Hindi natuloy ang Compensation Date namin ni Irene kahapon dahil sa hindi maganda ang pakiramdam niya.
Siguro ay nagbatuhan sila ng masasamang salita ng kuya niya kahapon.
Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pintuan ng kuwarto ko. Agad na tumayo ako para pagbuksan ito pero walang tao.
Pinuntahan ko kaagad ang kuwarto na tinutuluyan ni veron at pinihit ang door knob. Bukas siya.
I opened the door completely and saw nothing but the arranged bed of her.
Tinignan ko ang wristwatch ko. It's exactly 8 am, sugurado ay nasa trabaho na yun.
Bumalik kaagad ako ng kuwarto at kinuha ko ang baril ko sa drawer ng table bed ko saka naglalakad pababa.
Pagkababa ko ay normal ang lahat, walang anumang tanda na pwede kong makita kung may pumasok ba rito.
Bumalik ako sa taas at kinuha ang mga Documents ko mula sa cabinet at inilagay iyon sa suitcase ko saka lumabas ng bahay.
Paglabas ko ng bahay ay napansin ko ang nakapatong na kahon ng regalo sa malaking flower vase sa tabi ng pintuan.
Kinuha ko ito at naglakad na papuntang parking lot. Bago pa man ako umalis ay tinawagan ko na ang ilang mga security guard na pumunta ng bahay para magbantay.
PAGKARATING ko ng opisina ay tinignan ko muna ang regalo na nakahiga sa shotgun seat. Kinuha ko ito at binuksan.
"The Sin will reincarnate itself soon"
Iyon ang nakalagay sa baril. Itinakip ko ulit ang cover ng kahon at ibinalik sa lalagyanan. Kinuha ko ang mga gamit ko saka pumasok na ng gusali.
Everyone was greeting me while walking toward my office.
Kinasanayan na nila ang ganitong pag-uugali.
I opened my laptop but it doesn't work. It was encrypted.
What the heck is happening right now?
Tumayo agad ako para puntahan ang computer operator pero bumukas ang pintuan ko. Si Irene.
Nakangiti siya habang naglalakad palapit saakin.
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong niya.
"May nangyari lang" tipid na sagot ko.
"Hey, are you really okay?" tanong niya ulit.
"My laptop was encrypted" sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya saka naglakad palapit sa table ko. May tinignan siya rito bago tumingin saakin.
"Dalhin natin sa computernik" suggestion niya.
"Mamaya na lang" tugon ko.
"Wait lang" Sabi niya saka lumabas.
Ilang sandali lang ay bumalik siya ulit sa kuwarto ko.
"I already clear your schedule, ngayon na lang tayo magdate" nakangiting sabi niya.
"At ipaayos na rin natin yang laptop mo" Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Sige, halika na" inilagay ko sa bag ang laptop at sabay na kaming lumabas ng silid ko.
"Ahmm, Saan po punta niyo?" tanong ni Jenna.
"It's our privacy, Jenna" tugon naman ni Irene.
"Hehehe, alam ko naman po yun" Sabi nito.
"Good" masungit na sabi sakanya ni Irene.
PINAAYOS namin muna ang laptop ko at babalikan na lang daw namin mamayang hapon kaya pumunta kami ng mall.
BINABASA MO ANG
The Curse Of Mr. Velasquez
General FictionLeo Velasquez, the epitome of Evilness who only knows how to take vengeance to the people who killed his Wife and son. His plan was slightly uplift when he met Irene Thompson, the only daughter of his enemies.