Chapter 17

44 3 0
                                    

Zoey's Pov:

Isang linggo na ang naka lipas ng makauwi na kami sa kanya kanya naming bahay

Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni doc chan at kung may check-up si mama ay hindi na sya ang pumupunta kundi pinapautos lang nya ito sa ibang doctor na kaibigan nya ang pagche-check up kay mama. Marami daw kasi syang ginagawa

Hindi ko alam kung iniiwasan lang nya ako, simula kasi nung gabing yon ay hindi na sya nag abala pang pumunta sa kasiyahan hanggang sa pag uwi namin ay hindi sya umiimik

Gusto ko man syang puntahan sa hospital pero wala akong makuhang dahilan kung bakit. Atchaka mas ok na siguro yung hindi na kami nagkikita pa para hindi na ako tuluyang mahulog sa kanya!!

HARSSHHH!!! Oo. Unti unti na akong nahuhulog sa doctor na yon, ewan ko kung bakit, basta yun ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kaming dalawa pero natatakot ako na baka pag umamin ako sa kanya ay tatawanan nya lang ako o di kaya gamitin nya ang feelings ko para makuha nya ang gusto nya tapos pag nakuha na nya iiwan kana lang nya ako ng basta-basta sa ere!! No! Ayoko! Mas mabuti ng mawala ang feelings ko kaysa magmukhang kawawa nanaman. Alam naman natin na matinik sya sa mga babae at ayokong maging isa sa kanila!

Feelings lang to, mabilis mawala!

"Zoe, bakit ang lalim nanaman ng iniisip mo. Alam mo simula nung pumasok ka sa school wala ka ng ibang ginawa kundi maging ganyan. Ano ba talagang problema mo ah?"tanong ni Jessa. Nasa canteen kami ngayon

Hindi ko pa naikwento sa kanya ang lahat. Wala kasi ako sa mood magkwento at alam kong maiinggit nanaman ito pag nalaman nyang nakasama namin si bryan sa Cebu

"Wala."matipid kong sagot

"Wala?!"sigaw nya kaya lahat ng mga tao sa canteen ay sa amin na ang tingin

"Baliw ka talaga."naiinis kong sambit

"Hehe!"sabi nya habang naka peace sign

"Ano na kase?"mahinahon na nyang tanong

Napaka chismosa din pala neto. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko to e.

"Ang alen?"painosenteng tanong ko atchaka ko kinagat ang burger na binili nya para sa akin

"Ikwento mo na kase sa akin ang nangyari sa inyo ni doc chan sa cebu."sabi nya habang nagp-puppy eyes. Gusto kong masuka! HAHA biro lang

"Alam napaka chismosa mo no."sabi ko

"Syempre kaibigan mo ako at gusto kong malaman kung anong klasing pamumuhay ang ginawa nyo ni doc chan sa cebu."kinikilig nyang sagot.

"Tsk! Pinagsasabi mo."

"Bwisit to! Ikwento mo na please. Pramis lahat ng gusto mong kainin sagot ko in 1 week. Ano deal?"sabi nya

Aba! Kung libri lang ang kapalit, game ako! HAHA kailangan ko rin makatipid ng pera hehe

"Ok deal."sagot ko, nakita ko naman kung gaano sya kasabik na malaman lahat ng ginawa namin ni doc chan sa cebu.

Inubos ko muna ang kinakain ko atchaka ko na inumpisa ang nangyari

Tahimik lang syang nakikinig pero minsan nanakit dahil kinikilig lang daw sya. P*ta! Parang ayoko ng magkwento! Puro pasa na yata ang buong katawan ko dito..

Nalaman na rin nya kung paano namin nakasama si bryan sa amin at ito nga ang sinasabi ko e. Naiinggit nanaman sya sa akin, kesyo raw ang haba haba ng buhok ko at pinag aagawan nilang dalawa. Harsh! Patay na patay nga sya kay bryan.

Naikwento ko na rin kung paano tumibok ang puso ko pag dating kay Doc chan at kung paano dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko sa tuwing nahahawakan ko sya o kaya naman nadidikitan ang mga balat namin sa isa't isa

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon