Chapter 10

950 42 0
                                    

Pagkarating ko ng bahay ay nakapark ang kotse ni veron. Mukhang maaga siya ngayon. Tahimik ang buong bahay ng pumasok ako. Siguro ay nasa kuwarto na siya. Inilapag ko ang suit ko sa sofa at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig.

Pagkatapos kung uminom ay inilagay ko ito sa sink pero bago pa man ako makaharap ay naramdaman kong may yumakap saakin patalikod.

Sa cologne palang niya, kilala ko na kung sino ito.

"Akala ko hindi ka na uuwi" Sabi niya.

"Kanina pa dapat ang off mo" Sabi pa niya.

Kinalas ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at iniharap siya saakin saka sumandal sa sink.

"May nangyari lang" Sabi ko.

Kinuha ko ulit ang kamay niya saka iyon hinawakan.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko.

umiling naman siya bilang sagot.

Habang nakangiti siya ay hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang mukha niya.

Oo, palagi ko nang nakikita ng malapitan ang mukha niya noon pero walang epekto nun saakin pero ngayon pagtinitignan ko siya parang sumisigla ulit ako.

"Can you hug me?" Tanong ko. Tumango naman siya saka yumakap saakin.

"Do me a favor" Sabi ko.

Itinangala niya ang kanyang ulo para tignan ako.

"What is it?" Tanong niya.

"Like what I've said, stay by my side no matter what happen" Sabi ko.

Tumango-tango naman siya.

"I will" tugon nito.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sakanya.

GUMISING ako ng masaya dahil sa nangyari kaninang gabi. Buti at maayos na kami ni veron.

Kinuha ko ang cellphone ko pero wala pa ring text o tawag si tita. Hayssst, kailan na kaya siya uuwi?

Bumangon ako at naligo pagkatapos ay inayos ko na ang sarili ko saka bumaba.

Nakaupo si veron sa sofa habang nagkakape. Linapitan ko siya agad saka hinalikan sa noo.

"Goodmorning" bati ko sakanya.

"Goodmorning rin" bati niya saakin.

Tinignan ko ang suot niya, may pasok ba siya? Tuesday ngayon.

"May pasok ka?" Tanong ko.

"May kailangan lang kaming imeet ni Rex na designer" sagot niya.

"saan?" Tanong ko.

"Malapit lang, huwag mo na akong ihatid"  sagot niya.

Tinignan niya ang wall clock saka tumingin saakin.

"Kumain na muna tayo bago ka pumasok ng opisina"

Masaya kaming kumain ni veron pagkatapos ay pumasok na ako.

Pagkarating ko ng opisina ko ay nandun si prosecutor Lucas.

"Like what you've asked me last night. Liam Cuangco was a classmate of your wife back then. " panimula niya.

"Ano pa? " Tanong ko.

"In the other side of the CCTV footage, kotse ni Liam ang ginagamit ni Sebastián pagpumupunta siya ng Nori" sagot niya.

"Nakita niyo ba siya sa CCTv footage?" tanong ko.

The Curse Of Mr. Velasquez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon