Diyan sa sofa. Kumportable ka naman diyan di ba?" At umupo na ako sa vacant seat.
"Ayoko. I object. Hindi pwede. " -__-
"Baki-" Aish! Oo nga pala! Hindi nga siya pwede dito sa labas! Baka makita siya ni Mico, mapapatay ako nun! GULP. No! No! "Oo nga, hindi ka pwede dito, pano yan? Sa kwarto ka din?"
"Hindi lang sa kwarto. Sa kama mo." Mariin niyang sabi at bumangon na siya sa pagkakahiga at naupo na.
"WHAT?! Manyak ka! Bakit sa kama ko pa?!"
"Tch. Anong manyak dun? Andumi ng utak mo. Sa kama ako, sa lapag ka. Okaya dito sa sofa."
"Abaa! Kapal mo din kuya ah. Bahay ko parin 'to noh!"
"Gusto ko kasi yung kama mo. Kasya ata ang 6 na tao dun eh."
"Wala akong pakialam kung may gusto ka sa kama ko, basta ang akin lang, AKO ang matutulog sa kama. Kuha mo?" Inemphasize ko pa yung 'Ako' .
"Ako! Ako ang biktima dito di ba? Makonsensya ka nga."
"Fine! Ididivide natin ang kama. Kung saan lang ang teritoryo mo, dun lang. Walang pakialamanan. Okay? There, first rule, Privacy. "
Mukhang di naman siya tumutol.
"Pagdating naman sa gawaing bahay, para fair, salitan tayo, for example, Monday, ikaw magluluto at maglilinis, maglalaba, maghuhugas ng pinggan at kung anu-ano pa. Then, sa next day, ako naman. Got it? Therefore, second rule, equal distribution of labor."
Tumango lang siya.
"Next, bills. Share tayo sa mga bayarin, okay?"
"No. Dapat libre akong titira dito."
"W-what?! Excuse me, sir. Wala nang libre ngayon."
"Well, ngayon, meron na. Alalahanin mo na ako na ang mag-iipon para sa pagpapaayos ng bahay ko. Kung magbabayad pa ako sayo, baka wala akong maipon diyan."
BINABASA MO ANG
He's Killing me ♔ *Hiatus*
Teen FictionA selfless neighbor. An arrogant roommate. Aisha also known as Ayi, a junior student , lives alone right next door of her childhood friend, Mico. Separated with her parents, Aisha became so dependent to Mico. Then one day, just because of one wrong...