Chapter 2: Simula

155 7 0
                                    

Zoey's Pov:

4:30pm na at pauwi na rin ako galing school ilang buwan na lang graduating na ako at doctor naman ang kinuha kong course dahil yan ang gusto ko para ako mismo ang gumamot kay mama.

Kanina pa ako hindi mapakali at hindi ko alam kung bakit ba ganito na lang kalakas ang pintig ng puso ko parang may mangyayaring masama.

Ganito din ang naramdaman ko nung iwan kami ni papa Pero Harshh!! Lord kayo na pong bahala kung ano man po ang gumagambala sa dibdib ko ngayon sana wala lang to. Amen

Nandito na ako sa tapat ng bahay namin at nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa loob ng bahay
.
.
.
.
.
.

"Ma? MAMA!!"napasigaw at nagpanik na ako ng makita ko si mama na naka handusay sa sahig

mabilis akong lumapit sa kanya at doon na rin bumuhos ang luha galing sa mga mata ko

napansin ko rin ang limang boteng gin na wala ng laman at isang maliit na bote ng gamot na naka kalat na. Hindi ko alam kung anong klasing gamot ba yon pero dumoble ang kaba ko mula kanina hanggang ngayon

Jusko! Ito na ba yung bumabagabag kanina sa akin? No! Please lord wag ngayon! I need my mother! Wag nyo po syang kunin

"Ma. Mama. TULONG! TULUNGAN NYO AKO!"nagsisigaw na ako upang may makarinig sa akin at tulungan akong maidala si mama sa hospital."TULONG!! Mama"

"Zoey? Tita Lucy?"napalingon ako sa bagong dating na si bryan na galing sa pag takbo at ka agad naman nyang binuhat si mama palabas ng bahay sumunod naman ako sa kanya. "Anong nangyari sa kanya?"tanong nya na may pag aalala

"H-hindi ko alam. N-nakita ko na lang syang nakahiga na sa sahig at wala ng malay"natatarantang sagot ko

nagpara na ako ng tricycle para maisugod agad namin sa hospital si mama

"Sa loob kana"sabi ni bryan sa akin pagkapasok nya sa walang malay kong mama

tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa loob para mabantayan si mama

kinuha ko ang ulo ni mama atchaka ko ito ipinatong sa balikat ko habang ang mga kamay naman nya ay hawak hawak ko

"Mama, wag naman po sana pati kayo ay iwan ako"pagkakausap ko sa walang malay na si mama at hanggang ngayon wala paring tigil ang pagbuhos ng mga luha ko

Ayokong pati si mama ay iwan ako. Ayokong mangyari ulit ang naranasan ko nung iwan kami ni papa. Ayokong dumating sa point na mag isa na lamang ako sa buhay.

Masakit ang mawalan ng isang magulang ayokong pati si mama ay mawala sa akin!

Di ko kayang mag isa na wala ng magulang ang gagabay sa akin

Lord, please not my mother!

After a few minutes nadala na rin namin si mama sa hospital at nasa ER na sya ngayon

nakaupo akong mag isa sa upuan habang hinihintay ang paglabas ng doctor para malaman kung ano ng lagay ni mama ngayon

"Zoey, oh?"nilingunan ko ang bagong dating na si bryan na may inaalok na tubig at isang tinapay sa akin

bahagya akong ngumiti sa kanya at kinuha ang binili nyang pagkain para sa akin atchaka na sya umupo sa tabi ko

Siya pala si Bryan Legaspi  ang kababata kong kaibigan na lalaki bukod sa kanya sya lang ang lalaking malapit sa aking buhay at sya rin ang tumayong nakakatandang kapatid ko dahil mas matanda pa sya sa akin ng 6 years

Actually 25 na sya at 19 years old pa lang ako ngayon

He was a very helpful and kind person that I met before when we are child.

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon