Zoey's Pov:
It's already 8:30pm. Nag i-start na rin ang lahat.
Nandito kaming lahat sa gitna ng tabing dagat na naka indian sit habang naka lupong. Marami rin ang ilaw na nilagay nila dito para maging maliwanag pa.
Si Mang canor at Kuya Nestor naman ang naka tayo sa gitna dahil sila lang ang pwedeng magsalita habang kami ay makikinig lang muna
Katabi ko si ate rose sa kanan ko at si bryan naman sa kaliwa. Si Doc naman nasa kanan ni ate rose habang may kasama syang babaeng mistisa at puno ng kolorete ang kanyang mukha. Ngayon ko lang sya nakita dito at hindi ko man lang alam ang pagdating nya
Sino sya? Bakit ang higpit nyang yumakap sa braso ni Doc? Pinapunta ba sya dito ni doc?
Ang dami daming tanong na gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko
Parang bigla na lang naninikip ang dibdib ko.
Ano ba tong nararamdaman ko? Lagi na lang ako ganito simula ng dumating sya sa buhay ko!
"Zoey, ok ka lang?"tanong ni bryan sa akin
"Oo."matipid kong sagot at kina mang canor at kuya nestor ko na lang binaling ang paningin ko
"Ok. Ready na ba kayo maglaro?"tanong ni kuya nestor
Nagsipagsang ayon naman ang lahat pwera na ako at si doc.
Napalingon kase ako sa kinaroroonan nya at nakita ko syang nakatingin din sa akin ng napaka seryoso. Naalis lang ang mga mata nya sa akin ng tawagin sya nung makolorete ang mukha atchaka sila sabay na tumawa.
Naiinis ako sa kanila!
"Ok. Simulan na natin ang laro."sabi ni mang canor na may dalang mahabang lubid."Bago yon magbubunutan muna kami para sa leader ng mga team."lumapit naman si daboy na may hawak na maliit na box habang pakending kending kaya marami ang natuwa sa kanya at ganun din ako
Ang lambot nya. HAHAHA mamimiss ko talaga sila lalo na ang mga bata.
Nagsimula ng bumunot si mang canor at si kuya nestor sa box.
"Para sa team leader na nabunot ko ay si Doc chan."sigaw ni mang canor, tumayo naman si doc chan sa gitna kasama sila mang canor at kuya nestor
"Ang gwapo talaga ng doctor natin no?"bulong sa akin ni ate rose, napangiti lang ako habang nakatitig kay doc
"GO! BABY!"napalingon kaming lahat sa sumigaw. Yung babaeng kasama ni doc
"Baby? Sus! Napaka landi talaga ng babaeng to!"bulong ni ate rose habang nanggigigil.
Kilala na kaya sya rito? Matagal na rin ba syang nagpupunta dito kasama si doc chan?
"Kung hindi lang ako buntis. Hay naku! Siguro matagal ko ng pinatos ang pagmumukha ng babaeng yan dito! Kapit ng kapit kay doc chan, e wala naman sila!"sambit ni ate rose
It means. Walang sila ni doc chan? E bakit sya nandito?
"Ate, sino ba yang babaeng yan?"curious na tanong ko kay ate rose. Sasagutin na sana ako ni ate rose ng marinig ko ang pangalan ko na tinawag ni kuya nestor
"Ikaw pala ang kalaban ni doc e. HAHA. Sige na puntahin mo na sya."pagtataboy ni ate rose sa akin
Bakit ako? Harshh!! Kainis talaga!
"GO BABYGURL!"sigaw ni bryan ng makapunta na ako sa gitna.
Nagsi kilig naman ang mga tao at nagpalakpakan pa.
Bryan talaga!
"Ready na ba kayo?"tanong ni mang canor na katabi ni doc chan, katabi ko naman si kuya nestor
BINABASA MO ANG
Falling Inlove❤️
RomanceIsa lang ang hinahangad ni zoey sa buhay nya yun ay ang makasama pa nya ng mas matagal ang babaeng nagluwal at nagmahal sa kanya ng buo Masakit parin sa kanya na nakikita nyang nasasaktan ang kanyang ina dahil sa lalaking nang iwan sa kanila since 1...