Zoey's Pov:
Nandito na kami sa airport. Pina scan muna namin ang mga bag na dala namin. Pareho lang kaming may dalang isang maliit na bag para sa mga damit na susuotin namin doon
Isang maliit na bag na lang ang dinala ko na may lamang apat na damit at shorts ko dahil sabi ni doc christian ay duon na lang daw kami mamimili ng mga susuotin namin for 1 week.
**Sa iyong ngiti akoy nahuhumali at sa tuwing ikaw ay lalapit ang mundo ko'y tumitigil**
Napalingon ako kay doc at ang ibang mga tao na nasa airport ng may kantang biglang tumugtog na nanggagaling sa kanyang bulsa
Agad din nya itong binunot ng mapansin nyang may mga tao na rin ang nakaka pansin sa kanya at mayroon naman syang pinindot doon kaya naman tumigil na iyon sa pagtugtog
"Excuse me"he said and then he pointed the cellphone in his ear
Lumayo naman sya sa akin at sa mga taong maiingay
Pero infairness ang ringtone nya sa cp ay ngiti. Favorite song ko din yon e
"Ang gwapo nya no?"narinig kong bulong nung isang girl sa kasama nya habang titig na titig kay doc
"Oo nga. Ang hot pa ni doc"sang ayon nung girl 2
Tsk! Ang haharot ng mga babaeng to!! Bagay nga kayo sa kanya. Parehong malalandi!
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"biglang tanong ni doc sa akin na nasa harapan ko na
"Ayy.. Who's that cheap girl?"
"Baka alalay. HAHA"
"Oh, my god! Kaya pala. HAHA"
Pag ako nainis ng todo pagsasakalin ko silang dalawa!
"Halika na nga"sabi ni doc at biglang akbay sa akin
nagulat ang dalawa sa ginawang pag-aakbay sa akin ni doc chan pati nga ako ay nagulat e!
"Bakit nya- Harshh!!"may halong pagkainis nung babae
"What the heck!"girl 2
Pilit kong tinatanggal ang braso nya sa aking balikat dahil sobrang bigat nya sa katawan ko at nakakahiya dahil maraming mga taong nakaka kita sa amin at yung iba kinikilig pa sa mokong nato. Yung iba naman ang samang makatingin sa akin para na akong matutunaw sa mga titig nila!
Bwisit kasi tong doctor nato e! Dinadamay pa ako sa mga kalandian nya
"Alisin mo na nga yan"reklamo ko at pilit parin tinatanggal ang braso nya ngunit matigas ang ulo nya at lalo pa nya akong nilapit sa kanya
Amoy na amoy ko talaga ang pabango nya yung pabangong gustong gusto kong amuyin mula sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa tuwing kasing naaamoy ko sya para akong narerelax ng todo
Marami na rin ang nakatingin sa amin. Yung iba kilig na kilig pero yung iba ang sama sama ng tingin sa akin
Ganito ba talaga sya kasikat sa buong bansa? Eh, kada dadaanan namin, siya ang laging tinitignan.
Tumingala ako sa kanya pero wala syang pake sa lahat ng mga taong nandidito at para sa kanya ay kami lang ang tao dito sa airport
Pero Infairness ah. Ang gwapo nya lalo sa malapitan. Ang perfect ng mukha. Mula noo hanggang chin ay napaka perpekto
Kaya naman pala ang daming baliw na baliw sa kanya..
"Baka malusaw ako"he said with a evil smile
Bigla ko naman naramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan at ang pagtibok ng kay bilis ng aking puso dahil sa paglapit ng kanyang mukha sa aking mukha na hindi ko kaagad napansin. I think 2 inches na lang ang pagitan namin dalawa
BINABASA MO ANG
Falling Inlove❤️
RomanceIsa lang ang hinahangad ni zoey sa buhay nya yun ay ang makasama pa nya ng mas matagal ang babaeng nagluwal at nagmahal sa kanya ng buo Masakit parin sa kanya na nakikita nyang nasasaktan ang kanyang ina dahil sa lalaking nang iwan sa kanila since 1...