CHAPTER 9 - Your Call

73 3 6
                                    

CHAPTER 9 -

AISHA's POV

"Chi. Uhh.. Bakit mo inaamoy yang lunch box mo?" @_@ Tanong ni Lianne sakin. Sabay kasi kami ngayong maglunch.

Ibinaba ko yung kanin ko at tumingin sa kanya. Narealize ko na ding ang weird ng ginawa ko. Facepalm.

"Wala lang. Naninigurado lang na walang lason."

"Tsk. Weird ka talaga. Bakit ka naman lalasunin ni Mico? Nako. Sinasabi ko na nga ba eh! Nahahawa ka na diyan sa Justin na yan. Wag ka na ngang dumikit dun!" >:|

Natawa ako dun sa sinabi niya. Bitter talaga 'tong bestfriend ko sa bago kong friendship na si Jazz (gay friend, mas prefer niya ang Jazz kesa Justin kaya naman pagbigyan na natin). NagSeselos 'daw' kasi si Chi sa biglang bond namin ni Jazz. 2 months palang kasi kaming magkakilala pero uber close na kami , alam na ang likes at dislikes. Pati mga secrets - but of course di kasali sa 'secrets' na yun yung pagtira ng monster sa bahay ko. Alam niyo naman, ayoko talagang may ibang makaalam.

Possessive ang pinakamamahal kong Chi. Kaya naman nagseselos siya kagad pag may bago akong ka-close. Lalo na't sobrang bihira lang ako makipag-interact sa iba. Shy type eh. Kaya naman pag naging close tayo, eh i really really like you.

"Chi naman, masyadong jelly." Pang-aasar ko pa.

"Ewan ko sa'yo. Ganyan ka naman eh. Pinagpapalit mo ako."

"Ayan ka na naman, Drama Queen."

"Grabe ha, minsan lang kaya!" Pag-dedefend niya sa sarili.

"Haha. Joke lang." Sinimulan ko nang kumain. Feeling ko kasi, walang lason or kahit anong nakamamatay ang nilagay dito ni Ran.

Yeah. Heard that right. Ran. Yung crush ng bayan (Eww!) .

Siya kasi nagprepare ng lunch ko. Ops! Ops! Wag mag-isip ng kung ano ah! Kinain niya kasi yung supposed to be lunch ko na inihanda ni Mico. Brunch na daw niya yun. Kaasar! Masarap pa naman yun! Kaldereta! T.T

Kaya naman pinagluto nalang niya ako ng lunch.

At ang pinalit? Hotdog. Wow. Hotdog. Hiyang hiya naman ako di ba?! Ang sarap sarap ng Kaldereta tapos Hotdog lang ipapalit. -__-

2 months na rin lumipas. Start na pati ng second grading ngayon. 2 months na akong tumitira kasama ng mokong na yun . At kung tatanungin mo ako kung kumusta ang buhay ko ngayon kasama ng lalaking yon?

Well.. 2 buwan na din kaming nagpapatayan.

Gaya kanina, dahil nga si Ran ang nagprepare ng lunch ko, nanigurado na akong walang lason or kahit anong nakamamatay na idinagdag sa pagkain ko.

Bakit?

Nakaka-trauma kaya! Malakas ata saltik netong si Ran eh. Akalain mo, nung nakalimutan kong pagbuksan siya ng pinto nung isang sabado, nilagayan ng sandamakmak na asin (Iodized pa ah.) Sa kanin ko! Sukang suka talaga ako nun!

Tapos nung nainis siya sakin dahil sa pang-aasar ko eh, nagluto siya ng dinner at yung sunog na ulam pinakain sakin!

Nung napatagal naman ako sa CR, Aba't nilock ba naman ako sa loob! 30 minutes din bago ako pinagbuksan! Waaah! Abnormal siyaaaa!

Kaya wag niyo akong sisihin sa pag-amoy ng pagkain, ahkey? Weird mang tignan eh, Naninigurado lang!

Pansin ko lang dun sa lalaking yun, puro kalokohan sa bahay pero pag sa school, parang galit na galit sa mundo. Takot ngang lumapit sa kanya yung mga babae, kahit sobrang kinikilig sila sa presensya nung panget na yun. Ang mga lalaki naman, di nalang siya pinapansin. Weird noh?

He's Killing me ♔ *Hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon