Chapter 12

49 3 0
                                    

Zoey's Pov:

"Ache shoey! Giting na po dan! Ache!!"nahihilo ako sa yumuyugyog sa katawan ko at parang may nagsasalitang dwende(Ate zoey! Gising na po dyan! Ate!!)

"Hmm. Ano ba!"reklamo ko habang naka pikit pa ang mga mata ko, tinakpan ko rin ng unan ang mukha ko

"Achee!! Giting na dan!!"hindi pa rin sya tumitigil sa pagyugyog sa katawan ko(Ate!! Gising na dyan!!)

Bwisit! Sino ba tong gising ng gising sa akin? Nasisira tuloy ang pagtulog ko.

"Dowk, ayaw po nya magiting!"reklamo nya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nya

"Ganun ba? Wait mo ko dyan ah?"rinig ko na parang may nagbubulungan

Hindi ko naman sila pinansin dahil inaantok pa ako. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi e. Yung bwisit na lalaking yon kase e! Harshh!! Ayokoo naaa!!

"Psst!!"sabi nung nang gigising sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko

Para akong tangang nakikiliti sa pagsundot nya

"Wake up!"bulong ng kilala kong boses

Agad kong tinanggal ang unan sa mukha ko at tumambad sa akin ang napaka gwapo nyang mukha

Ang lapit ng kanyang mukha sa akin.

Nagkatitigan kami sa isa't isa hanggang mapunta ang paningin ko sa kanyang mapulang labi.

Napalunok ako ng dahan dahan at para akong nate-temp na halikan sya.

No! Zoey! Don't do that! Mapapahiya ka lang!

Kumuha muna ako ng pwersa para maitulak sya papalayo sa mukha ko at nagawa ko naman yon.

Mabilis akong tumayo at pumasok sa cr.

My god! Muntik na yon ah!

Zoey, pigilan mo ang nararamdaman mo para sa kanya, ok?! Hindi pa nga nag uumpisa ang laro, unti unti ka naman nahuhulog sa kanya. Pano kung hindi ka nya saluhin? Edi magiging kawawa ka ulit! No! Hindi pwede!

Hindi ka pwedi sa kanya.

Ang mayaman ay para lang sa mayaman. Ang mahirap ay para lang sa mahirap! Yan ang lagi mong tandaan!

Hindi na pweding maulit ang nangyari sa amin dati ni mama. Ang pag iwan ni papa sa amin!

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko.

After a few moment. Nagpasya na akong maligo kahit na malamig pa ang tubig

Lumabas akong naka twalya lang dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako naka panguha ng masusuot ko kanina at buti na lang wala na sya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sofa dahil nandun ang bag ko na may lamang damit na susuotin ko

I think isang suot ko na lang ang nandito. Hindi pa pala kami naka bili ng mga damit namin

Wait? Asan yung under wear ko?

My god! Nawawala yung under wear ko!

Binaliktad ko ang bag ko pero wala yung under wear ko sa loob. Dito ko lang nilagay yun e.

Tinignan ko sa buong kasuluk sulukan ng kwarto ang under wear ko pero wala parin akong makita.

Sh*t! Anong gagawin ko?!

Hindi ako pweding lumabas ng walang panty. Harshh!! Nasan kana ba?

8:30am na baka nag uumpisa na sila sa Medical Mission.

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon