CHAPTER 2~
AYI's POV.
WALA NA. SIRA NA ANG 3RD YEAR LIFE KO. UNA, WALA AKO SA PILOT SECTION. HINDI KO NA KAKLASE SI CHI. AT PANGALAWA, KAKLASE KO PA 'TONG BRIX NA 'TO!! AH BASTA PAG TUNGKOL KAY BRIX, UMIINIT NALANG BIGLA ANG DUGO KO AT GUSTO NALANG TALAGANG SUMABOG NG BUONG SISTEMA KO.
WOAH. KUMALMA KA.. Kumalma..
"Ah ganun ba? Sorry ah?" Yun nalang ang nasabi ko. (Labag na labag pa yan sa kalooban ko -__-)
Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa tapos pumasok na rin siya sa classroom.
Malas ko naman!
***
Umupo nalang ako dun sa vacant seat sa may unahan. Ayoko kasing makalapit yung Brix na yun kaya kahit may bakante pa sa likod (kung saan ako pumasok), sa harap ako pumwesto.
"Ayan na si Sir! Kyaaaaah~" Narinig kong sigaw ni Hannah. Pati ba naman siya kaklase ko? Tsk. Ang arte pa naman masyado niyan!
Nakita ko namang sumilip pa si Faye sa may pinto. At sumigaw ng 'OO NGA!' Wow. Pati pala 'tong madaldal na 'to. Great. Just great.
Dahil sa announcement ng dalawa, napaayos yung mga nagkakagulo kanina. Napatigil sa pagdadaldalan yung mga babae at natapos na rin ang umagang jamming ng mga lalaki. Kanya kanya na silang hanap ng upuan.
Sabay pasok ng isang teenager na lalaki. T-tekaa.. T-teacher ba 'to? o.O
"GOOD MORNING, RUBY." Pagbati niya nang marating ang teacher's table.
Tumayo naman kami at binati siya. "Good morning, sir.. ?"
"Sir David Santos, your adviser."
Then he flashed a smile. Heto namang mga kaklase kong babae, sa pangunguna nina Hannah at Faye, bigla nalang kinilig. Tss.
"O-okay.. " Awkward na sabi ni sir. "Maupo na nga lang kayo." Natatawa pa niyang sabi.
Ano ba naman 'tong mga babaeng 'to. Pati ba naman teacher? Mga walang patawad!
Tinignan niya kami isa-isa.
"Okay.. Simulan natin sa pagpapakilala. Hmm. Ako nga muna.. As I've said, I'm David Santos, your Analytic Geometry teacher and at the same time, you're adviser. I'm 21. First time ko lang magiging teacher dito at sumaktong adviser niyo pa. So please bear with me.. At saka... Yun lang. Questions?"
Tinaas naman kagad ni Faye ang kamay niya.
"Yes?" Nakangiting tanong ni sir.
"May Girlfriend ka na po ba sir?" Pacute pa nitong tanong. HALA.
Natawa pa nang mahina si sir. "Wala.. Ata?" Patanong niyang sagot..
FAYE: Wala daw!
HANNAH: Oo. Narinig ko! Kyaaah!
FAYE & HANNAH: Ermehgeeeeddd!!!!
At nag-apir pa ang dalawa. Abnormal talaga 'tong mga 'to.
"Wala na bang tanong?"
Tumahimik naman ang klase na parang nagsasabing 'wala na po'. Itong mga 'to.. Sa Status lang ni sir interesado.. TSK. Kaya mapaghalataan ee. "Sige.. Mukhang wala na nga.."
Bumaling si Sir sa akin. "You're turn, Miss?"
Medyo buffering pa ako nung una pero nung nagets ko na rin na ako na yung mag-papakilala, eh tumayo na rin ako.. "Ayi po. Aisha Marie Anderson. 16."
BINABASA MO ANG
He's Killing me ♔ *Hiatus*
Novela JuvenilA selfless neighbor. An arrogant roommate. Aisha also known as Ayi, a junior student , lives alone right next door of her childhood friend, Mico. Separated with her parents, Aisha became so dependent to Mico. Then one day, just because of one wrong...